“BAKIT KA PA NAGHINTAY? Hindi ba’t tapos na tayo, Syrene?” Napakalamig ng mga mata ni Clint habang sinasabi ang mga katagang iyon. Napaawang namana ng bibig ng dalaga habang ilang beses na napakurap. “Tinatapos mo na talaga ang relasyon natin?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Gano’n-gano’n na lang ‘yon?” Kahit anong sikap niyang tatagan ang boses, nanginig pa rin iyon. “I asked you to choose and it’s obvious kung ano ang pinipili mo. Pinatayan mo pa ako ng tawag kanina.” “You’re being so unfair here, Clint!” “Unfair? Heto nga’t handang-handa ka na agad makipag-mingle sa mga artista ng Chasing Destiny.” Pumalatak siya ng malakas. “Bakit? Andidito ka rin naman ah! Nag-usap tayong magkita pero mas pinili mong pumunta rito nang hindi man lang pinapaalam sa akin.” “Well, they’re my

