"MA'AM, here's your Respiro Diavolo." Bigla na lang sumingit iyong babaeng kausap ko kanina tungkol sa ice cream, sin-earve niya na iyong ice cream na in-order ko. Respo diablo? “Paki-spell nga po,” sabi ko sa kaniya habang inilalagay sa mesa ko iyong ice cream ko. “Ma’am?” she asked, confused. Nakita ko naman si Alvara na napairap sa akin at may kung ano-ano pang binubulong si bruha. Siguro, paninira lang naman ‘yang binubulong-bulong niya. Hindi magiging maganda sa pandinig ko kung papakinggan ko. Hindi ko magugustuhan kaya mabuti na lang talaga kung hindi ko maririnig. Kasi kung maririnig ko baka hindi ako makapagpigil. Magkaroon ng round two rito sa ice cream shop. “Paki-spell po, hehe. Hindi ko naman po kasi alam spelling, hehe,” magalang pang sabi ko. Wala namang masamang ma

