3rd Person’s P.O.V
“Ana, dalhan mo ng snack sa loob ng room sina Mr. Eion at Mr. Lyric,” sambit ng lalaking staff.
“Ako na naman?” iritableng wika ni Ana. “Ako na nga yung naghintay kay Mr. Lyric sa labas at naghatid sa kanya papunta sa standby room.”
“Huwag ka ng maarte dyan,” sambit ng lalaking staff habang busy sa binabasa na papel. “Ayaw mo ‘yun makikita mo yung crush na crush mong si Mr. Eion.”
“Sige na nga!” mabilis na tugon ni Ana at dala-dala nito palabas ang snacks na nakalagay sa tray.
“Dapat kay Mr. Eion na lang ako na-assign e,” she rolled her eyes.
Nang kakatok na siya sa pintuan ay may narinig siyang sigaw kaya naman tinapat niya ang tenga niya sa pinto.
“You know what? I don’t know you and I don’t give a fvck on who you are,” Nanlaki ang mata ni Ana sa narinig niya.
‘I’m sure that’s not Mr. Eion’s voice,’ sa isip ni Ana. “Si Mr. Lyric?” tila napatakip si Ana sa kanyang bibig.
“So stop barking like a mad dog.” sambit ni Artemis.
Nang makarinig is Ana ng papalapit na yabag ng paa ay mabilis na nagtago ito sa gilid. Pagkasilip ni Ana ay nakita niyang lumabas si Lyric sa room. Dali-daling pumasok si Ana sa pintuan.
“H-hello po Mr. Eion, snacks po,” nahihiyang saad nito at bumungad sa kanya si Eion na bagsak ang ekspresyon.
Nilapag ni Ana ang snacks sa table. “Did you heard our conversation?” sambit ni Eion habang hinihilot niya ang kanyang sentido.
“H-hindi po Mr. Eion,” namumula ang mukha ni Ana. “Narinig ko lang po na s-sumigaw si Mr. Lyric po.”
“You’re right,” malalim na bumuntong hininga si Eion. “ I just told him to be on time next time but he started shouting at me,” tugon ng Binata at ininom ang juice na nasa table. “I guess it’s my fault?”
“Grabe sir!” gulat na saad ni Ana. “Hindi mo kasalanan ‘yun Mr. Eion. Si Mr. Lyric na nga ‘tong late e, siya pa ‘tong may gaan manigaw!”
“Thanks fo the snack, you can go now,” sambit ni Eion at patagong ngumisi.
“T-thank you po Mr. Eion!” masayang sambit ng Dalaga.
Paglabas ni Ana sa room ay tila nanlilisik ang mata. ‘Lyric, how dare you shout at my idol!’ sa isip nito habang nakayukom ang kamao nito. ‘Pagsisisihan mo na kinalaban mo ang idol ko!’
“Ana nandyan ka pala!” ani ng isang babaeng staff na may kausap sa cellphone. “Pwede bang ikaw na lang mag-prepare ng dalawang glass, tapos palagyan ng alak. Kailangan kasi ‘yun para sa shooting mamaya,” nagmamadaling saad ng Babae, “busy kasi ako e.”
“Gagamitin mamaya ni Mr. Eion at Mr. Lyric?” pag-uulit na saad ni Ana na tila nanlaki ang mata. “Sige ako ng bahala,” ngumisi ang Dalaga.
Pumunta si Ana sa pantry area at nakita niya ang nakatumpok na sili katabi ng mga pagkain. Agad kinuha ni Ana ang maraming sili at pinisak-pisak ito. Nilagyan ng Dalaga ng TheBrandee ang dalawang baso. Kinuha ni Ana ang isang baso at ipinahid ang hiniwa niyang sili sa nguso ng baso. “Ang kapal ng mukha mo Lyric ha..” malademonyong sambit ni Ana.
Kinuka ni Ana ang maraming sili na dinikdik niya at pinatakan ito ng kaunting tubig. Nang maingat na tanggalin ng dalaga ang mga buto ng sili, ay nilagay niya ang katas ng sili sa isang baso. “Feeling sikat ka masyado, wala ka pa sa level ni Mr. Eion para awayin mo siya. Bagong idol pa lang mayabang na agad,” she mumbled to herself.
--
Nanluluha ang mata ni Artemis habang naglalakad palayo sa room. ‘I need to be strong here. They can’t see me crying while I’m pretending to be kuya Lyric.’ Mabilis na pinunasan ni Artemis ang kanyang luha na pumuslit.
“Hey Lyric! Nagkausap na ba kayo ni Eion?” nagulat si Artemis nanag may biglang magsalita sa likuran niya.
“Y-yes po direc,” saad ni Artemis sa panlalaking tinig.
“Good. So we can start filming right away,” nakangiting sagot nito.
Nasa tapat na ng set si Artemis at ang director. Hindi makapaniwala si Artemis na set lang ito dahil mukhang mamahalin na bar talaga ang itsura nito.
“You, call Eion in the room so we can start,” striktong saad ni Direc sa staff sa gilid.
Agad nanigas si Artemis sa kanyang kinatatayuan ng marinig niya iyon. ‘What should I do? What should I do?’ pagpa-panic ng Dalaga sa kanyang isip.
“Mr. Lyric,” agad napatingin si Artemis kay Faye, “retouch lang po natin yung make-up niyo bago magsimula.”
Tumingin ang director kay Artemis bago nito kausapin ang mga camera man sa set. Inaaply-an na ng powder ni Faye sa mukha si Artemis.
“Oh my, bakit nabura ang under eye shadow mo,” pabulong na saad ni Faye habang inaaply-an ito.
“N-napuwing po kasi ako kanina hehe,” mahinang ani ni Aretmis, “nakusot ko ata yung mata ko.” Nag-iwas ng tingin si Artemis sa malapusang mata ni Faye na nakatingin sa kanya.
“Mr. Lyric don’t worry,” aniya ni Faye nang napansin na madaming staff na nakakalat sa paligid nila, “nadoon lang kaming lahat sa gilid para panoorin at i-cheer ka,” at tinuro ni Faye ang mga kaibigan nila na nakatayo sa pinaka gilid.
Napatigin si Artemis sa kanila at kinawayan ang mga ito. “Thank you,” Artemis answered, “ate,” pabulong niyang tugon.
“Finally Eion, you’re here,” sambit ni Direc at inakbayan si Eion na nakangisi. Nag-iwas ng tingin si Artemis sa Binata.
‘How am I suppose to work with him matapos ang naging sagutan namin kanina? Shemay na ‘yan’ sa isip ng Dalaga.
“Come here Lyric,” at sinenyasan ng Director si Artemis na lumapit.
Ang bilis ng t***k ng puso ni Artemis nang papalapit siya sa dalawang lalaki. ‘Para kay kuya Lyric, Para kay kuya Lyric, Para kay kuya Lyric’ pag-uulit niya sa kanyang isip.
“ Since nakapag-usap na naman kayo sa room, hindi ko na kayo kailangang ipakilala pa sa isat-isa,” humalakhak ang Dircector, “so our concept in this commercial ay broken hearted ka Lyric,” sabay turo ni Direc sa set kung saan naka-set up itong bar, “then papasok si Eion para ayain ka uminom. The rest ay alam niyo na ‘yun dahil nasa script naman.”
Pasulyap na tiningnan ni Artemis si Eion at nagulat ang dalaga ng magtama ang paningin nila. Iniwan na sila ni Direc kaya naman naisipan ni Artemis magtungo na sa stool na paggaganapan ng scene nang..
“I don’t like you personally, just make sure you’ll do a great job today or else,” tila hindi makahinga si Artemis nang bulungan siya ni Eion, “I’ll make sure you will regret it.”
TO BE CONTINUED