“Wow! Ang ganda!” bulalas ni Marco ng makapasok sa bar na pinag dalhan sa kanya ng kanyang kababata.
Iginala n’ya ang kanyang paningin at labis-labis ang pagka mangha ni Marco sa nag gagandahang ilaw at mga sosyal na upoan at lamesa sa nakikita n’ya sa paligid, na madalas lamang n’yang makita sa mga pilikolang napapanood n’ya.
“Haahhh! Ganitong ganito ang napapanood ko sa TV! Ang ganda! Pero parang mas maganda pa ‘to sa personal!” bulalas ni Marco habang patuloy pading ginagala ang paningin sa paligid. At mukha yatang may magaganap pang beauty pageant dito ah!” nangingiting wika ni Marco sa sarili.
“Marco!” tawag ng kanyang kababata sa kanya.
“Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala!” Kumakamot sa ulong wika ni Ben sa kanya.
“Ay, pasenya ka na Ben, ay masyado akong na aliw sa ganda ng palibot! Kaya nalimutan kong mo sunod sa imo!” nahihiya namang wika ni Marco sa kaibigan.
“Okay lang yan, halika na muna at ipapakilala muna kita sa boss namin, na magiging boss mo na rin!” wika ni Ben saka mabilis nang tumalikod sumunod naman si Marco na nakangiti at patingin-tingin sa paligid.
“Mama Lyn, ‘to po si Marco, s’ya po ang sinasabi ko sa’yong kababa ko, Marco, si Mama Lyn ang bossing natin” pagpapakilala pa ni Ben sa kanilang boss.
“Ay hello, Marco! It’s nice to finally meet you!” Bulalas ng kanilang boss na ipinakilala ni Ben bilang Mama Lyn, na bagaman mahaba ang buhok at naka ayos babae ay bakas na bakas padin ang kanyang tunay na katauhan dahi na rin sa malalaking muscle nito at hubog ng katawan maging ang kanyang boses na bagaman pinalambot ay lumalabas padin ang baritonong tinig ng lalaki.
“Magandang gabi po, Mama Lyn, nice to meet you din po,” alanganing wika ni Marco saka inilahad ang kanang kamay sa kausap.
“Ay! Ang tigas! At ang saraapp!” tumitili at tuwang tuwang wika ni Mama Lyn habang mabilis na inabot ang kamay ni Marco saka marahang pinisil-pisil at hinalik halikan hangang sa kanyang balikat.
Dahil sa gulat ay mabilis na naitulak ni Marco ang malanding future boss na nais yata s’yang papakin.
“Ay, aray! Aray ko! ang balakang ko! ang pw*t ko! aray ko!” Maarting wika ni Mama Lyn ng mapa upo s’ya sa sofa ng biglang itulak ni Marco.
“Ano ba naman ‘tong kababata mo Ben, masyadong mapanakit!” reklamo ni Mama Lyn na nakatingin kay Ben.
“Pasenya na po kayo Mama Lyn, virgin pa po kasi yan eh, saka ngayon palang po yan nakatapak sa Manila at wala pa po yang kahit anong karanasan, kaya pag pasensyahan nyo nalang po muna, masasanay din yan!” pangungumbensi pa ni Ben sa kanyang nakasimangot na boss.
“Ganon ba? Sige na nga! kung sabagay ay ganyan ka din naman ng una mong sabak d’to, saka mukhang sulit naman ang pag tulak nya sa akin dahil ang pogi naman talaga ng kaibigan mo saka,, mukhang ang yummy!” bulalas ni Mama Lyn na bahagya pang kinagat ang dulo ng dalawa n’yang daliri na animo takam na takam na nakatingin sa noon ay nakayukong si Marco.
“Sandali lang po Mama Lyn ah, kakausapin ko lang po ang kaibigan ko,” wika ni Ben saka mabilis ng hinila si Marco para kausapin.
“Pare, ano ba naman yang boss mo! ginawa pa akong prutas! Amoy amoyin ba naman ako saka pinisil pisil pa?! eh, hindi naman ako mangga eh!” reklamo ni Marco at halata sa kanyang tinig ang pagka inis.
“Pare, hayaan mo na, ganyan talaga ang boss natin, pero wag kang mag alala, galanti yan mag bigay ng pera lalo pa kung nagustuhan ka nya? Nako! Namimigay ng malaking tip! Basta maging masunurin ka lang sa kanya!” pangungumbensi pa ni Ben sa kaibigan.
“Pero kasi,”
“Diba kailangan mo ng pera? Para sa gamotan ng tatang mo, at para matubos mo ang lupain nyo? Pare, mahaba-haba pa ang gamutan ng tatang mo, at malaki-laki pa ang perang kakailanganin nyo at kung hindi ka mag ta trabaho ay tuloyan nang mawawala sa ‘nyo ang lupaing pinag hirapan ng mga magulang mo, at saan kayo pupulutin? Mas lalo lamang magkakasakit ang tatang mo, kapag nangyari ‘yon.
kaya kung ako sa‘yo, maging praktikal at maging masunorin ka nalang para madali kang kumita ng pera at may maipadala ka sa ‘nyo at para mabilis kang maka ipon para matubos ang lupa nyo,” pangungumbensi pa ni Ben kay Marco.
Bahagya s’yang tinapik ni Ben sa balikat saka dahan-dahang umalis. Bumuntong hininga si Marco, naalala n’ya ang kanyang tatang na nakaratay sa ospital habang binabantayan ng kanyang nakababatang kapatid at ang lupa nilang nakasangla.
“Hooo!” wika ni Marco saka pikit mata s’yang sumunod sa kaibigan.
“Okay na po sya, Mama Lyn, magiging masunorin na po s’ya. Diba Marco” nakangiting tanong ni Ben sa kanya. Nahihiya namang marahang tumango si Marco.
“Very Good! Wag kang mag alala, maging masunorin ka lang at maging mabait, darating sa’yo ang napakadaming datong!” masayang wika ni Mama Lyn saka binugahan s’ya ng usok galing sa kanyang hinihithit na sigarilyo.
“Bweno, mag bihis na kayo’t magsisimula na tayo! Ben, ‘kaw na ang bahala sa kaibigan mo ah! galingan mo pogi ah!” maarting wika ni Mama Lyn saka niya pinisil ang matigas na muscle ni Marco at maharot s’yang kinindatan. Kinakabahan naman si Marco na sumunod sa kanyang kababata.
“Sos, ginoo ko lord!” Bulalas ni Marco nang ibigay sa kanya ni Ben ang isang boxer short na isusuot daw n’ya pag rampa n’ya sa intablado mamaya sa harap ng napakadaming manonood.
Nalaman ni Marco na Macho dancer pala ang trabaho ng kanyang kababata kaya pala sinabi n’tong matutuwa ang kanyang bossing kapag nakita s’ya. Gwapo kasi si Marco, matangos ang ilong at tila ba anak s’ya ng foreigner, matipuno din ang kanyang pangangatawan na nahubog dahil sa batak sa pag ta trabaho n’ya sa bukid.
Lord, patawarin n’yo po sana ako sa gagawin ko. Alam ko pong sagrado ang katawan ng tao, at nais ko lang sanang ang akong palangga na si Ariana ang makakita sa akong machong katawan. Pero lord, kinahanglan ko ang kwarta lord, kaya’t paki guide nalang po ako lord.
Bulong ni Marco habang isinusoot ang boxer short na ibinigay sa kanya ni Ben.
“Lord, sana hindi bumakat ang malaking sandata ko sa boxer short na ‘to at pagnasaan ng mahaharot na mga matronang tigang na tigang,” Nilingon ni Marco ang salamin at tiningnan ang sarili.
Lord, sana ay hindi po ako madapa, pero kung mangyari man po ‘yon ay sana po ay maging graceful po ang pagkakadapa ko, sana po ay patawarin po ako ni Ariana, sa mga ginagawa ko sa ngalan ng pera, pero kahit naman po makita ng ‘ba ang macho kong katawan ay nangangako po akong ang perlas lang ni Ariana ang aking papasukin, Amen.