CHAPTER 1

751 Words
"Ken, bigyan mo naman ako ng chance!" Heto na naman si Jess, nakabuntot na naman kay Ken. Napalingon ito sa kaniya at masamang tiningnan siya nito. "What do you mean by that?" salubong ang kilay na tanong ng binata sa kaniya. "Chance na papasukin mo ako sa buhay mo," tugon niya. "I told you, I won't allow you," napatiim-bagang nitong sabi at nanlilisik ang mga matang tinitigan siya. Hanggang kailan ba siya titigil sa pagiging tanga? Siguro, kapag nawala na ang nararamdaman niya o pagod na siya kay Ken. Pero imposible talagang mawala ang pagmamahal niya dahil sobra niya itong mahal. Kahit masakit ang mga sinasabi nito sa kaniya ay wala siyang pakialam. Hindi pa rin siya titigil sa pangungulit dito. "Sinabi ko naman sa ’yo, 'di ba? Hindi ako titigil hangga’t hindi ka napapasakin," determinadong sabi niya. Hindi niya talaga ito titigilan. Gagawin niya ang lahat para kay Ken upang mahalin din siya nito. Gusto niyang maranasan kung paano magmahal ang isang Ken Schurtz. "How many times do I have to tell you this, Jess? That I don’t want you!" "Oo, maraming beses mo nang sinabi sa akin iyan pero sigurado ako na darating din ang araw na mamahalin mo ako." Kahit marami nang mga nag-uusisang mga empleyado sa kanila, wala siyang pakialam sa mga ito. Basta ang sa kaniya lang ay si Ken ang pinuntahan niya rito at hindi sila. "f**k you, b***h! Stop following me!" dumagundong na ang sigaw nito. Kahit sabihan siyang b***h, okay lang sa kaniya. Wala siyang pakialam kung ano pa ang itawag nitong pangalan sa kaniya. "Ayaw ko nga! Kahit anong sabihin mo riyan, hindi pa rin ako titigil sa ’yo," hinihingal na sabi niya dahil sa kakasunod dito. Sa laki ng biyas ng lalaki ay lakad-takbo na ang ginawa niya. "I said stop following me! Are you stupid?" Madilim ang mukha nito nang humarap ito sa kaniya. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa ’yo na gagawin ko ang lahat para paibigin kita. Kahit alam kong marami kang babae riyan na nakareserba ay hindi pa rin ako titigil sa kahahabol sa ’yo," determinado at buong puso niyang sabi. "You know what? I am satisfied with them. They gave me what I wanted. So, kaya mo bang gawin iyon?" he seriously asked while grinning at her. "Ano?" desperadong tanong niya at lumapit ito sa kaniya. "Pleasure me," mapang-akit na bulong nito kaya tumindig ang mga balahibo niya sa batok. "What? Pleasure you!" hindi makapaniwalang sigaw niya kay Ken. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi pa siya nakaranas ng ganiyang pleasure sa tanang buhay. Paano niya gagawin iyon? Kung wala pa siyang experience? "Yes, pleasure me," sabi nito at sabay hapit sa kaniyang baywang. Natigalgal siya sa ginawa nito pero nalipat ang atensyon niya sa mabangong hininga ng binata. Amoy na amoy niya at nakahahalina rin ang bango ng katawan nito. "Ang bango-bango mo, Ken. Mas lalo akong na-addict sa 'yo," sabi niya sabay amoy ng katawan ng lalaki. "What are you doing?" Nagtatakang tumingin ito sa kaniya sabay hawak ng kaniyang mga balikat at nilayo ang katawan niya sa lalaki. "Inaamoy?" "Ano ka aso?" Nawiwirduhang tumingin ito sa kaniya. "Hindi, tao ako, ano! Halika ka rito, Ken. Paamoy naman." Sabay lapit na naman niya rito. "Stop smelling me. You looked like a dog.” Nilayo na naman nito ang katawan niya pero hindi siya bumitaw rito sa pagkakakapit sa leeg nito. Kahit maliit siyang babae ay pilit pa rin niyang niyakap ang leeg ng binata para maamoy niya ang nakakaadik nitong natural na amoy sa katawan. "Ay! Dog agad? 'Di ba puwedeng sumisinghot-singhot lang ako dahil ang bango mo?" nawawala sa wisyong saad niya. Nakakaadik talaga ang amoy nito. Sobrang bango. Hindi nakakasawang singhutin. "Stop that!" pigil nito sa kaniya. "Ken naman," angal niya. Tuluyan na niyang nilayo ang katawan niya rito at tinalikuran siya para pumasok na sa opisina nito. Nabigla siya sa lakas ng pagkasarado ng pinto nito. Napaismid na lang siya sa ginawa ng binata. Binuksan niya ang pinto nito kaya lang ay hindi na mabuksan-buksan. "Ken, open the door!" she shouted while still knocking at the door. "Go away!" "Ayaw ko nga!" "f**k! I said, go away!" "Okay, fine!" sukong sigaw niya pabalik. Nakangusong tumalikod siya bago pa ito makasagot. Hindi ako titigil sa paghahabol sa ’yo hangga’t hindi ka napapasaakin. Titigil lang ako kapag may mahal ka na sabi ng kaniyang isip. Makakaya niya kayang makitang may kapiling itong ibang babae? Alam niya sa sarili niyang hindi niya kaya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD