*MAISYN's POV* Napabuntong-hininga ako habang nakahiga, pumikit ulit ako pero agad ding napamulat. Nakita ko na naman ang mukha ni Cadmon. napahawak ako sa labi kong hinalikan niya. Ang first kiss ko kinuha niya! Bakit niya ginawa yon. napa hilamos ako ng kamay ko sa aking mukha. Kanina pa ako hindi mapakali sa pag kakahiga, madaling araw pero hindi parin ako makatulog dahil sa halik ni Cadmon. hindi lang isang beses kundi dalawang beses na. ano ang ibig sabihin ng halik na yon? bakit niya ako hinalikan tapos sa harapan pa ng mga kaibigan namin. "Anong ginagawa mo sa akin Cadmon!" Sigaw ko dahil ayaw niya akong patulugin. balak ko pang pumasok bukas dahil kailangan. marami na akong namimiss na lesson. ano na lang magiging itsura ko bukas. Bumangon ako sa pagkakahiga muli kong binuklat

