Akala ko ay magkikita kami ni Mr. M bago ako makaalis sa mansyon niya. I wanted to thank him personally.
Nakalimutan kong magpasalamat kagabi sa telepono dahil sa kaba. Nagdadalawang isip tuloy ako umalis dahil ayaw ako kausapin ni Mr. M sa phone.
Nasa living room ako at napapalibutan nila Manang Toria, Neli, at Rosa. We are bidding our goodbye. I waited for Mr. M kasi sabi niya sa telepono, see you soon.
Pero hindi naman ito nagpakita. Umaasa ako na baka ngayon, or he's running late. Pero anong oras na. Magtatanghali na at baka abutin ako ng gabi kung magtatagal pa ako.
"Bakit po ayaw niya bigla?" Tanong ko kay Manang. Nag-alala na.
Bumagsak ang balikat ni Manang Toria.
"Hija, iyon lang ang sinabi ni Mr. M at wala ng iba," malungkot na balita nito sakin.
Nag-alala ako. "Hindi naman po siguro siya galit, di ba?"
"Hay naku, Helena. Aalis ang unica hija niya na hindi pa nakikita. Sinong hindi madidismaya sa bagay na 'yon?" Singit ni Aling Rosa.
Na-guilty tuloy ako. Siniko siya ng kasamahan—but what is she saying was right.
Umiling si Manang sa'kin at dinaluhan ako sa sofa. Hinawakan nito ang kamay ko at kita ang determinado sa mata niya.
"Hindi ganon, Helena. Alam mo naman si Mr. M... Ikaw lagi ang inuuna noon. Siguro nga ay may sama siya ng loob, o hirap siya tanggapin na aalis ka na sa puder niya..."
Napayuko ako. I am disappointed too. Hindi ko manlang nakita si Mr. M hanggang sa huling pagkakataon.
I wanted to stay. Sinong may ayaw ng maginhawang buhay?
Pero matanda na ako. I also need a life—pero dahil sa halimaw na iyon, malabong magkaroon ako ng buhay na akin.
Kahit anim na taon ng walang paramdam... Nandito pa rin ang kaba sa'kin na baka pag sinimulan ko maging masaya sa buhay, doon niya ako kukunin.
I stay lifeless for six years. Waiting for him to get me.
Pero wala. At ang sakit maghintay... Those six years of me are scary. Hindi ako buhay. Parang hinihintay ko ang araw na bibitayin niya ako. Nagbago ang pagkatao ko. Nawala ang sigla.
"Sige po..." Tumayo na ako. Tinignan ko ang tatlong matanda na nag-alaga sa'kin simula bata pa. "Maraming salamat po. Hindi ko po kayo makakalimutan..."
Pero sawa na ako sa buhay na ganon. And the only thing that I am sure of is going to be a nun in order to protect myself. Sa malayo at tagong lugar ng simbahan.
"Helena, tawagan mo kami pag nakarating ka doon!"
"Mag-iingat kang bata ka!"
"Anak, bumalik ka dito kung hindi mo kaya!"
Sunod-sunod ang paalala nila. Even the world think that I am crazy, sila ang hindi nagsawa na alagaan at intindihin ang pagbabago sa ugali ko.
Tumango ako at pinunasan ang luha sa mata.
Kung sa ospital na lang kaya ako pumunta?
Pero paano kung sundan niya ako hanggang doon at sabihin na... hindi totoo siya? Mas mahirap makatakas sa asylum. Hindi talaga pwede...
"Maraming salamat po sainyo... Hindi ko po kayo makakalimutan," tango ko sa mga matatanda. "Pakisabi po kay Mr. M na lagi kong tatanawin na malaking utang na loob ang pagpapalaki niya sa'kin at hindi ko siya tatalikuran... kahit kailan..."
Ngumiti ako sakanila. Naluha ang tatlong mahahalagang tao sa'kin. Sumakay na ako sa sasakyan. Ihahatid nila ako pa-probinya. Hanggang... ngayon ay protektado pa rin ako ni Mr. M.
I really wonder who was he. Pero I didn't dare to know. Kamag-anak siguro na talagang ubod kay bait.
Simbahan. May nadaanan kaming simbahan at napaisip ako ng aking dahilan kaya bakit aalis.
Siya ang magliligtas sa'kin.
Hindi ang kakaibang gamot at iba pa. But He will help me.
Napahawak ako sa rosaryo na hawak. Everything will be fine as long as I am with Him.
Hindi ko napansin na sa sobrang pag-iisip ay nakatulog ako.
Nagising ako noong mauntog ang ulo sa salamin. Sumakit ang leeg ko at napalingon kay Manong. Madilim na ang daan at purong matatas na kahoy na ang nasa paligid.
"Manong, anong n-nangyari?" Kinabahan ako.
"Pasensya na Ma'am... May biglang humarang..." Napakamot si Manong driver sa'kin at saglit akong nilingon. "Muntik na akong makabangga ng usa..."
"Mabuti naman po at hindi niyo nabangga," kabadong iling ko kay Manong. Nakakaawa naman kung ganon ang mangyayari.
Nagulat ako noong muling napahinto si Manong. Kung hindi lang naka-seatbelt ay sumubsob na ako sa likod ng passenger seat. Kumabog ang dibdib ko sa nangyari.
"Manong!" Gulat na sigaw ko. Tinitigan ko ang driver na gulat. Bakit ba siya humihinto? Aatakihin ako ng kaba sakanya!
"Ma'am..." Tawag nito at tulala.
Nagulat ako noong may kumatok sa pintuan.
"Manong!" Napatili ako sa gulat dahil may tuloy-tuloy na kumakatok sa salamin. Hindi ko naman makita ang mukha dahil nakatayo ito.
A guy... That is a guy wearing a black cloak. Anong... klaseng...
Hindi kaya..?
Napatili ako noong may kumatok sa kabilang salamin. Doon ko lang napansin na napapalibutan ang sasakyan namin at kinakatok nila.
"Manong! Paandarin niyo na!" Sigaw ko at tinakpan ang tenga.
No... Hindi siya 'to. Hindi pwedeng siya 'to! Bakit ngayon pa?! Kung kailan gagawin ko na ang pina-plano... bakit ngayon pa siya magpapakita?!
Tinakpan ko ang ulo.
"Manong paandarin niyo na!" I screamed in horror.
"Ma'am! Sino yan sila? Kausapin ko na lang at mahirap makabangga—"
"Hindi sila tao, Kuya!" Lumabas na ang luha sa mata ko. My heart is beating so damn fast. "Papatayin nila ako... kukunin nila ako, Kuya! Please. Paandarin niyo na–"
Nagulat ako noong mabasag ang salamin ni Manong sa harapan at...
Nakarinig ako ng lagatok ng buto.
"M-Manong!" Matinis na tili ako at tinakpan ang ulo. My body is trembling in horror. Anong gagawin nila sa'kin?!
Pinatay nila si Manong!
Ang demonyo ito! Iyong demonyo sa nakaraan!
Hindi nagtagal ay nabuksan nila ang sasakyan ko.
"B-Bitawan niyo ako!"
Humaplos sa braso ko ang naghahaba nilang itim na kuko at halos kulay papel na balat. Lalo akong natakot.
"Parang awa niyo na... Wala akong g-ginagawa!" Iling ko sa mga ito.
Ilang beses ko winagwag ang sarili sakanila at pinabigat ang katawan para hindi madampot. I tried my best to loosen their grip.
And it worked.
The moment I had the chance to run, tumakbo ako papasok sa gubat. Without minding how will I get out.
The sun was setting and everything is turning darker. Parang ang buhay ko. Dumidilim na. Ang pag-asa na pina-plano ko ay mawawala na. Ito na ang sinasabi niya. Kukunin na niya ako.
Nilingon ko ang mga lalaking naka-itim. May tabon ang mukha nila at hindi ko maaninag—pero alam kong ibang nilalang sila!
"Please..." I plead desperately. Hindi ko alam kung kanino ako humihiling... Someone... just someone, help me.
Nilingon ko ang likuran—sanhi ng pagkdapa ko. My white dress tore apart.
Mabilis akong tumayo at tumakbo. Patuloy pa rin ang habol nila. Pakiramdam ko ay wala akong pupuntahan. Kalmado ang pagsunod sakin ng kakaibang nilalang habang ako ay mahimatay sa hingal!
Is this really the end?
Mr. M...
Kung hindi lang ako umalis... Mr. M... Tutulungan niya ako at hindi mahihirapan.
Patuloy pa rin ako sa pagtakbo noong muli akong matalisod—natamaan ang balat ko ng matalas na bagay at doon ako tuluyang bumagsak.
Oh my god... Please... Ayokong mamatay... Akin ang buhay na 'to...
Nakarinig ako ng kakaibang ungol. Nilingon ko ang mga nakaitim na lalaki—lalong bumilis ang galaw nila at tila nagwawala. Sinubukan kong tumayo, pero bumagsak din ako sa tuyong lupa dahil sa sakit.
Hinawakan ko ang krus na kwintas. Ipinikit ko ang mata. Please, help me...
I was busy crying—hindi ko alam kung ilang minuto. Pero noong wala pang kumukuha o humihila sakin ay unti-unti kong binuksan ang mata.
Itim na bagay lang ang tumambad sa'kin. May nakapatong sa'kin na katawan.
Nakasubsob ang ulo nito sa gilid ko, at doon bumulong.
"Sabi ko sayo..." Hinawakan nito ang buhok ko. "Sabi ko sayo, Helena... 'Wag kang susubok ng kahit ano... na hindi ko magugustuhan..."
Napahagugol ako siya nga! Ang demonyo!
"Sa tingin mo ba, hindi ko malalaman?" Gumapang naman ang isang kamay nito sa hita ko.
"S-Sino ka ba? A-Anong k-kailangan mo—"
"Ikaw... ang may kailangan sakin Helena Elise," tawag nito. "Hindi mo dapat sinusugatan ang sarili mo..." Ang mainit nitong hininga ay tumama sa tenga ko.
Hinaplos ng kamay niya ang hita ko at hinawakan ang may sugat.
"A-Ahh..." Napangiwi ako sa sakit noong pinisil niya iyon. I cried silently. Wala na namang magawa laban sa kakaibang nilalang.
"Hayaan mong dalhin kita... kung saan dapat," he invited.
Marahan akong umiling. Gusto kong tumakbo. Umalis. Pero sa huli, hinila na naman ako ng kadiliman upang makatulog.
Hinihingal akong napabalikwas sa hinihigaan at tinignan ang estrangherong kwarto.
Nasaan ako?!
My heart started to beat so fast. Mukha lang itong normal na kwarto. Ganon pa din ang suot ko. Madumi at puro punit! Ang nakakapagtaka, wala akong sugat!
I ran towards the door. Nagtaka ako noong mabilis ko iyong nabuksan. Hindi naka-lock.
"Hala Ma'am!" Isang matandang babae ang sumalubong sa'kin. "Papalitan ko pa po sana kayo! Bakit po kayo bumangon?"
Bigla akong nalito. Tao. Tao ang kaharap ko ngayon.
"N-Nasaan ako? S-Sino ka?" Napaatras ako. "G-Gusto ko ng umuwi..."
"Ay ako nga pala si Aling Ruby... Maupo ka munang diyang bata ka... Namumutla ka," aniya at tinulak ako paupo.
"A-Ano po..." Umiwas ako sa hawak nito. "Ano pong nangyayari? N-Nasaan ako?"
"Nasa poblacion De Isidro ka, hija. Hindi mo ba alam ang lugar na 'to?" Iling nito. "Hindi ka ba magpapalinis ng katawan—"
Umiling ako. Kailangan ko na umalis dito.
"Uuwi na po ako—"
"Gabi na..."
A cold voice suddenly barge in.
"Ser Isaac!"
Dahan-dahan akong napalingon sa nagsalita. There, I saw a man standing on the door way. Bagsak ang itim na buhok nito hanggang sa makapal na kilay, basa.
Maputi ang balat nito. He is white like a paper and his lips is red like an apple. Sa harap na anggulo, kita ko ang mapanga nitong mukha at mataas na cheek bones. Even his nose are proud.
Suot ang isang satin maroon pajama, tinignan niya ako ng walang kabuhay-buhay.
"Delikado sa poblacion..." He uttered.
Natulala ako sa lalaki. There is something on him that dawned me. Ang itim na itim nitong mata, kahit walang buhay, ay tila inaakit ako.
"Stay here," he commanded. "This room is empty... You can rest. Wag kang mag-alala, you are safe here too," he assured me.
Kumunot ang noo ko at nagising sa realidad.
"P-Paano mo naman nasabi na ligtas ako dito? Hindi kita k-kilala..."
Napatango siya.
"I am Isaac Devin Madden..." Pakilala nito. Para bang sinasabi niya na sapat na ang pagpapakilala para pagkatiwalaan ko siya. "Pwede ka rin maglibot dito sa bahay if you really wanted something..."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Ma'am hindi magandang ideya ang umalis dito! Delikado!" Tanggi noong matanda.
"Ayaw lang kitang paalisin dahil ako ang huling nakasama mo," si Isaac. Mukhang galit. "Suit yourself. If you are really not comfortable... Leave."
Nagtitigan kami ni Isaac. I even don't know him. Bakit niya ako tinutulungan? Para saan?
"P-Paano mo ako nakita?" Tanong ko sa lalaki.
Bumagsak ang balikat nito at napailing.
"Aling Ruby, iwan niyo po muna kami," Isaac said.
Mabilis na sumunod ang matanda. I was afraid when I left all alone with him. Dumagundong ang puso ko. Paano kung siya ang halimaw at nagbabalat kayo lang?
"You are unconscious in the middle of the woods," he started to explain. "You are alive kaya kinuha kita."
Akala ko ay may sasabihin pa siya—pero wala na. Nanatili ang kakaibang tensyon sa pagitan naming dalawa.
He is so intimidating. Pero... nasaan na ang demonyo? I heard him.. telling me something na dadalhin niya ako.
Or did I heard him wrong?
"M-May kasama ba ako?"
Umiling lang siya.
Napapikit ako at unti-unting nanlambot ang kalamnan. Hindi niya pa ako kinuha. Pero bakit?
Napalingon ako sa lalaking walang pasabi na umalis. Isa pa...
Sino si Isaac at bakit niya akong tinutulungan?