Jayzen’s POV
“Zen gising na!!!” Narinig kong sigaw mula sa labas ng aking kwarto na nakapag pagising sa akin. Lintik na Sofie to masyadong excited sa outing namin. Hapon alis namin pero nstulog muna ako kase for sure di ako makakatulog mamaya sa sasakyan pero etong Sofie na to panira ng tulog.
“Hoy Zen!.” Di pa siya nakuntento kumatok katok pa sa pinto. Nakakainis naman masyadong excited.
“Oo na eto na! Maliligo lang ako at mag aayos.” Sigaw ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagkatok.
“Sige hihintayin ka na lang namin sa living area.” Pahabol niyang sabi. Buti na lang nanahimik na siya. Ngayong araw gagawin ko ang plano ko kailangan ng maging sa akin si Steven.
Inayos ko muna ang mga damit na dadalhin ko bago ako naligo. Hays ang sarap maligo nakakafresh pagtapos kong maligo lumabas na ako sa cr. Sa kwarto na lang ako magbibihis buti na lang may sariling cr tong kwarto na to. Pinaayos kase ni dad to bago ako lumipat dito. Habang nagpupunas ako ng tuwalya sa buhok napatingin naman ako sa salamin. Hays gwapong maganda talaga ako. Pero napatingin ako sa ibabang part ng katawan ko. Dahil dito kaya ako iniiwan ng mga naging boyfriend ko lalo na pag nalalaman nilang meron din ako kung anong meron sila. Alam kong alam niyo ng isa akong intersex, parehas na meron ako.
“Hoy Zen next year ka ba lalabas diyan?” Nakarinig nanaman ako ng sigaw mula kay Sofie. Kaya naman binilisan ko ng magbihis. Tapos konting ayos ng buhok okay na. Lumabas na ako dala dala ang mga gamit ko.
“Excited ka masyado Sofie. Wala pa naman sundo natin.” Naiinis kong sabi sa kanya.
“Hehe syempre ngayon na lang ulit tayo nagka outing eh. Si Chla naman nakaupo lang habang nag cecellphone.
“Mga hija kayo ba’y kumain na?” Tanong ni Yaya Meling sa kanila.
“Wag na po Yaya don na lang po kami kakain.” Magalang na sabi ni Sofie.
“Di na po Yaya Meling. Salamat po.” Sabi naman ni Chla.
Kaya naman naupo na lsng ako sa tabi ni Chla. Napaaga tuloy ang pagreready ki masyado kaseng excited tong si Sofie. Ang sarap niya sakalin eh.
“Peep! Peep! Peep!”
“Pareng Jayzen andito na kami!” Narinig kong sigaw mula sa labas ng bahay.
“Tara na guys andiyan na sila.” Excited na sabi ni Sofie at nagmamadaling lumabas ni hindi na nga kami hinintay ni Chla. Nagpahuli na lang akong pumasok sa Van. At ang bakanteng pwesto na lang ay sa tabi ni Maris. Dahil magkatabi na yung dalawa sa likod. Sa may gitna kami nakapwesto ni Maris. Sa unahan namin ay sina Steven at Jessie. Ang driver ay si Russel dahil kanilang van ang ginamit namin. Sa passenger seat naman si Kyle.
“Yes! Excited na ako mag swimming.” Sigaw naman ni Kyle. Hayst parehas pa nga sila ni Sofie.
“Jayzen nilalamig ako payakap sa braso mo.” Pang lalandi sa akin ni Maris. Kaya naman napatingin yung mga nasa unahan namin. Nakita ko namang parang ang sama ng tingin ni Jessie. Bakit naman?
“Babe wag ka ng maiinggit sa kanila dito ka din sa braso ko.” Sabi naman ni Steven kaya naalis na ang masamang tingin ni Jessie.
Sobrang kulit pala katabi neto ni Maris, gusto kong matulog kase di ako nakatulog na ayos kanina dahil kay Sofie ngayon naman dahil kay Maris. Puro kwento si Maris ng kung anu anong kalokohan niya.
“One time Jayzen may exam kami. Sobrang tahimik ng lahat dahil seryoso sa pag sagot tapos di ko na napigilan yung utot ko. Kaya ayon sobrang pinagtawanan nila ako.” Pagkukwento niya sa mga nangyari dati. Mga nakakatawa naman kaya medyo nawala antok ko.
“Hahahaha nakakatawa nga yon Maris.” Natatawang sabi ko sa kanya kaya napatingin nanaman sa amin si Jessie as in yung tingin na parang kakainin niya kami ni Maris.
“Guys please tumahimik muna kayo.” Naiinis niyang sabi sa aamin. Hala? Kaya naman kami ni Maris di na lang nagkwentuhan dahil nagagalit ang babae sa unahan.
Ang ginawa ni Maris nag bukas na lang ng crackers at kumain. Minsan sinusubuan niya ako tapos bigla kaming magtatawanan ng mahina lang naman. Pero ang babae sa unahan nagagalit pa rin sa amin. Kaya tumahimik na lang talaga kami ni Maris. Kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
“Guys gamit muna kayong comfort room! Sa mga naiihi diyan!” Narinig kong sigaw ni Russel na nakapagpagising sa akin.
“Oy yung mga ma c-cr daw diyan!!!” Sigaw naman ulit ni Kyle.
Kaya naman yung nga ihing ihi nagtayuan na.
“Jayzen CR lang ako. Ikaw?” Tanong sa akin ni Maris. Well di naman ako naiihi so hindi na lang ako bababa.
“Hindi na. Di ako na jijingle.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
“Ang cute mo talaga!” Sabay pisil niya sa pisngi ko. Shet ang sakit nun ah mamumula to sigurado. Pag tapos niyang kuruting pisngi ko ay lumabas na siya ng van. Tiningnan ko naman kung sino sino ang nag cr. Dalawa lang kami nung babae sa unahan ang naiwan. Sinilip ko naman siya ayun tulog na tulog ang bruha. Medyo tumatakip sa mukha niya yung buhok niya kaya medyo hinawan ko at agad ko naman sing inalis dahil baka mahuli ako. Di ko naman maipag kakailang maganda talaga si Jessie. Naguguluhan na nga ako sa sarili ko. At kailangan ko ng malaman ang mga kasagutan.
Maya maya lang ay nag sibalikan na sila. “Zen di ka nag cr?” Tanong sa akin ni Chla.
“Hindi ako naiihi.” Nag nod naman siya at bumalik na sa upuan niya. Naririnig ko naman nay dalawang nagtatalo bago pumasok sa van kilala ko na yan kung sino.
“Nakakainis arrgh.” Sabi ni Maris bago umupo sa tabi ko. Mukhang napikon siya ngayon kay Sofie ah.
“Nandito na ba lahat guys?” Sigaw na tanong ni Russel.
“Okay na!” Sigaw naman namin. Kaya naman pinaandar niya na ang sasakyan. Mga 45 mins. na byahe ay nakarating na rin kami sa resort.
“Okay na guys dito na tayo!” Excited na sabi ni Kyle. Kaya naman bumaba na kaming lahat sa van.
Pagpasok namin sa resort maganda naman siya. Di ganon kalakihan pero maayos at malinis naman.
“Guys may dalawang malaking room lang na bukas ngayon. Di kase pa mahanap ang ibang susi. So ang gagawin na lang natin is yung isa sa boys yung sa girls. Okay ba yon?” Paliwanag sa amin ni Russel
“Sige okay lang.” Hype na sagot ni Maris.
Kaya naman nagpunta na kami sa isang room at ang girls sa kabila. Pag pasok ko sakto may apat na bed tigitigisa kami. Pinili ko yung malapit sa wall. Inayos ko naman na ang gamit ko. Nag punta akong cr para magpalit ng damit. Nagsando na lang ako di naman ako pwedeng mag hubad dahil kahit na may lawit ako may boobs pa rin naman ako. Paglabas ko ng cr nasa pool na silang lahat ang mga girl naka two piece. Pagtingin ko kay Jess napa wow na lang ako. Ang sexy niya sobra swerte ng nakayakap sa bewang niya ngayon. Para ngang ayaw ng bitawan. Feeling ko lalaki na nga talaga ako at nahuhulog na ako kay Jess. Pero di ko pa rin talaga sure.
Parang ayokong magswimming kaya naman nilaylay ko na lang yung mga paa ko sa tubig. Tsaka patuloy silang pinapanood na enjoy na enjoy sa pag swimming. Maya maya ay umahon si Russel tapos kumuha ng mga alak. Di ko napansin na may dala pala silang ganon. Mukhang mapapalaban tayo ah hehe.
“Guys tama na swimming maya na ulet yan, inuman na!” Sigaw niya sa amin.
“Yun ang gusto ko!” Sigaw naman ni Sofie. Parehas kami mahilig mag inom kaya napangiti na lang ako. Matagal tagal na rin nung huli kong inom. Kaya naman pumaikot na kami lahat dahil sa lapag lang kami iinom. Ang katabi ko ay si Maris at Steven. Syempre katabi ni Steven si Jessie.
“Guys wag naman inom lang. Truth or Dare tayo! Pag natapatan ng bote syempre mag sho-shot muna!” Sigaw naman ni Kyle.
“Osige mukhang ayos yan.” Payag naman dito ni Maris. Kaya kumuha sila ng empty bottle at yun ang paiikutin.
“Oh eto na guys ha paikutin ko na.” At pinaikot na ni Kyle yung bote. Tumapat naman iyon kay Maris. Nako patay na.
“Ehem Maris shot muna!” At ininom naman niya yon agad agad. “So Maris Truth or Dare?!” Sabi naman ni Kyle.
“Dare!” Aba malakas ang loob nito ah.
“Ok i will dare you na ikiss ang isa sa atin in 10 seconds. Kahit sino!” Lasing na dare ni Kyle. Sana wag ako please. Nakita kong papunta na sa mukha ko si Maris. s**t naman di naman sa first time kong mahalikan ng babae pero ayoko talaga. Nakipagtitigan na lang ako sa kanya habang nilalapit niya ang labi niya sa akin. Eto na naglapat na ang labi namin di ako gumalaw pero siya nakapikit.
“1, 2, 3, 4, 5,” bakit ang bagal ng bilang nila naiinip ako. “7! 8! 9! 10!” Naka ten seconds pero ayaw paawat ni Maris.
“Bes tama na yan!” Pag awat ni Jessie sa kanya at tumingin ng masama sa akin. What? Bakit parang kasalanan ko pa? Pinaikot naman ni Maris ang bote at tinapatan naman nito si Sofie. Lagit na ang dakilang mag kaaway.
“Eto shot mo Sofie.” Sabay abot ni Russel ng shot niya.
“So Sofie truth or dare?” Nakangising tanong sa kanya ni Maris.
“Truth!” Nako mahina naman pala si Sofie.
“Did you have s*x with a girl?” Mapang akit na tanong dito ni Maris. What oo nga no ni hindi ko pa alam kung meron nga ba?
“Yes!” Plain na sagot ni Sofie. What bat di ko alam? Tiningnan ko naman si Chla at parang balewala lang sakanya sa tingin ko alam ni Chla at ako lang ang hindi. Sigawan naman ang mga kasama namin.
“Guys paiukutin ko na to ha.” Sabi ni Sofie. Halos lahat sila lasing na pano tagay ng tagay kahit di pa sila natatapatan. Pero si Jessie di siya umiinom di ata siya nag iinom ng alak. Pinaikot na nga ni Sofie ang bote and tumapat iyon kay... Jessie!
“Eto na shot mo Jessie.” Sabay bigay ni Russel kay Jessie.
“Babe ako na iinom.” Volunteer ni Steven.
“No babe ako na ngayon lang naman tsaka pampalakas ng loob.” Sabi ni Jessie at tinagay niya na nga.
“Yun yon eh. Nice bes!” Kantyaw dito ni Maris.
“Eto na guys! Jessie Truth or Dare?” Tanong ni Sofie.
“Dare!” Walang pagdadalawang isip na sabi ni Jessie. Ayos ah matapang.
“Ayan ang gusto ko sayo Jessie matapang. I dare you na mag lapdance sa isa sa mga lalaki except sa boyfriend mo.” Mahabang sabi ni Sofie. Nagulat naman si Steven sa dare. Tumingin si Jessie kay Steve na para vang humihingi ng consent kung pwede ba at tumango naman si Steven.
Nakita kong tumayo na si Jessie. Sure naman ako na hindi ako ang pipiliin niya kaya makakahinga ako ng maluwag. Pero nanlaki ang mga mata ng unti unti na siyang lumapit sa akin. Sabay upo niya sa lap ko. Kailangan kong pigilan ang sarili kundi magagalit si junjun. Unti unti na siyang gumagalaw sa lap ko. Nung una medyo nahihiya pa siya dahil nakayuko siya at di tumitingin sa akin pero ngayon nakikipagtitigan na siya habang sumasaya sa lap ko. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko bakit parang ang sarap niya ngayon. Please lord bigyan niyo naman po ako ng isang malakas na control sa sarili.
“Babe tama na yan.” At inawat naman na ni Steven si Jessie kaya si Jessie bumalik na sa pagkakaupo niya. Nagtuloy tuloy naman ang truth or dare hanggang sa malasing na silang lahat. Taob silang lahat as in kami lang ni Jessie ang natira. Kase si Jessie naka isang shot lang naman siya at ako naman ay malakas talaga ang alcohol tolerance.
“Ahm Jess buhatin ko na muna isa isa ang mga lalaki tapos tulangan kita sa girls.” Sabi ko kaya Jessie.
“Okay Jaze.”
Kaya naman inisa isa kong inakay ang mga lalaki. Inuna ko na si Steven tapos si Kyle and then si Russel. Ang bibigat ng mga lalaking to. Pinahirapan pa ko, tinitigan ko naman si Steven bago ako lumabas ng room. “Sorry Steven pero girlfriend mo na pala ang gusto ko, di ko namanlayan basta na lang nangyari. Pasensya na.” Mahina kong bulong. At lumabas na ako ng room. Ngayon narealize ko na si Jessie na pala talaga.
“Jess tulungan na kita diyan.” Tumango naman siya. Binuhat ko na isa isa ang mga girls. Magaan lang naman sila kaya nabuhat ko at mabilis naman namin silang naipasok. Tapod na ring ligpitin ni Jesse ang mga pinag inuman namin.
“Thanks Jaze.” Pasalamat niya sakin nung pumasok na siya sa girls room.
“Wala yon. Mga kaibigan ko naman sila.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Labas lang ako.” Paalam ko sa kanya at lumabas na ako ng room nila.
Jessie’s POV
Lumabas din ako ng kwarto dahil di pa ako inaantok. Nakita ko naman si Jaze na nasa pool pero di siya naliligo nakalublob lang ang paa niya dito. Kaya naman lumapit ako sa kanya at ginaya ko siya.
“Di ka pa inaantok?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Di pa naman. Nabitin lang ako sa alak. Haha!” Matawa tawang sabi niya. Sa dami ng ininom nila nabitin pa siya.
“Weh? Sa dami non.” Di ako naniniwala sa kanya.
“Oo nga. Yung mga yon mahihina lang sila kaya sila nalasing.” Pagmamayabang niyang sabi. Edi siya na malakas mag inom.
“Oo na sige na. Ikaw na po malakas mag inom.” Sabi ko naman sa kanya.
“Tara swimming tayo!” Sigaw niya sabay talon niya sa pool.
“Ayoko ikaw na lang.” Malamig na kase tapos suot ko pa rin yung two piece na suot ko pa kanina.
“Anong ako lang di pwede!” Tapos hinila niya ako pababa sa pool.
“Waaah ang lamig.” Napayakap naman ako sa kanya. Sa mga hawak niya sakin parang may kilig akong nararamdaman. Bumitaw siya sa akin at sinasabuyan niya ako ng tubig.
“Ay Jaze tama na please.” Pag pigil ko sa kanya. At medyo lumalayo sa kanya para di niya ako masabuyan ng tubig.
“Walang tama na.” Natatawa niyang sabi at patuloy pa rin akong sinasabuyan. Di ko namalayan na napapunta na pala ako sa malalim na part kaya napalubog ako.
“Wahh Jaze.” Tawag ko sa kanya.
“Jess jess.” Dali dali niya akong pinuntahan at inangat ako para bang buhat niya ako sa tubig. Niyakap niya na para bang kabadong kabado siya. Pero iba ang nararamdaman ko, wala akong kaba na maramdaman ngayon kundi safety. Feeling ko safe na safe ako sa piling niya. Kaya naman napatitig ako sa kanya. Ang gwapo talaga niya at ang bait pa niya. Crush ko nga siya eh kaso bawal dahil may bf na ako. Napatitig din sa akin si Jaze at don ko napansin ang pagkabrown ng mata niya ang cute lang nakakadagdag sa kagwapuhan niya. Napansin ko rin na unti unti ng nilalapit ni Jaze ang mukha niya sa akin na para bang hahalikan niya ako. Onting onti na lang maglalapat na ang labi namin. Habang nagtitigan kami lumalakad naman si Jaze pabalik sa mababaw na area.
“Jaze wag.” Pag pigil ko sa kanya. Ayokong magkasala at ayokong ituloy dahil baka madala ako. Pero di siya nagpapigil hinalikan niya na nga ako. Siya ang first kiss ko and ganito pala ang feeling sobrang saya sa puso. Bat ang sarap humalik ni Jaze, napapikit na lang ako at nagpadala na lang sa mga halik niya. Ngunit sa pag pikit ko nakita ko ang nakangiting mukha ni Steven. Dun ako natauhan. Bigla kong sinampal si Jaze.
“Pakk!!” Napatigil naman si Jaze.
“Sorry Jaze hindi tama to.” At nagsimula na akong umalis sa pool. Dumiretso ako sa room para makapag isip isip. Maling mali ako sa ginawa ko masyado akong nagpadala sa puso ko. Sorry Steven.