Someday

936 Words
Kabanata 4 "Yeah. Pero alam mo naman ang dalawang iyon, masyadong busy. Yang kuya rence mo, busy daw siya sa trabho niya bilang secret agent ng uncle derick mo. Ang kuya jason mo naman,sobra ein ang dedikasyon sa kanyang propesyon bilang doctor. Aba'y hindi ko rin mahagilap kagabi. Tawag ako nang tawag, ring lang nang ring ang telepono sa condo unit nila. Ang mga cellphone naman ay laging out of reach. Sabi ko nga sa kanila,baka busy lang sila sa mga babae sa paligid nila. " " Si Mama talaga, ang sama nang tingin kina kuya. " " Well, you can't blame me, Hija. Sa reputasyon ng dalawng iyon na parehong habulin ng babae, hindi malayong busy sila sa babae. " " Ma, si kuya rence lang ang busy sa mga babae. Si kuya jason, alam naman ninyong head-over-heels na in love kay jenny." " Sabagay. O, sige, ba-bye na talaga, ha? " " Sige ho, bye, I love you. " " I love you too, Hija. " May ngiti na sa mga labi ni kassie nang i-off ang kanyang cellphone. Pafkuwa'y tinungo na niya ang banyo at itinapat sa rumaragasang tubig mula sa shower ang bubad na katawan. Ang lalaki iyon, bakit na pumasok siya sa panaginip ko kagabi? Hmp! Nakakainis! At love scene pa man din ang eksena sa panaginip ko! Naiinis na marahan niyang ipinikit ang mga mata habang nagsasabon ng katawan. He kissed me, he touched me, pakiramdam ko ay totoong-totoo ang panaginip kong iyon. Hindi aware si kassie na habang binabalikan sa isip ang mga eksena sa kanyang panaginip ay mas naging erotiko ang paglalakbay sa katawan ng palad niyang may hawak na sabon. Ang init ng palad niya, parang narito pa sa katawan ko, sa balat ko, parang nararamdaman ko pa hanggang ngayon. Oh God ! Ano bang ibig sabihin ng panaginip na iyon? Habang patuloy sa pagdaloy ang tubig sa kanyang katawan, patuloy naman sa marahang pagsasabon sa kanyang katawan ang palad niya. At hindi parin siya aware na nagtatagal ang kamay niyang pabalik-balik sa mgakabila niyang dibdib. Masyado siyang nalululong sa pagdama sa nakakikiliting sensasyong na binubuhay ng mga alaala ng eksena sa kanyang panaginip. Oh s**t! Kalaunan ay siya rin abg kusang natauhan at naihinto ang ginagawa. Ano bang nangyayari sa akin? Hmp! Nakakainis! Nakakainis ang lalaking iyon! Ano bang karapatan niya na pumasok sa panaginip ko? Matagal na mula nang magkita kami, hindi ko siya dapat isipin. Napapahiya sa sariling minadali na ni kassie ang pagbabanlaw at agad na nagbihis. Marami silang guest, dapat ay narion na siya sa kanyang opisina para kung may problema ay agad niyang maaksiyunan. Pero bago siya tuluyang lumabas sa kanyang unit na nasa pinakaitaas na palapag ng sampung palapag ng hotel na iyon, hindi niya napigilan ang sarili na buksan ang kanyang laptop computer. Tatlungpung minuto siyang nag-type. Dinugtungan niya ang naputil na eksenang nakatulugan niya kagabi. Idinugtong niya roon ang eksenang nabuo sa panaginip niya... Kasama ang lalaki iyon na tila ayaw nang maalis sa kanyang sistema. Ano kaya kung... Tinanggap ko siya noong nag-a-apply pa? Paano ko kaya siya napapakiharapan kapag kausap ko siya? Kagaya kaya nang una ko siyang makita at makaharap ay lagi kayang bumibilis ang t***k ng puso ko? Oh s**t! What's wrong with me? Bakit ba ganito ako mag-isip? Masyado na yata akoang apektado sa pagiging romance writer ko at anu-ano na ang nagiging ilusyon ko! Pero kahit pagalitan pa ni kassie ang sarili, hindi pa rin mawala sa isip niya ang lalaking iyon. "OKAY naman ho ang mga bagong dating na guest. Ma'am," nakangiting wika ni Marie na tumatayong assistant ni kassie. "Ganoon ba? That's good. Siyanga pala, iyong function room na pagdarausan ng seminar ng Castillo Advertising Company, maayos at malinis ba?" "Yes, Ma'am, Na-check ko na rin ho ang mga pagkaing ise-serve sa kanila for lunch and dinner, pati na ang dessert," "Mabuti naman. Anyway, if ever na may problema, o may request ang mga guest, be sure na maibibigay agaf, oaky?" maawtoridad na wika ni kassie. "Yes, Ma'am." "Sige, pupunta na ako sa office ko, ha?" "Yes, Ma'am." Ilang sandali pa nga, abala na si kassie sa pagpirma sa mga papeles at pagsagot sa mga tawag sa telepono na galing sa lungsod. Alas diyes na nang maisipan niyang lumabas pa lra mag ikot at tuloy mag-miryenda. Noon lang kasi niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura at bigla niyang naalala na hindi pa nga pala siya nag almusal. "Ma'am, may problema ho sa Suite 309, nagrereklamo ho ang guest natin doon dahil hindi raw umandar ang jacuzi at hot water."salubong sa kanya ng assistant na si Marie habang palabas pa lang siya sa kanyang opisina. " Ha? Akala ko ba'y na-check na ninyo iyon? "bahagyang kumunot ang kanyang noo at pagdaka ay gusto nang mag-uinit ng kanyang ulo. " Ma'am, na-check naman ho iyon kahapon. Bigla na lang hong ayaw umandar ngayon. Naroon na nga ho ang gagawa, pero galit pa rin ang guest. Nire-request ho na makausap ang manager. Ma'am, siya ho ang may-ari ng Castillo Advertising." "Ganoon ba?" Saglit na nag-isip si kassie. Kailangan maging malamig ang kanyang ulo. Afterall, iyon ang trabho niya roon, payapain ang mga guest na mainit ang ulo dahil sa paminsan-minsang pagpalpak ng mga facilities at trabahador ng hotel nila. " Sige, pupuntahan ko na lang." "Yes, Ma'am. Sasamahan ko ba kayo?" "Huwag na. Pumunta ka na lang sa reception area at mas kailangan ka roon." "Yes, Ma'am." Kaya kahit patuloy sa pagkalam ang kanyang sikmura, tinalunton niya ang pasilyong patungo sa elevator para pumunta sa third floor kung saan naroon ang Suite 309.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD