bc

GAY MAFIA (MAFIA SERIES) [18+]

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"What? Are you f**king serious dad?"

"Don't shout at me Rafael and yes I'm f**king serious. Kaya sa ayaw at sa gusto mo gagawin at susundin mo kung ano ang sinasabi ko kung ayaw mong mamatay ng maaga"

"That's your f**king idea dad? ang pag panggapin akong bakla? that's f**king bulshit I'm not gay dad, so please ipagawa niyo na sa akin ang lahat wag lang yan"

"I made my final decision son, kaya bukas na bukas aalis kayo ni Briar para magtago hanggat hindi ko napapasa sayo ang pagiging mafia lord ko."

Ilan lamang ito sa sagotan ng isang top one mafia lord na si Ramon Luca at ang kanyang anak na si Rafael Luca.

Si Rafael Luca ang susunod sa trono ng kanyang ama bilang isang top one mafia lord, ngunit hindi pa man niya nakukuha ang trono mula sa ama ay nanganganib na ang buhay niya mula sa iba pang mafia na balak agawin ang pagiging top one mafia ng kanyang ama, at ang papalit dito na si Rafael.

Ginawa na nila ang lahat ng klase ng pagtatago para lang makatakas sa mga ibang mafia na gusto siyang patayin kaya naman ang huling pagtatago na gagawin niya ay kung saan ay magpapanggap siyang bakla para hindi siya makilala ng mga taong gusto siyang iligpit,

Ano ang kahahantungan ng pagtatago niya sa likod ng pagiging bakla nya pag nakilala nya si Abigail Hernandez o mas kilala sa tawag na Abby.

Si Abby Hernandez ay isang babaeng mahilig makipag kaibigan sa bakla, dahil para sa kanya mas totoong kaibigan pa daw ang bakla kesa sa ibang mga babae.

Ano ang mangyayari pag nalaman ni Abby na ang kaibigan pala niyang bakla ay isa palang matipunong gwapong lalaki at higit sa lahat ay isa rin itong mafia lord.

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
* * Rafael's POV * * "Damn, Briar, yung granada!" Hiyaw ko kay Briar habang mabilis kong pinapatakbo ang sasakyan para makatakas kami sa mga armadong humahabol sa amin. Pagkaabot sa akin ni Briar ng dalawang granada, agad akong dumungaw sa bintana ng sasakyan, mabilis na tinanggal ang pin ng mga granada, at sabay na inihagis ang mga ito sa mga humahabol sa amin. BANGGGG! Isang malakas na pagsabog ang narinig ko mula sa likuran matapos kong ihagis ang dalawang granada sa kalaban. Napa-ngisi ako nang makita sa side mirror ang pagtilapon ng isang sasakyan sa ere dahil sa granadang inihagis ko. Sapul lang naman ang isang sasakyan ng granada na inihagis ko sa kanila. "Briar, controlin mo yung sasakyan!" Utos ko kay Briar na agad naman niyang sinunod. Kinuha ko ang mahabang baril na hawak niya, at walang pag-aalinlangan akong dumungaw muli sa bintana ng sasakyan at pinaulanan ng bala ang isa pang sasakyan na pagiwang-giwang na. BANGGGG! Isa pang malakas na pagsabog mula sa likod namin matapos kong pasabugin ang sasakyan na pilit pa ring humahabol sa amin. "F**k kayo, mali kayo ng taong kinalaban niyo." Nakangisi kong sabi nang bumalik ako sa pagda-drive ng sasakyan matapos ko paulanan ng bala ang sasakyan na nasa likod namin. "Ibang klase ka talaga, boss! Kaya nga kampante ako kapag ikaw ang kasama ko dahil sa husay mo pagdating sa ganitong laban. Walang kaduda-duda na anak ka talaga ng top one mafia lord." Puris sa akin ni Briar matapos ang mahaba-habang habulan namin sa mga kalaban. 15 years old pa lang ako, tinraining na ako ni Dad sa pakikipaglaban at paggamit ng iba't ibang uri ng armas. Bata pa lang kami ni Briar, ipinaintindi na sa amin ng mga ama namin ang kakaharapin namin pagdating namin sa edad na bente singko anyos. Kaya kahit anak ako ng mafia at susunod na mafia lord, hindi ko tinuturing na tauhan si Briar. Simula bata pa lang kami, magkasama na kami. Alam kong ganito rin ang samahan ni Dad at ng ama ni Briar. "Saan tayo pupunta ngayon, boss?" Seryosong tanong ni Briar. "Kay Dad," tipid kong sagot. "Naku, boss, saan na naman kaya tayo ipapatapon ni Lord Master?" tanong ni Briar. "Hindi ko alam, Briar. Siguro naman naubos na siya ng lugar kung saan niya tayo itatago sa mga kalaban na ‘yan." Inis kong sabi dahil hindi talaga ako pabor sa mga gusto ni Dad na itago ako sa mga kapwa niyang mafia lord na gustong agawin ang trono niya bilang top one mafia lord. "Naku, boss, kailan ba naubusan ng lugar ang isang nangungunang mafia dito sa bansa natin? Kahit na nalibot na natin ang buong Pilipinas sa pagtatago natin, alam kong meron at meron pa ring lugar na hindi natin napuntahan na pagmamay-ari ng daddy mo. Maniwala ka sa akin, boss, dahil kilala ko na yan si Lord Master base sa kwento sa akin ni Papa." Mahabang wika ni Briar. Hindi na ako magtataka kung may alam si Briar pagdating sa mga lugar na pagmamay-ari ni Dad dahil kagaya nga ng sabi niya, kwento sa kanya ng Papa niya ang lahat. At ang Papa lang naman niya ang isa sa nakakaalam ng mga lugar ni Dad. Katulad ni Briar, isa rin sa mga tauhan ni Dad ang Papa niya, at ito rin ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat. Sa madaling salita, kanang kamay ni Dad ang Papa ni Briar. Kaya naman kung ako ang susunod sa trono ni Dad bilang mafia lord, si Briar naman ang susunod sa yapak ng kanyang ama bilang magaling na kanang kamay ng isang top one mafia lord. "At ito pa, boss, sabihin na natin na naubusan na nga si Lord Master ng lugar na pagtataguan natin dito sa bansa natin. Alam mo ba na sa ibang bansa katulad ng Australia, Brazil, Macau, at Poland, at marami pang iba, may pagmamay-ari rin ang daddy mo? Ganun daw kayaman ang isang top one mafia lord. Kaya nga maraming mababang mafia sa kanya ang gustong iligpit siya at kayo dahil sa yaman niyo. Kaya hula ko mukhang ipapatapon tayo nito sa ibang bansa, boss, hanggat hindi dumarating ang araw ng pag-upo mo sa trono niya." Seryosong sabi ni Briar. "At alam mo rin, Briar, na wala akong balak umalis sa bansa natin. Kaya nga pumayag na lang ako sa kalokohang ito kung saan-saan magtago dito sa Pilipinas, huwag lang makaalis sa bansa natin." Inis kong sabi. "Ako rin, boss, ayoko doon!" wika nito habang pa-iling-iling pa. "Kaya lang, Briar, wala na rin akong maisip na pupuntahan pa natin dito sa Pilipinas dahil lahat na yata ng lugar dito sa bansa natin napagtatagoan na natin," sabi ko sa kanya. "Kaya nga sabi ko sa’yo, boss, baka ibang bansa ang bagsak natin nito." "F**k s**t, bakit ba kasi kailangan natin magtago? Kaya naman natin harapin ang mga kalaban natin. Para saan pa ang ilang taon na training natin sa pakikipaglaban kung magtatago lang din naman tayo? Daig pa natin ang wanted na kriminal na pinaghahanap ng mga pulis dahil sa gusto ni Dad," inis na wika ko sabay hampas ng malakas sa manibela ng sasakyan dahil sa inis ko. "Oh, kalma lang, boss. Malay mo naman, ngayong wala na tayong mapagtataguan dito sa Pilipinas, hayaan na tayo ni Lord Master na makipagsabayan sa mga kalaban natin." "Asa ka pa. Kilala ko si Dad, Briar. Kung ano ang sinabi niya, ‘yun ang mangyayari. Hanggat hindi ako nakaupo sa trono niya, itatago at itatago niya ako sa mga gustong kumuha ng pwesto niya." "Nagiging praktikal lang si Lord Master. Kaya intindihin mo na lang, at konting tiis na lang naman ito dahil isang taon na lang ay pwede na niyang ilipat sa’yo ang pagiging mafia lord niya. At oras na maging ganap ka nang mafia lord, doon mo magagamit ng husto ang mga training natin noon, boss, dahil ang totoong laban mo ay kapag naging isa ka nang ganap na mafia lord, hanggat hindi ka nag-aasawa." Seryosong sabi ni Briar, at napa-iling na lang ako.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook