SA bawat araw, walang pagsidlan ng saya ang puso ni Ashley, wala yatang sandali ang lumilipas na puno ng ligaya ang puso niya. Lalo na ngayon na binigyan sila ng isang anghel. Ang akala niya ay stress lang siya kaya laging nahihilo at inaantok. Pero kanina nang may nadaanan silang pharmacy, naisipan niyang bumili ng pregnancy test. Simula nang nakunan siya sa unang pagbubuntis naging irregular ang monthly period niya. Nagpaalam siya sa asawa na tutungo sa silid nila habang busy ito sa ginawa. Kausap nito ang mga tauhan kaya sinamantala niya ang pagkakataon. Nang makapasok sa loob ng banyo agad na kumuha ng urine. Ang dalawang pregnancy test ay pareho niyang nilagyan. Pagkatapos naghintay ng isang minuto. Halos mapatalon siya sa sobrang kasiyahan nang makitang positive ang resulta. Pa

