Untitled

1228 Words
Chapter 2 Mishie’s Pov Tinapos ko lang ang ilang notes ko at sandaling napapikit, feeling ko’y kahit papano ay nakapahinga ako… pero hindi ko namalayan, nakatulog na naman pala ako sa desk. Nagising ako sa malakas na tap-tap-tap sa bintana. Parang may bumabato. Dumilat ako sandali at nagulat. “Ano na naman ito?” bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang bumangon papunta ng bintana. Lumapit ako sa bintana at sumilip. Kitang-kita ko si Nikolai, nakangiti pero halata sa mukha nya na parang nag-aalala. May dala siyang backpack at naka-school uniform pa. Nagulat ako, “Nikolai?! Bakit nandito ka?” napabulong ako, hawak-hawak pa ang kumot na kapit ko. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang sandamakmak na chat mula sa group namin: “Hoy, papasok ka pa ba?”, “Mishie, kamusta ka na?”, at siyempre, may message pa rin si Nikolai: “Saan ka na? Kamusta ka na? Bakit hindi ka pa papasok?” Napatingin ako sa orasan sa tabi ng desk. 1 PM na pala. Late na ako sa first subject… at sa totoo lang, sobrang pagod ko pa rin mula kahapon, kaya tinamad na rin akong pumasok. Huminga ako nang malalim at pilit pinilit na lang kalmahin sarili ko habang nagmumuni-muni, “Okay, okay… hihinga muna ako bago gumawa ng next move.” Bumalik ako sa bintana at dahan-dahang nag-senyas kay Nikolai, “Punta ka sa main door na lang,” saad ko. Kinakabahan ako habang bumababa sa hagdan. Bihira lang siyang dumalaw sa bahay, palagi kasi kaming abala, kaya bawat pagkakataon na nandito siya, parang may halong excitement at kaba sa dibdib ko. Pagdating ko sa baba, nakita ko na siya nakatayo sa harap ng pinto, suot backpack nya at naka-school uniform. “Hi…” sabi ko, medyo mahinahon, pero ramdam ko ang kaba sa bawat letrang binigkas ko. Biglang napatingin ako sa kanya sa mukha nya, sa buhok nyang bahagyang magulo, sa mga mata niyang tila puno ng pag-aalala, sa cute nyang mga ngiti, sa uniporme niya na medyo nagkukulot sa balikat ng backpack niya. Napatingin ako sa bawat detalye ng mukha nya, nakatulala, parang hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya. Ang sarap nyang pagmasdan sa malapitan. “Ano ‘to… magtititigan lang ba tayo? Ayaw mo ba akong papasukin?” tanong niya, medyo natawa na parang halong biro. Lutang pa rin ako ng mga oras na ‘yon. “Ah… pwede naman,” sagot ko, bahagyang nanginginig ang boses ko. Ramdam ko agad ang init sa pisngi ko, hindi ko maipaliwanag. Natawa si Nikolai, pero may halong pagkabastos sa ngiti niya. “O, okay… so papasok na nga ako,” sabi niya, at naramdaman ko yung confidence niya na halos nagpapakilig sa akin. Na para bang may kung anong kuryente na umakyat sa katawan ko nung makita ko ang ngiti nya. Bigla akong nahihiya, kaya mabilis akong nagtanong para mawala ang awkward tension sa amin. “Oo nga pala, saan mo mas gusto… dito sa sofa o sa kwarto ko?” Tumigil siya sa paglakad, humarap sa akin, at medyo lumapit. “Mas prefer ko sa kwarto e,” sagot niya, may halong ngiti. Heto nanaman sya, palibhasa alam nya kung paano ako kunin ng mga ngiti nya. Tumawa na lang kami pareho medyo tamang halo ng hiya at pang-aasar, at aaminin kong, namiss ko sya. Dali-dali ko siyang niyaya paakyat sa kwarto, ramdam ang palpitations sa dibdib ko at para hindi masyadong awkward, kinakausap ko pa rin siya habang paakyat sa kwarto. Habang umaakyat kami sa hagdan, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat galaw niya, yung paraan ng paghawak niya sa backpack, yung ngiti nya na parang ayaw nyang ipakita, at yung init na biglang kumalat sa dibdib ko. Parang bawal pero ramdam ko. Pagdating namin sa kwarto, umupo kami sa gilid ng kama. Binuksan nya ang bag nya at dahan-dahan na inabot sa akin ang kanyang regalo. “Para sa’yo,” sabi niya, habang nakangiti. Ngumiti rin ako at tinanggap yung gift, medyo nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit parang nanginginig ako sa simpleng pag abot lang. Binuksan ko ito at nakita ang maliit na notebook at bracelet sa loob, may notes na nakasulat: “Alam kong mahilig ka sa simpleng bagay. Sana mapangiti ka kahit konti, Happy Friendship Day!”. Bigla akong napatingin sa bracelet at eto pala yung nawawala kong bracelet na sya rin ang nag bigay dati. Hindi ko akalaing ibabalik niya. Anlaki ng ngiti ko, hindi ko ‘to akalain. Sa sobrang tuwa, napatalon ako sa kanya at niyakap sya ng sobrang mahigpit. We used to hug each other when we were kids, but now, the longer I hug him…, ramdam ko ang init sa dibdib ko. At that moment, bigla kong narealize na parang may hindi tama, at the same time ayoko ng ganitong pakiramdam. Sya? mukhang wala naman para sa kanya, mukha syang kalmado at nakangiti pa rin simula pa kaninang ngiti nya na hindi na nawala. Mabilis akong humakbang palayo sa kanya, hawak-hawak ko ang notebook at bracelet na binigay nya sa kamay ko, to reduce the awkwardness agad kong kinuha ang gift ko para ibigay rin sa kanya. “Para sa’yo rin,” saad ko, ramdam ko pa ang kaba at excitement sa parehong pagkakataon. Umupo ulit ako sa tabi niya, hawak pa rin ang gift na galing sakanya. Pinagmamasdan ko sya ng mga oras na yon habang binubuksan niya ang card na ginawa ko kagabi. Kitang-kita ko sa mukha niya yung tuwa, yung tipong napaka genuine nya sa mga ngiting ginagawa nya. “Wow… Mishie, sobrang thoughtful mo talaga,” sabi niya, habanv nakangiti at nakatingin sa akin. “Alam mo, sobrang creative mo, nakaka inis ka.” Napangiti ako at naasar, kasabay non pakiramdam ko ang init sa dibdib ko. “Hindi naman ‘yan malaking bagay at isa pa, dyan na nga lang ako lalamang sa’yo…” sabay tawa ko, at may konting hiya. Nagkwentuhan kami habang nakaupo . Nag kwentuhan kami sa mga ganap sa school, childhood memories, at kung paano kami nagka-abala kamakailan. Nawala ang hiya ko sa mga segundo, minuto, at oras na nag daan na kami ay nag uusap lang. Masaya kami ng mga oras na ‘yon,hanggang sa bigla siyang huminto. Tumahimik kaming pareho. Ngumiti siya sa akin at may hinugot mula sa bulsa nya ang maliit na card. “Ah… eto pala para sa’yo,” sabi niya. Na curious ako, at tinanong sya “ano ‘to? another gift?” tumawa sya at agad namang sumagot “hindi e, birthday invitation ni elli” Dagdag pa nya “Sabi ni Elli, ibigay ko sa’yo ito. Kasama ka raw sa 18 Candles niya, inaasahan ka doon,”. Napatingin ako sa card, medyo nagulat. Cute at thoughtful yung gesture pero may kung anong kirot na sumiksik sa dibdib ko. Kilala ko siya. Hindi lang basta kakilala kabisado ko ang mga kwento, ang mga alaala, at kung paano siya naging bahagi ng buhay ni Nikolai noon. Saksi ako sa lahat. Sa kung paano sila nagsimula… at kung paano rin nagbago ang lahat. Ngunit sa ngayon, nakangiti ako pinipilit ipakita kung gaano ako kasabik basahin ang card, kung gaano ako ka-excited pumunta. Kahit hindi ko sigurado kung dapat ba talaga. Ngumiti lang ako pero alam kong may magbabago pagkatapos ng araw na ’yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD