Someday

634 Words
Kabanata 3 Malakas na tunog ng kanyang cellphone ang gumising sa mahimbing na tulog ni kassie. "Hello?" "Hi, how's my lovely baby, ha?" tinig ni riel mula sa kabilang linya. "O, Ma, natawag ka?" masiglang wika niya kahit na pupunga-pungas pa siya. "Why? Ayaw mo bang boses ko ang unang marinig mo paggising sa umaga?" "Ma, hindi sa ganoon. Kaya lang, ang alam ko ay nasa ibang bansa ka at nakakagulat na paggising ko sa umaga ay ikaw ang unang caller ko." "Ah, iyon ba? Na-miss kasi kita." "Talaga, Ma? I miss you too, Mama. Kailan kayo uuwi ni papa?" "matagal pa siguro, Hija. Alam mo naman na ngayon lang kami nagkaroon ng time ng papa mo na magkasama, hindi ba? Noong nariyan kami ay puro siya trabaho at ako naman ay puro sulat lang ng novels. Ngayon lang uli namin na-realize that were not that old para mawalan na ng panahon sa isa't isa at lumamig ang mga kama sa gabi, hindi ba? " Napahagikgik na lang si kassie at bigla na naman siyang naaliw sa pinagsasabi ng ina. " Yeah, you said it right, Ma. You deserved a break for each other. Anyway, mag-enjoy na lang kayo riyan, ha? " " Sure, Hija. Ikaw, behave ka ba riyan?" "Oho naman. Kailan ba ako hindi naging behave?" "How's your job at the hotel?" "Okay lang." "Talaga? Paano ang pagsusulat mo? Talaga bang nakahanda ka nang talikuran ang pagiging romance writer? Sayang naman, Hija. Sabi sa akin ni Mrs. Gomez ay nakikilala na rin naman kahit na paano ang pangalan mo. " Well, kahit naman paano ay pinipilit kong makasulat. Kaya lang, halos bihira na rin kung maharap ko ang laptop ko. Marami na kasing guest dito sa hotel. Palagi kaming on the go. But don't worry, Ma, I'll find time para makapagsulat ng madalas." " That's good! Alam kong kagaya ko, your passion for writing is in your heart at magiging malaking kawalan at kahungkagan sa puso mo ang hindi mailabas ang talent na yan." " Sinabi mo pa. Ah, Ma, can i ask you a question? " " Sure, ano ba yon, Hija? " " Ah, n-noon hong bago pa lang kayo nagsusulat, nagkakaroon bang pagkakataon na feeling n'yo kayo ' yong bidang babae? " " Oo naman. Alam mo ba, madalas ako ngang ma-imagine na ako ' yong bidang babae, at iyong bidang lalaki naman ay ang kabuuan ng lalaking pangarap kong makasama habang buhay. Madalas nga, kapag sobrang intense ako sa ginagawa kong novel, napapanaginipan ko pa ito. Ako raw ang bidang babae, at iyong bidang lalaki ay magkasama, nag-iibigan." " T-talaga? " Biglang kumudlit sa isip ni kassie ang panaginip niya kagabi." M-ma, k-kapag lovescene, napapanaginipan mo pa rin yong bida mo na... I mean, ginagawa nila yon?" Ilang sandaling natahimik si riet. " Bakit, Hija, dumating ka na ba sa puntong yan?" may himig-panunudyo ang tinig nito. "H-ho? ---hindi ho." kahit hindi kaharap ang ina ay namula ang pisngi ni kassie. "Then, why you're asking?" "W-wala naman ho. F-forget it, Ma." should 'nt be discreet on me. " " Ma, hindi ako naglilihim sa iyo, okay? Natatawang wika niya. "Then, tell me, are you in love with somebody else?" "Ho?" "Well, naitanong ko lang. Baka kasi may lumiligalig na sa puso ng bunso ko." "W-wala pa ho!" biglang sagot ni kassie. "B-bakit naman n'yo naitanong yan? Alam naman ninyo na kahit na kagaya mo ako na mahilig sa romance novel, ayoko pang ma-inlove kahit kanino." "Talaga?" "Oho naman. Kayo talaga." "O, sige na, naniniwala na ako." "Talaga? Baka mamaya, tutuksu-tukso na naman kayo."Nilakipan niya nang paglalambing ang tinig. " Hindi na. O, sige, ba-bye na muna, ha? Ingat ka riyan. " " Yes, Ma'm thank you, Ma. Sina kuya rence at kuya jason, natawagan na ba ninyo? "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD