Kabanata 15
MALAYO pa si kassie sa kubol na
kinaroroonan ni Ced ay lumabas na ito at
humakbang palapit sa kanya.
"Ced, ano ka ba? Bakit ayaw mo akong--"
"Halika nga!" Biglang hinawakan ng
binata sa braso si kassie.
"C-Ced! S-sandali! Ano ka ba? Saan mo
ako dadalhin?" bagama't pinipilit niyang
huwag magpatangay sa pag hila nito ay
hindi niya magawa.
"Mag-uusap lang tayo okay?"
"M-mag-uusap? Eh, hinihila mo na ako,
ah!
" Dahil ayokong bigyan ka ng
pagkakataon na makalayo sa akin. "
" C-Ced! "Gusto na niyang matakot dahil
parang iba na ang tono nito.
Isa pa, palayo na sila nang palayo sa..
hotel at wala na talaga siyang matanaw
na tao.
" A-ano ba? Kapag hindi mo ako
binitiwan, sisigaw ako! "banta niya.
Tumigil ito sa paghila sa kanya at galit na
lumingon.
" Talaga? Sige, sumigaw ka! Humingi ka
ng saklolo sa mga guwardiya ng hotel
n'yo!
Ano naman ang sasabihin mo sa kanila?
May ginagawa ba akong masama sa
iyo?
"C-Ced, please?"
Ilang sandaling natigilan ang binata.
"Okay, ganito na lang. Please, mag-usap
tayo. Huwag mo naman akong iwasan.
Maghapon akong tawag nang tawag sa
iyo kahit nasa seminar ako, ipinatatawag
kita sa assistant mo, pero iwas ka nang
iwas. Nagpa-panic ako, alam mo ba
iyon?"
"A-anong nagpa-panic? B-bakit ka
naman magpa-panic?"
"Nagpa-panic ako na tuluyan na namang
maputol ang komunikasyon natin. Uuwi
naako sa lungsod bukas, at ayokong
iwan ka rito na hindi mo ako
naiintindihan."
"A-ano ba kasi talaga ang pinagsasabi
mo?"
"Let's go, doon tayo mag-usap." turo nito
sa batuhan na pinuntahan nila kagabi.
"H-ha?" Hayun na naman ang pangamba
sa kanyang puso.
Malayo iyon,talagang walang
makakarinig sa sigaw niya sakaling
tuluyang ma-praning ang kasama niya
at gawan siya nang masama.
"Natatakot ka sa akin?"
"H-hindi naman---"
"Isang bagay lang ang titiyakin ko sa iyo,
Kassie. Kahit nasa malayo, o kahit narito
sa malapit, walang mangyayaring
masama sa iyo. Hindi ako masamang
tao.
Napalunok siya.
Maniniwala ba siya?
Eh, parang iba na ang tono ni Ced.
Hindi siya kumibo, pero hindi rin naman
nagwala ang kamay niyang hawak nito.
"Mag-uusap lang tayo. Ha?" masuyong
wika nito nang akayin na siya.
Tila maamong tupa na sumunod na lang
si kassie. Pilit niyang inihahanda ang
sarili sa maaaring maganap.
MALAMIG ang simoy ng hangin-pag
gabi, dama ni kassie na mas malalim
ang namamagitang tensiyon sa kanila
ngayon habang nakaupo sila sa
batuhang iyon.
"So, ano ba talagang gusto mong sabihin
sa akin?" mayamaya ay untag niya sa
pananahimik ni Ced.
Mula sa pagkakatanaw sa kawalan ay
bahagya itong lumingon sa kanya.
"When I was young. I met this beautiful
girl nang dumalo ako sa isang birthday
party. Siya iyong palaging nananalo sa
mga parlor games. Malakas kasi siya
maliksing kumilos. Naroon lang ako sa
isang tabi, nanonood sa kanya,
humahanga. Gusto ko nga siyang lapitan
at batiin tuwing matatapos ang games
na siya ang panalo. Pero nahihiya ako.
Payat kasi ako, sakitin, mahina ang
katawan. Saka maliit sin ako noon.
Parang hindi lalaki. " Binuntutan nito
nang pagak na tawa ang huling sinabi.
Nakikinig lang si kassie, pero nag - iisip
na siya kung sino ang binabanggit nito.
" Nang sumunod ko siyang makita, sa
secondary school na pinag-enroll-an sa
akin ni Mama. Ahead ako sa kanya ng
isang taon, pero halos malaki pa rin siya
sa akin. Active siya sa sport at cheering
squad ng school namin. Lalo akong
nahiya na lapitan siya para
makipagkaibigan sa kanya. Hanggang
tanaw na lang ako. Nakikisigaw kapag
nanalo siya sa volley ball. Naninibugho
kapag may mga estudyanteng
nakikipagkaibigan sa kanya. Nauna.
akong natapos ng high school, pero
parang ayaw ko pa ring iwan ang school
na iyon. Kaya lang, gusto ni Mama na sa
America ako mag-aaral dahil
magma-migrate na sila roon ni daddy.
Wala akong nagawa, isinama nila ako.
Sabi ko na lang sa sarili ko, babalikan ko
siya..... SOMEDAY..... soon. "
" C-Ced, sino bang tinutukoy mo? " hindi
nakatiis na tanong ni kassie.
" Noong nasa America ako, may nakilala
akong mga kaibigan na mahilig sa sport
at sa gym, " wika ni Ced sa halip na
tugunin ang tanong niya."Doon na rin
nabuo ang tiwala ko sa sarili. Then, I've
realized na marami pala akong kayang
gawin. I can make my own millions nang
makatapos na akong pag-aaral at
nakapagtayao ng sariling negosyo.
Maraming babaeng lumapit sa akin.
Nagpapapansin, naghahangad na
mahalin ko. Pero ayoko sa kanila. Then, I
moved heaven and earth para makabalik
dito sa bansa. Kahit pa nga hindi ko
alam kung paano makakalapit sa kanya,
kung paano ko ipadarama sa kanya na
nag-e-exist pala ako. "
.
" C-Ced.... "
" Hindi totoong sa La Salle ako nagtapos,
sa ibang bansa ako galing, alam mo na
iyon? "
" B-bakit mo ginawang---"
" Dahil gusto kong makalapit sa iyo. "
" Ced! "
" Ikaw ang binalikan ko. Gumawa ako ng
paraan para makalapit sa iyo.
Kesehodang nagpanggap akong
aplikante. Ewan ko ba, pagdating sa iyo,
nasisira ang diskarte ko. Stupid moved
ang unang ginawa ko, hindi ba?
Nagpanggap akong aplikante. Pero
na-reject naman. " Muli itong tumawa."
Minsan pang nawala ang tiwala ko sa
sarili ko nang hindi mo ako tanggapin.
Imagined, isang taon ang pinalipas ko
para makalapit uli sa iyo. "
" I-I'm sorry kung hindi kita tinanggap.
K-kasi nga ay---"
" Its okay. Huwag ka nang mag-explain,
ha? Hindi na iyon mahalaga. "Bigla
nitong hinawakan ang kamay niya.
" C-ced.... "Akmang hihilahin ng dalaga
ang kamay.