NAKATITIG si Aya sa kisame habang nakatihaya sa gitna ng kama. Nakataas ang dalawa niyang paa sa headboard at pabaliktad siyang nakahiga. Kanina pa siya sa puwestong ganon. Sampung minuto pagkatapos sumapit ng alas nuwebe ng gabi. Hindi pa naman talaga siya inaantok. Ang totoo ay gising na gising pa ang kanyang diwa. Isang oras na simula ng muntik siyang umamin kay Elijah kung bakit siya nagmamaktol kanina. Kalahating oras pagkatapos niyang pumasok sa loob ng silid kanina ay narinig niya ang ugong ng papaalis nitong sasakyan. Mukhang umalis ito. Kung ano-ano ng tanong ang nasa isip niya. Saan kaya ito nagpunta? Pinuntahan ba nito si Ara? Gabi na pero bakit umalis pa ito? Bakit ba gabing-gabi na e pupuntahan pa nito ang babaeng iyon? Saka niya maiisip na ano bang pakialaman nanaman niya.

