ANG sakit at pagkabigo ay nananatili sa puso ni Ashley, ang lahat ay nagsimula dahil sa kagagawan ang kanyang sariling ama. Ganun pa man ayaw na niyang sisihin ito dahil tapos na at nangyari na. Isa pa kahit bali-baliktarin pa ang lahat, ama pa rin niya ang taong dahilan kung bakit pati sa sariling ina ay lumayo ang kanyang loob. Ngayon ang buhay niya ay parang isang empty shell, lalo pa at tuluyan nang nanlamig sa kanya ang asawa. Unti- unti din bumalik sa alaala niya kung paano siya naging asawa ni Atlas Froi, at sa mga sandaling yon bumangon ang hinanakit para sa asawa. Sa araw- araw nasanay na rin siya sa kalamigan ni Atlas Froi, ganun pa man walang nagbabago sa setup nila. Sabay pa rin silang kumakain at ginagampanan pa rin niya ang pagiging asawa at may bahay nito. “Mamayang ala-

