??????'? ???
LIHIM akong napapangiti habang pinagmamasdan si Althea na nakanguso at tahimik na sinusuklay ang buhok sa harapan ng tukador.
I knew she's not comfortable with what she's wearing right now. Ngunit wala siyang magagawa kundi ang suotin iyon. Pakiramdam ko ay gustong-gusto na niyang magreklamo ngunit pinipigilan lamang niya ang sarili.
Muli ko na siyang nilapitan pagkapasok ko ng kwarto. Kanina kasi ay s*******n niya akong pinalabas dahil hindi raw siya sanay nang may nanonood habang nagbibihis. And of course I respect her and I'm a gentleman too kaya lumabas ako. Pero sa loob ko ay gusto ko sanang mag-stay at ako na mismo ang magbibihis sa kanya kaso syempre hindi pwede! Mahirap na! Hehehe! Nakapasok lamang ako no'ng sinabi niyang tapos na siya sa pagbibihis.
"I'm not comfortable with this." ani Althea habang nakahawak sa laylayan ng puting t-shirt na may kanipisan. Hindi niya na marahil mapigilan ang sarili na huwag magreklamo nang malingunan niya akong papalapit sa kanya. "Wala ka na ba talagang ibang damit na kakasya sa akin?" sandali siyang tumingin sa akin ngunit muli ring ibinalik ang atensyon sa harapan ng salamin habang nakanguso pa rin.
Damn. She's so cute! Hindi ako makapagsalita sapagkat nakatulala lamang ako sa kanya habang pinagmamasdan siya.
She's wearing my white v-neck shirt and for her bottom she's wearing my very fitted blue boxer shorts. It is not my intention to give that clothes to her but it is the only clothes that can fit on her. Masyado ng malalaki ang iba kong damit. Mas lalo siyang hindi magiging kumportable sa mga iyon.
"Hey?" Untag niya sa akin nang matagalan ako sa pagtugon sa hinaing niya.
Napabuntong hininga ako at sabay kamot sa batok. "I'm so sorry, Althea, pero wala na, eh. Hindi sayo kakasya 'yong iba kong damit. Baka mas lalo kang maging uncomfortable doon. Iyan lang medyo kasya sayo."
Mas lalong humaba ang nguso niya dahil sa itinugon ko. "So sad.." anya at tumayo at humarap sa akin.
"I'm so sorry.." muli kong paghingi ng paumanhin at saka masuyo ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat. "It's my fault. Hindi ko kasi nakuha 'yong mga bagahe mo sa kotse mo bago kita dinala rito. Hindi ko na naisip iyon sa kagustuhan kong ilayo ka agad sa delikadong lugar na iyon. But, don't worry.. magpapadala na lang ako kay Holmer ng mga damit na gagamitin mo bukas."
Nangunot ang noo niya habang nakaangat ang paningin sa 'kin. Pagkuway umiling. "No. Don't bother. Paano kung masundan siya dito nila Mommy Verra? Okay na sa akin 'to kesa mapahamak pa tayo pare-pareho."
I held her hand so tightly. "They don't know about Holmer so he can come over here anytime. Don't worry. Magpapadala ako ng mga gamit mo para maging kumportable ka."
Saglit siyang nagisip bago tumango bilang pagsangayon. "Gano'n ba.. Sige. Thank you." anya at pagkuway humiwalay na sa akin para muling tiningnan ang sarili sa salamin.
Napapangiti ako habang tinitingnan siyang napapangiwi habang sinusuri ang suot mula sa pangitaas na damit hanggang sa suot niyang maliit na boxer. Litaw na litaw ang kaseksihan niya at halos kumikinang sa puti at kakinisan ang balat niya. Her skin is like a milk as white, sobrang puti niya! At dahil maliit lang ang suot niyang pangibaba ay lantad na lantad din ang kahabaan ng mga legs niya pati na ang mga namumula niyang paa. At dahil din sa manipis ang suot niyang t-shirt ay bakat na bakat ang may kalakihan niyang dibdib.
"Stop staring at me, Vrougn."
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Hindi ko namalayang sinusundan ko pala ang tinitingnan niya kanina hanggang at titig na titig na pala ako sa kabuuan niya."Sorry.. Napakaganda mo kasi. Bagay sayo ang suot mo o kahit ano naman ang isuot mo ay babagay sayo."
Ngumiti siya sa sinabi ko. "Thank you, Vrougn." Lumapit siya sa akin at mabilis akong hinalikan sa pisngi saka muling tumalikod.
Napalunok ako. Pakiramdam ko ay nagising ang natutulog kong diwa! Biglang nanikip ang suot kong boxer! Damn it! I already felt something rising inside my fvcking boxer! I can't control it! Kaya't ibinaling ko na lamang sa ibang tanawin ang mga mata ko bago pa ako makagawa ng milagro. Umiiba na ang temperatura ng katawan ko at hindi ko ito makukontrol kung ipagpapatuloy ko pa ang pagmamasid sa kanya.
But, should I really control my feelings into her? Everything in her is so inviting and I can't even resist.
"Vrougn.." napapitlag ako sa tawag niya. Kinailangan kong ibalik ang paningin sa kanya dahil mahahalata niya ang pagiging balisa ko. Muli akong lumunok bago humarap sa kanya. Doon ay nakita ko namang seryoso ang mukha ni Althea habang nakamasid sa akin. "Uhm.. Okay ka lang ba?"
Nagulat ako sa tanong niya. Damn gano'n ba ako ka-obvious sa pagkabalisa ko?? "Y-Yeah. I'm okay. How about you?" Tipid akong ngumiti para ipakita sa kanya na ayos lang ako.
"Yeah. Okay na 'tong suot ko. Hindi lang siguro ako sanay sa ganitong suot kaya gano'n ang naging reaksyon ko kanina. But don't worry, I'm fine with this. Thank you" muli siyang ngumiti sa akin na ikinapanatag saglit ng loob ko.
Subalit hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto kong alamin ang nararamdaman niya. Physically? Emotionally? Mentally? Pero hindi ko na isinatinig pa. I'm contented now that she's fine and finally comfortable with what she's wearing right now.
Tumango-tango ako na lang ako at saka tipid muling ngumiti. "Okay.. Just call me when you need something. Sa sala ako matutulog dahil iisa lang naman ang silid rito. Puro gamit ang nasa kabilang silid, eh. Matulog ka na. Have a nice sleep, Miss Althea." ngumiti ako sa kanya ng ubod tamis at saka dahan-dahang tumalikod sa kanya.
"Vrougn.." dinig kong tawag niya sa pangalan ko kaya't muli akong lumingon sa kanya.
"Why? You need something?"
Nakita kong nahihiya siyang tumingin sa akin. "You can sleep here beside me."
Napalunok ako at bahagyang namilog ang mga mata ko sa narinig. Kaagad akong lumapit kay Althea para siguruhing tama ang narinig ko.
"What did you say?"
Napakurap-kurap naman siya dahil sa naging kilos ko. Hawak-hawak ko na kasi ang magkabilang balikat niya.
"I said, dito ka na matulog sa tabi ko. Malamig doon sa labas, eh. Hindi ka naman yata gagawa ng isang bagay na mas higit pa doon sa ginawa natin kanina diba?" paniniguro niya. Kabado rin siya siguro dahil syempre unang beses niyang magkaroon ng katabi sa kama at lalaki pa!
Ngumiti ako sa kanya at agad ko siyang kinabig para yakapin. "I'll promise, I'll behave.. Thank for trusting me, Althea."
"Hmm.. Cut the drama na. Let's go to sleep.. Baka kung saan pa umabot 'tong yakap mo, eh."
Napangisi ako sa sinabi niya.
————————
Althea's Point of View
KINABUKASAN.
"Lalabas ako mamaya at maghahanap ako ng pwede nating makain para sa pananghalian natin." ani Vrougn habang kumakain kami ng breakfast. Napaangat ang tingin ko sa kanya. Seryoso naman akong nakinig at tumango. "Wala tayong refrigerator dito kaya wala tayong mapaglalagyan ng stocks. Ayoko namang pakainin ka ng mga can goods at noodles three times a day. Ayokong masira ang tiyan mo. And by the way, you can take a nap or sleep after we ate. Alam kong inaantok ka pa. Sorry kung ginising kita ng sobrang aga para makapagalmusal."
Ibinaba ko muna saglit ang kubyertos na hawak ko bago ako muling tumingin kay Vrougn na seryoso at ganadong kumakain ng dried fish(tuyo).
"I'll come with you."
Umangat siya ng kanyang tingin sa akin at saka tumingin sa mga mata ko. "No. Baka mapano ka pa doon. Sandali lang naman ako. And, you're still sleepy, right? Like you said when I wake you up."
Umiling ako. "I'm fine. Ayokong maiwan dito mag-isa, Vrougn. I'm scared of being alone. Don't you know that?" Malungkot kong sabi.
Saglit siyang nagisip at saka maya-maya lang ay agad na ring tumango. "Fine. Pero, may idea ka ba kung saan ako magunguha ng pagkain natin? Kaya mo bang sumama roon?"
"Hmm.. Don't underestimate me, Vrougn. I can go somewhere else. So, tell me, where do we find our food, then?"
"Sa gubat."
"Really? That was so exciting then!"
"Doon tayo mangunguha ng mga prutas at saka gulay na pwede nating lutuin. At the same time, mamimingwit din ako ng isda diyan sa dalampasigan." walang kasing-seryosong saad niya.
"Wow! Nice! Sasama ako." Pinal kong sabi at saka ipinagpatuloy ang kinakain.
Hindi ko na rin narinig pang magsalita si Vrougn. I don't know why he's so serious right now. Masama ba ang tulog niya? O hindi kaya... dahil sa nangyari kagabi?
FLASHBACK————
"Good night, Vrougn." sabi ko habang inaayos ang pagkakahiga ko. Nakatalikod ako sa kanya dahil naiilang pa rin ako. Hindi ako sanay ng may katabing lalaki sa pagtulog.
"Good night, baby. Sweet dreams." Bulong niya sa tenga ko na ikinapitlag ko. Napapikit ako ng mariin.
Nanuot sa sistema ko ang ginawa niya kaya't nakaramdam ako ng matinding kiliti sa katawan dahilan para mas lalo akong kabahan. Kinakabahan ako sa ginagawa niya ngunit hindi ako nagpapahalata.
"S-Sweet dreams.. Matulog na tayo, Vrougn." sabi ko at saka tuluyan ng pumikit.
Ngunit maya-maya lang ay napamulat ako ng maramdaman kong lumilingkis ang isang braso ni Vrougn sa beywang ko at yakapin ako ng mahigpit dahilan para muling magkadikit ang mga katawan namin. Naramdaman ko ang matigas na bagay na tumutusok sa bandang ibaba na ikinalunok ko. Lalo pang nagwala ang sistema ko nang maramdaman ko na mayroong malamig na bagay na dumadampi sa batok ko.
Vrougn is kissing me—no! He seducing me!
"Can I kiss you goodnight?" He asked in a baritone voice.
"Y-You're already kissing me, Vrougn." My body starting to react. Bumibilis na rin ang t***k ng puso ko at lumalalim na ang paghinga ko. Napapakagat na rin ako ng labi dahil sa sensasyong idinudulot ng halik niya sa leeg at batok ko.
"I want to kiss your lips." anya at marahan akong ipinaharap sa kanya kaya't doon na kami nagkatitigan. "Can I?"
I nodded.
Kaagad niya akong siniil ng mapusok na halik na agad ko namang tinugunan. I badly want it too. Hindi ko alam kung bakit naging sunod-sunuran ngayon ang katawan ko sa kanya. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa leeg ko na pala ang mga labi niya at masuyong ginagalugad ang palibot noon. Hinahayaan ko siya sa ginagawa niya dahil nagugustuhan ko rin iyon.
Nagaapoy na ako sa init ng ginagawa niya nang bigla siyang huminto at masuyo akong hinaplos sa pisngi.
"Thank you for allowing me to kiss you. Can I kiss you more?" pilyo siyang ngumiti habang kinakagat-kagat ang pang-ibabang labi ko.
Sinimangutan ko siya at marahang tinampal sa dibdib. "Abusado ka na, ha? Matulog na nga tayo at inaantok na ako." sabi ko at muling tumalikod sa kanya. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin at saka inalis na rin niya ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko na rin siya narinig pang magsalita.
Until I fell into a deep sleep.
——— END OF FLASHBACK.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko kagabi. I didn't mean to say that. Nagalit ba siya doon sa sinabi ko?
"Aren't you finish yet? We have to go there early. Hindi na kasi natin kakayanin ang tindi ng init sa tanghali." rinig kong sambit ni Vrougn na ikinapitlag ko.
Tsk! Nalunod yata ako sa pagiisip kanina kaya hindi ko namalayan na kanina pa palang tapos sa pagkain si Vrougn at naroon na siya sa sala.
Napabuntong hininga ako ng malalim.
"I'm done." Tugon ko at agad ng tumayo at pumunta sa lababo para maghugas ng kamay. Agad na rin akong lumapit sa kanya.
"Wear this." Anya at may inabot sa akin.
"What's this?"
"Boots and a hat."
"I mean, what for?"
"For your protection."
"Proteksyon saan?" Nakakunot kong tanong habang isinusuot ang mga iyon.
Tumingin siya sa akin mula ulo hanggang paa na ikinailang ko. "Ayokong mangitim ka at masugatan."
Tipid akong ngumiti. "Hmm.. Thanks for your concern. Anyway, do you really know how to get food at the forest, huh?"
"But of course." seryoso pa rin niyang tugon. "I'm a boy scout. Lumaki man ako sa States, I know how to do those things. It's just a piece of cake, you know. Easy thing. Gano'n kami pinalaki ni Mom, eh. You see? Magaling din kami managalog ni Dazsh dahil tagalog ang lenguwahe na ginagamit namin sa loob ng bahay sa States." good thing. Nagku-kwento na siya. Pero andoon pa rin ang kaseryusuhan ng boses niya.
Tumango-tango ako. "I see.. So, let's go then?" yaya ko. Mukhang mas excited pa ako sa kanyang manguha ng makakain namin para mamaya.
Pero ikinapagtaka ko dahil hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayan niya. Nakatingin lang siya sa akin na animoy kinakabisado ako.
"Is there anything wrong?" Tanong ko.
Umiling siya. "Nothing."
Lumapit na ako ng tuluyan sa kanya at saka hinawakan ang namumula niyang pisngi. Nagulat siya ngunit hinayaan niya ako sa ginagawa ko. I rob his cheek using my finger tip. Napakalambot pala ng balat niya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya at ilang beses akong napapasulyap sa kulay rosas niyang mga labi. Napalunok ako at mukhang tinatablahan din siya kaya naman mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at saka niya ako mabilis na ikinulong sa malalaki niyang braso.
"Let me do this for a while.." malungkot niyang saad na ikinakunot ng noo ko.
What happened to him? Kaya naman, hindi ko na napigilang tanungin siya.
"Are you mad at me?" nananatili pa rin kaming magkayakap.
"No.. Ang totoo, nahihiya lang ako sayo. Masyado na akong nagiging abusado sayo, eh. I'm sorry."
Shoot! Sabi ko na nga ba. It's all about what happened last night or should I say, dahil sa nasabi ko sa kanya kaya siya nagkakaganyan.
Kumalas ako sa kanya at hinarap siya. "So, dinibdib mo pala talaga 'yong sinabi ko sayo kagabi, noh?"
"Yeah.. Medyo." He admit.
"Sorry. I didn't mean to say that. Huwag mo ng isipin 'yon. Forget about what I said, okay?"
"Hmm.. Yeah. Fine." anya saka mabilis akong dinampian ng halik sa noo. "Thanks for being understanding and forgivable."
"Thanks for saving me too. I owe you my life remember? "
"Don't count on me. I will always be your saviour, protector and body guard at the same time. I always be here for you."
Tumango ako at saka binigyan ko siya ng malawak na ngiti. "Thank you so much. So, let's go? I'm excited to go to the forest!"
Nakangiti na rin niyang inilahad ang kamay at agad ko naman iyong inabot.
—————
Vrougn's Point of View
"Ahm.. wait! I'm tired," ani Althea at mabilis na sumalampak papaupo sa damuhan. Ni halos hindi ko siya naalalayan. "You didn't tell me na malayo pala ang gubat." Hinihingal niyang sambit.
Nagaalala akong tumabi sa kanya at kinuha ang kamay niya. "I'm sorry. Kaunting tiis na lang makakarating din tayo doon. Actually, malapit na rin naman na tayo. Pero dahil pagod ka na, magpahinga ka muna saglit. Babantayan kita." Sabi ko at kinuha ang ulo niya at isinandal ko iyon sa malapad kong dibdib.
"Ten minutes lang if you don't mind?"
"Okay. Dito lang ako sa tabi mo. Babantayan kita."
"Ahm.. I'm sorry I feel so weak. Ang totoo, hindi talaga ako sanay umakyat ng bundok at gubat. Sa office at mansyon lang umikot ang mundo ko, eh. This is my first time."
Marahan kong hinaplos ang buhok niya. "Sshhh.. Don't say your weak. Nasabi mo nga na hindi ka sanay sa ganito kaya siguro mabilis kang mapagod pero hindi dahil dito ay mahina ka na. Keep that in mind."
She nodded twice. Hindi na siya sumagot pa.
"Rest as long as you want, baby.." I whispered it on her ear but she didn't react or respond.
She fell asleep. Nakaramdam din tuloy ako ng antok.
I stare at nowhere. My mind wondering if we could stay like this forever..
I want Althea to be my partner in life.
I want her to be my queen.
I want her to be the mother of my children in the future.
I badly want her...
Sinilip ko siya mula sa pagkakasandal niya sa dibdib ko at doon ay napangiti ako.
She's so beautiful..
Isinandal ko ang ulo ko sa puno at saka mariing ipinikit ang inaantok na mga mata. Sobrang inaantok pa talaga ako dahil kagabi ay halos hindi ako nakatulog kakaisip sa magiging kahihinatnan sa huli. Pero, hindi naman ako nagsisisi na dinala ko si Althea rito sa Isla. Nailigtas ko siya at ililigtas ko pa siya sa mga darating na mga mangyayari. Handa kong harapin ang lahat. Puprotektahan ko siya anuman ang mangyari.
And now seeing her peacefully slept here with me, I'll promise that no one can ever touch or harm her.