“IBA NA naman ngiti mo ngayon ah,” puna ni Carrie habang sinisipat siya nito. Sila na lang dalawa ang naiwan sa sala dahil natutulog na sina Xia at Jenson. Gustong mag-deny ni Syrene ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Napapangiti talaga siya sa sobrang tuwa. Parang sasabog na yata ang puso niya kung wala siyang ibang mapagsabihan kung ano ang nangyari sa araw na ito. “Kami na,” maikli niyang sagot habang nakangiti at hindi inaalis ang tingin sa cellphone kung saan nag-g*ogle search siya ng mga pictures ni Clint. Napamulagat si Carrie. “Kayo na? As in… mag boyfriend-girlfriend na kayo? Official na talaga?” Tiningnan niya ang kaibigan at saka malapad itong nginitian. “Si Clint?! Nag-commit sa ‘yo?” hindi makapaniwalang tanong nito. Halos malaglag na ang mga panga nito sa sahi

