Chapter 71–Guilty Azreal Felix AFTER naming mamili ng laruan ni Rodel, ay agad kaming sumakay sa chopper papunta sa Bohol. Wala akong inaksayang oras. Kailangan kong makita ang bata as soon as possible. Pagdating namin sa daycare, eksaktong uwian ng mga bata. Tumayo ako sa may malapit sa gate, pinagmamasdan ang isa-isang batang lumabas kasama ang mga bantay nila pero wala roon ang hinahanap ko. Hindi ko maaaring makalimutan ang hitsura niya—ang batang may Fringe mullet hairstyle, parang katulad ng hairstyle ko noong bata pa ako, may maputing balat, at mapupula ang pisngi. Malusog na bata. Napansin siguro ako ng guard at agad niya akong tinanong. "Sino po ang hinahanap ninyo, Sir?" "Anak ni Ariana Xiamara Johansen," sagot ko, hindi inaalis ang tingin sa mga batang lumalabas ng gate.

