Stalker

1632 Words
Nang nakarating sa kanyang bahay ay agad niyang isinara ang pinto at dumiretsyo sa kanyang computer upang mag patugtog nang malakas. Ito na ang kanyang nakagawian sa tuwing may bumabagabag sa kanyang isipan. Mistula isang pampakalma ang musika sa kanyang nag-iinit na ulo. Pakiwari niya ay habang buhay niyang dadalhin ang stress na ibinibigay sa kanya ni Hail. Minsan, naiisipan na niyang ipagdasal sa moon Goddess na bigyan na lamang siya ng ibang wolf. Iyong tipong seryoso at hindi malibog kagaya ng wolf na meron siya. May mga pagkakataon pa naman na mas malakas ang will nito kaysa sa kanya, lalo na kung kabilugan ng buwan. Isang beses na muntik ng makuha ng isang estranghero ang kanyang pagkapuro dahil sa kagagawan ni Hail. Hindi nito napigilan ang sarili at halos isubo na sa isang wolf ang katawan niya kahit hindi naman niya mate ang wolf na natipuhan nito. Ilang araw din niya itong hindi kinibo hanggang sa umiiyak na itong humingi ng tawad sa kanya. Masasabi niyang mukhang nagbunga naman ang ginawa niyang ’yon dahil hindi na ito umulit pa. Malandi pa rin ito ngayon, subalit bahagya na nitong nakokontrol ang urges nito bilang wolf st hindi na rin ito gaanong nagpupumilit na makipag-mate sila kahit na kanino lang na parang hindi sila mga birhen. Matapos makalikot ang kanyang cellphone ay napapapikit siyang pinapakinggan ang kantang Zombie ng The Cranberries. Para sa mga kaibigan niya, tinatawag siyang kakaiba ang taste pagdating sa kung ano-ano. Nakalagay talaga ang album ng cranberries sa kanyang telepono dahil tinatamad siyang pakinggan ito sa YouTube. Sa dami ng patalastas ay minsan lumabas pa siya sa banyo na hubo’t hubad ma-i-next lang ang advertisement. Kaya para masigurado na walang palya, naka-download na talaga. ‘Ano ba ang nagustuhan mo sa kantang ’yan, Dane? Hindi ka ba nabuburyong at araw-araw na nating pinakikinggan ang album na ’yan?’ Agad siyang nainis sa tinuran nito. Kung nakikita lang niya ito ngayon ay malamang nabatukan na niya. “Gusto mong pati sa pagtingin ng lalaki ay bawalan na rin kita? Tutal na bo-bored na rin ako r’yan sa pagiging gahaman mo sa mukha ng isang lalaki,” pasarkastiko niyang saad. ‘Sabi ko nga tahimik na ako. Bakit? Hindi naman ako nagsasalita ah!’ “Whatever, Hail . . .” ‘Dane, ba’t ’di ka gumaya sa ibang mga babaeng wolf na naliligo sa bathtub na may mga rosas. Regular na nag-si-shave o napapa-wax. Tap—’ “Bayaan mo, kapag nagpalit na ako ng anyo, bibili ako ng mamahaling shaver at e-si-shave ko lahat ng balahibo mo!” ‘Ay! Hehe . . . Magpapahinga na pala ako, Dane. Goodnight! Mwuah!’ “Tsk!” Tanging pag-irap na lamang ng kanyang mata ang tanging nagawa niya. Pagdating talaga sa pagiging matabil na bibig ay walang tatalo sa kanyang wolf. Lumipas ang halos dalawampung minutong pagbababad sa paborito niyang herbal medicine na bigay ni MM sa kanya. Sa lahat ng kanyang mga kasama sa grupo ay dito lang talaga siya naging malapit. Alam niyang introvert siya na p********e. Ngunit lagi na lang niyang iniisip na mas mabuti ng reserved siya kaysa kung kani-kanino na lang. Nang makaahon mula sa tub ay agad niyang kinuha ang mga natutong dahon at bulaklak. Nang maubos na ang tubig sa tub ay saka pa lamang niya kinuha ang roba at isinuot sa maliit niyang katawan. Sanay man sa work out at combat, hindi pa rin niya maipagkakailang minsan napagkakamalan siyang minor-de-edad sa kanyang mukha at sa maliit niyang katawan kahit matangkad naman. Sa kanyang panonood sa sarili sa salamin ay tinutuyo rin niya ang hanggang bewang niyang tuwid at makapal na buhok. Isinuot ang paborito niyang maluwag na underwear at gutaygutay na malaking t-shirt. Napapangiti pa rin siya habang nalulungkot sa tuwing pinagmamasdan niya ang malaking damit panlalaki. Hindi niya maipagkakaila na mala-higante ang kanyang Ama dahil sa laki ng damit nito. Napakalaki ng sentimental value nito sa kanyang sapagkat iyo ang kanyang suot noong ginawaran siya ng kanyang Ama at Ina ng huling mga yakap nito. Sa ganitong paraan na lang niya nararamdaman na narito pa rin ang mahal niyang mga magulang. Alam niyang masyadong matanda na siya para mag drama. Ngunit gano’n ang kanyang pakiramdam. Nang matapos sa lahat niyang ritwal ay binuksan na niya ang nag-iisang unknown email sa kanyang secret account. “Solo mission,” basa niya sa nakasulat nang buksan niya ang encrypted file na ibinigay sa kanya. Malaki ang kanyang mga ngiti sapagkat pinakapaborito niya ang mga solo mission. Dahil maiinis lamang siya dahil sa mababang pasensya ng kanyang luna. Naaapektuhan ang misyon nila kapag ang boss nila at ito na ang nag-uusap. Minsan naiisipan na niyang ipag-umpog ang mga ito kung nagpapakita lang ang kanilang boss. Nais niyang idikit ang ulo ng kanyang Luna at boss dahil parehong ma-pride ang mga ito. Nagugunita na niya ang buhay aso’t pusa ’pag ang dalawa ang iiwan sa isang lugar. Maingat na kinuha ni Dane ang mga files na lumabas mula sa fox machine. Sa sobrang hi-tech ng kanilang organization ay fox machine at shredder pa rin ang nasa opisina niya. Dahil sa pagiging old fashioned niya ay binansagan na rin siyang milady. Matapos mabasa ang file ay halos umusok na ang kanyang ilong. Agad niyang e-dinial ang numero ng assistant ng kanilang boss. “f**k you!” Matapos iyong isigaw ay agad niyang inilagay sa shredder upang masira ang ikinabit na maliit na kamera na nasa papek. Ilang segundo lang ang lumipas at lumabas na sa fox machine ang kanyang litrato sa suot niya ngayon. Nagapapalinga-linga siyang pinipilig ang kanyang ulo. Halos isang linggo na rin simula ng laging ginagawa ito sa kanya. Sa tuwing nakikita naman niya ang assistant ng kanilang boss ay magalang naman ito at mukhang hindi gagawa ng masama. Kung umasta rin ito ay parang walang ginagawang nakaka-buweset sa kanya. Doon nagsimula ang kanyang hinala na baka magkaiba ang taong kanyang tinutukoy at hindi ang assistant ng kanilang boss. Ang trabaho lang nito ay tagapagdala ng kanilang mga misyon ngunit may ibang kasama nila sa pack na nais itong sirain o siya. Alam naman niyang walang maniniwala kung sabihan man niya sa mga kasama ang nangyayari sa kanya. Ayaw na rin niyang guluhin ang Luna at maging ang kaibigan kaya ay nagsasariling sikap na lamang siya. “Mahuhuli rin kita!” bulalas niya at sinimulang itipa sa kanyang computer ang encrypted na mensahe mula sa kanyang fox machine. Masiyadong secured ang kanilang mga misyon para bulilyaso. Hindi pa rin naman nangyayari sa kanilang grupo ang ganoong mga bagay, maliban na lang kung may traydor. At nakikita na niya ito sa mismong stalker niya. Noong una ay akala niyang pinagtitripan lang siya ng mga kasama. Ngunit ngayon ay nababahala na siya baka maapektuhan ang confidentiality ng kanilang mga misyon. Matapos makapasok sa kanilang system ay doon niya nalaman na isang half mexican half filipino ang kanyang target. Sa Pilipinas lamang ito nagtatago at may malaking taniman ng m*******a sa isang liblib na lugar. Nagugunita na niyang mag-ha-hiking siya at aakyat sa mga mabatong parte. Napapailing na lamang siyang isipin na kaya hindi siya tumataba dahil intense ang kanyang pagdaraanan bago sumabak sa bakbakan. Hindi siya gaanong mahilig sa mga sandata. Ang pinaka gamit niyang depensa ay ang galing niyang tumira sa mga pressure point ng isang kalaban. Kung sa malayuan naman ay nariyan naman ang kanyang bilis bilang isang supernatural. “Ano ba itong mga misyon ko. Kulang na lang ay si Tarzan upang mag-feeling Jane na ako. Kung hindi sa mabatong parte ay sa kabundukan ako ipinapadala. ’Nga pala. Ako nga pala ang nagsabi na gusto ko ang ganoong uri na mga misyon.” Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagkakabisado sa mga pasikot-sikot sa lugar na kanyang pupuntahan ay saka pa lamang tumayo si Dane sa kanyang upuan upang magkape. Nakagawian na niyang magkape bago matulog. Alam niyang weird ’yon subalit mababaliw siya kung hindi niya magagawa. Para sa kanya, kape is life but music is lifer. Kapag nagkakape rin siya ay nakagawian na niyang magmatyag sa paligid. Ngunit ang pakay talaga niya ay ang bigla na lamang niyang sumulpot na stalker. Sa pangalawang pagkakataon ay hinubad niya ang suot niyang malaking shirt at itinakip ang mahaba niyang buhok sa kanyang dibdib. Alam niyang pianagmasdan siya ngayon ng stalker na kanyang hinahanap. Isang pagkakamali lang nito at talagang hindi niya ito bubuhayin. Nakikita na niyang magiging masama ang tingin sa kanya ng mga wolf sa kanilang pack. Subalit wala na rin siyang pke dahil hindi naman siya naging mabuti kaylan man sa mata ng mga ito. Ang mahalaga lang naman para sa kanya ay ang sasabihin ng kanyang Luna at boss, pati na rin ng kaibigan niyang si Morgana. Kahit hindi sila gaanong close ay magaan naman ang loob niya rito. ‘Dane . . . Baka ‘yang stalker natin ay ang itinakdang magiging mate natin. Baka lang naman, hehe . . .’ Huminga na lamang siya nang malalim st hindi na pinatulan ang kanyang wolf. Dahil kung magsasalita siya, malamang hindi rin ito agad matatapos. Bago tuluyang humiga sa kanyang kama ay pinagmasdan muna niya ang mga bituin sa labas ng kanyang bintana. Hindi rin niya kinakaligtaan ang pagtingin sa nagbabantay sa tore kung aktibo ba ito o pa patay-patay. Maraming beses na niyang nahuli ang iabang nagbabantay na imbes seryosohin ang trabaho ay laging pumalpak. Mas nauuna pa ang pambababae kaysa sa sariling mga tungkulin. Ayaw na lamang niyang magsalit dahil ’yong una niyang nakasagutan na bantay ay nasa clinic pa rin ni MM at nagpapagaling, dahilan upang ipatawag siya ng kanyang Luna. Naniwala naman ito sa sinabi niya ngunit ayaw niya pa ring nababahiran ang kanyang pangalan. Kaya minabuti na lang niyang maging mapag matyag na rin kahit hindi naman siya ang nagbabantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD