Prologue

1089 Words
Nasa Havens Restaurant ang pamilya De Silva upang ipagdiwang ang binyag ng anak nina Kyle at Carrine/Lexie. Tanging piling mga malalapit na kaibigan ng pamilya ang dumalo sa selebrasyon. Malungkot na nakatanaw si Juan Miguel sa kanyang nakakabatang kapatid na si Kyle. Nakaakbay ito sa asawang si Lexie habang masayang nakikipag-usap sa magkasintahan na sina Ava Guzman at Nathan Del Rio. Noong ipaalam ni Carina sa kanya na natagpuan na nito ang kakambal, masaya siya para sa hipag. Matagal na panahon ng nagdurusa ang pamilya Lozano sa pagkawala ni Carrine/Lexie. Lumaki silang magkakapatid na kasama si Carina. Parang kapatid ang turing nila sa babae. Nagbago ang lahat noong pikutin nito si Kyle. Simula noon ay naging malamig ang trato ni Kyle kay Carina. Hindi lihim sa kanilang magkakapatid na tuloy pa din ang pakikipag-ugnayan ni Kyle sa dati nitong kasintahan. Batid ni Juan Miguel na labis ang pagdurusa ni Carina dahil sa naging pamamaraan nito. Sa kabila ng hindi magandang ginawa nito para maipakasal kay Kyle, may maganda itong idinulot sa pamilya nila. Isang mabuting ina si Carina sa kambal na sina Drei at Drea. At iyon ang pinagpapasalamat niya sa hipag. Nang magkasakit si Carina, pinalabas nito sa kanilang pamilya na sumama ito sa ibang lalaki. Pero alam ni Juan Miguel na labis ang naging paghihirap ng hipag. Saksi siya sa lahat ng pagkakataong umiiyak ito sa matinding pangungulila. Lahat ng paraan para gumaling ito ay ginawa na nila. Pero ang lason na nasa katawan ni Carina ay wala ng lunas. Hiniling nito na gawan niya ng paraan na makapasok si Lexie sa buhay ng kanyang kapatid na si Kyle. Hindi naging madali ang lahat para kay Juan Miguel. Nang panahon na sinusubaybayan niya si Lexie, unti-unting umusbong ang kakaibang damdamin sa kanyang puso para sa babae. Nang ipaalam sa kanya ng hipag na pinagpapanggap nito si Lexie bilang Carina, labis ang kanyang naging pagtutol. Subalit sa huli ay wala siyang nagawa kundi ang tulungan si Carina at Lexie. Sa paglipas ng mga buwan, naging saksi siya sa pagkakalapit ng damdamin ni Kyle at Lexie. Para kay Juan Miguel ay wala ng sasakit pa sa pagpapaubaya sa babaeng iniibig niya. Ang makitang masaya si Lexie sa piling ni Kyle ay ang tanging nagpapagaan ng nararamdaman niyang kabiguan. “Parang kailan lang ang kambal pa lang ang mga bulilit ng pamilya natin. Ngayon nadagdag ang cute na cute na si Kayla Carina,” pukaw ng kanyang Mama na si Lauren De Silva. Napabaling ang tingin niya sa kanyang Mama. Nakaakbay sa Mama niya ang kanyang Papa Leandro. Bakas ang kaligayahan sa mukha na kanilang mga magulang. “Are you okay Miggy?” tanong ng Kuya Brandon niya. Panganay ito sa kanilang pitong magkakapatid. Nakaalalay ang Kuya niya sa asawa nitong si Blanca. Apat na buwan na ang pinagbubuntis ng hipag. “I’m okay Hermano!” nakangiting sagot niya. Tinapik nito ang kanyang balikat, “You know Miggy, eventually you need to move on.” Bakas ang pag-aala sa mga mata ng Kuya Brandon niya, maging si Blanca ay malungkot na nakatingin sa kanya. “Alam ko Kuya, promise ayos lang ako. Masaya akong makita na masaya sila. Soon mawawala din itong sakit na nararamdaman ko,” saad niya sa kapatid, pilit niyang pinasigla ang kanyang tinig. “Yes, tama si Kuya Brandon. Move on, mawawala din yan, but you need to stop playing around,” nakangising sabat naman ni DJ. Si DJ naman ang pangatlo sa kanilang magkakapatid. Halos dalawang taon ang tanda nito sa kanya. “Look who’s talking! Isa ka pang womanizer,” sita naman ng Kuya Brandon nila kay DJ na kinatawa lang nito. “Naku DJ, pareho lang kayo nitong si Miggy. Dapat talaga mag settle down na kayo at mabawasan ang aalahanin namin ng Papa ninyo,” nakangiting wika ng Mama nila. Tama ang Mama ninyo, para naman ang kambal na lang ang babantayan namin,” nakangiting sang-ayon naman ng Papa nila. “Papa naman, wala pa akong balak magpasakal!” reklamong tugon ni DJ sa kanilang Papa. Nagtawan silang lahat. Dahil kung may taong ayaw sa salitang ‘kasal’ ay si DJ iyon. “Well, Kuya DJ, dapat ikaw talaga ang susunod na mag-aasawa. Kaya lang, handa na ang kasal nila Ate Sofia at Kuya Luke, so for now safe ka,” pang-aasar na wika ni Essex, ang bunso nila at kakambal ni Ezekiel. Iiling-iling siyang nakikinig sa asaran ng mga kapatid, malungkot niyang sinulyapang muli si Kyle at si Lexie. Labis siyang nasasaktan, pero hangad niya ang kaligayahan ng kapatid at ng babaeng mahal niya. “What do you think about the Bataan project?” tanong ni DJ sa kanya. Napabaling siya rito, “Well, another expansion is good for business. Kaya lang sabi ni Eros, mukhang mahihirapan tayo mabili yong property.” Si Eros De Silva ay isa sa mga pinsan nila. Ito ang namamahala ng De Silva Builders. “Magagawan ni Eros ng paraan iyon! I want that property for our new hotel,” nakakasiguradong wika ni DJ sa kanya. Nailing na lang siya sa winika nito, kilala niya si DJ. Hindi titigil ang kapatid hangga’t di nakukuha ang gusto nito. “Sir Miggy, excuse me po, may naghahanap po sa inyo?” wika sa kanya ni Ms. Lucille Rosales, ang manager ng Haven. “Sino?” kunot-noong tanong niya. Nagkatinginan sila ni DJ. Wala silang inaaasahang panauhin dahil pinasara niya ang buong resort para sa binyag ni Kayla Carina. “Sir, ahm ano po kasi!” nag-aalangang sagot nito na lalong kinakunot ng kanyang noo. “Ms. Rosales sino ba ang naghahanap kay Juan Miguel?” tanong ni DJ na bakas din ang pagtataka sa mga mata nito. “Asawa po niya!” hayag ng babaeng nasa likuran ni Ms. Rosales na kinasamid ng kanyang Kuya Brandon at kinasinghap ng hipag niyang si Blanca. “Holy moly!” Essex. “What the hell!” Ezekiel. Sabay na bulalas ng kambal. “Juan Miguel!” gulat na wika naman ng kanyang Mama. “What?” kunot-noong tanong niya sa babae. Kinabog ng matinding kaba ang kanyang dibdib ng masiguradong hindi siya dinadaya ng kanyang mga mata. Nakatayo ilang dipa mula sa kinauupuan niya, ang babaeng ilang buwan na niyang hinahanap. “Kaninong asawa?” nagtatakang tanong naman ni Kyle na karga ang bunsong anak nito kasunod si Lexie. “Hello everyone! I’m Mrs. Juan Miguel De Silva, and I think my water broke!” nakangiwing wika nito habang nakahawak sa malaking tiyan. Napatayo siya ng marinig ang winika ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD