“Bakit kaya tayo pinapupunta ni auntie Irene sa bahay nila? May idea ka ba Santos?” baling na tanong ni Sergio kay Lu na nakaupo sa bandang likuran ng van na dala nila. Lahat sila ay nakatanggap ng message mula sa ina ni Lu at pinapupunta sila sa bahay nito, nagkasya naman sila sa van na dala nila kaya walang siksikan na nagaganap. Si Tad ang nagmamaneho habang nasa tabi niya si Taz na tahimik lang sa kinauupuan nito, magkakatabi sa unang row sina Travis, Balance, LAY at Ford, sa pangalawang row naman naman ay sina Sergio, Shawn, Blue at ToV at sa likuran ay sina Lu, Demon, Paxton at Devil. Ilang araw matapos ang naging misyon nila sa Bangkok, matapos silang bigyan ng utos ni Valdemor na mismong nagtungo sa Bangkok upang kitain sila ay nagtagal pa sila ng isang araw doon upang ubusin ang

