DUMATING sila sa event, maraming media sa paligid at sunod sunod ang kislap na mga camera. Lahat ay nakatutok sa kanila habang iniinterview ang asawa. Siya ay tahimik lang sa tabi nito habang mahigpit na nakahawak sa braso. May ilang media na gustong siya ang ma-interview, ngunit mabilis na sinasagot ang mga ito nang asawa. Pagdating sa pinaka gitna nang pagtitipon, sumalubong sa kanila si Donya Esmeralda. “Muntik na kayong ma-late, halina kayo doon na tayo sa upuan na para sa inyo.” Nasa bandang unahan ang table nila at may isang couple silang naabutan na nakaupo na rin doon. Ipinakilala naman agad sila ni Donya Esmeralda, kaibigan pala nito ang mag- asawa na kasama nila sa table. Subalit hindi pa man lang umiinit ang pwet nila sa pagkakaupo nang dumilim ang paligid. Pagkatapos ay

