Nagsimula ng kumilos ang mga kaibigan ni Cadmon. Nang makapasok siya sa bahay ni Fernandez wala na dapat silang sasayanging oras. Isa-isa nilang inilagay ang voice recorder sa opisina ni Mr. Fernandez. Pati na rin ang mga telepono ay nilagay nila ito. Kahit na malamig ay pinagpapawisan sila, dahil kapag nahuli silang may ibang ginagawa. Mauuwi sa wala lahat ng pinaghirapan nila. Nagkatinginan sina Zeno at Bran dahil nailagay na nila ang mga dapat ilagay. Lumabas na sila ng opisina ni Mr. Fernandez baka mahuli pa sila. "Nasaan na si Cadmon? Nambabae na naman ba siya?" Tanong ni Zeno habang nakatingin sa paligid. Palabas na sila ng bahay nila Paxton, kailangan na nilang makaalis dito. "Nasaan na siya? Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!" Mariing sabi ni Bran habang nakatingin sa paligid,

