3rd Person’s P.O.V
“You can do this Ms. Parker,” bulong ni Nami sa kanyang sarili habang nanonood sa gilid ng studio kasama ang kanyang mga kaibigan.
“We really did a great job guys,” sambit ni Mika habang nakatingin kay Artemis na ngayon ay kaharap si Eion, “just look ate them! Super powerful visual ang ganap nila kapag magkatabi sila ni fafi Eion!” pagtitili nito.
“Let’s hope for the best guys, naraos niya yung sa anniversary event. I know that she can also do this,” mahinang tugon ni Dustin.
“I don’t know,” ani ni Krista habang naka crossed arms, “parang masama ang kutob ko ngayon.” patuloy lang sa pagtitig si Krista sa kanyang kaibigan. "But let's hope for the best. Fighting sis."
“Frenny huwag kang 'nega! Law of attraction, let’s claim the she’ll do well today,” sagot ni Dustin sa tabi ni Krista.
“Saka tingnan niyo oh,” sabat ni Mika, “ she’s standing proudly and confidently right now. I knew it, pinanganank talaga siya para maging star,” aniya ni Mika habang sunod-sunod ang pagkuha ng litrato kay Artemis.
“Fake it till you make it, ika nga,” tugon ni Dustin kay Mika, at nag-high five pa nga ang dalawa.
‘I knew Artemis since forever, and she can look so fine on the outside, but on the inside….’ pagmuni-muni ni Krista habang pinagmamasdan sa malayo ang kaibigan.
“Okay guys magsisimula na tayo,” sigaw ni Direc gamit ang kanyang megaphone. “In three, two, one… ACTION.”
Tila ba wala kang maririnig na ingay sa set matapos sabihin ng director ang ‘action’. Nakaupo sa stool si Artemis habang nakapatong ang kanyang siko sa counter top ng bar. Mukhang malungkot si Artemis at halatang may pinagdadaanan siya, iyon ang dapat ipakita niya, ayon sa script.
‘Think of something sad, think of something sad,” nagpa-panic na tugon ni Artemis sa kanyang isip. ‘My anime and manhwa crushes can never exist in real life….Okay that hurts like hell.'
Tila nalaglag ang panga ng Director nang makita ang malungkot na ekspresyon ni Aretemis na sinundan ng pagpatak ng luha ng Dalaga. “Magnifico! Magnifico Lyric! Such a natural actor." Halata ang pagkamangha sa mga mukha ng staff na nanonood.
“Hey bro!” bati ni Eion, time na para pumasok sa eksena ng Binata. Flinash ni Eion ang killer smile niya habang nakatingin sa malungkot na si Lyric. Sinunsundan ng camera sa harap ang bawat kilos ng dalawa “What’s the matter?” halata sa green na mata ni Eion ang pag-aalala sa kaibigan.
‘What the heck?! Bakit ang galing umarte nito! muntik na ‘kong mapaniwala 'dun ah!’ pagwawala ni Artemis sa kanyang isip, ‘and he’s mesmerising green eyes! Ugh what a package. Okay na sana siya kung magandang lang ang ugali. Pero hindi.’
“Heart broken,” Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura ni Lyric.
“Don’t worry, I can help you with that,” ngiting sambit ni Eion at nagtaas siya ng kamay, kaya mabilis na lumapit ang bartender, “two glass of TheBrandee please.”
Hindi mapigilan ma-amazed ni Artemis sa umaarteng si Eion. ‘Kung magiging tao ang crush kong anime na si Tomoe, siguro kamukha siya ni Eion,’ sa isip ng Dalaga at tila napabuntong hininga si Artemis, ‘pero dahil nilait mo si Kuya Lyric, wala na ‘kong pake kahit hawig mo pa ang anime crush ko hmpfh!’
“Here’s your order sir. Two glass of TheBrandee,” saad ng waiter at nilagay ang tag-isang baso sa table sa harap ni Eion at ni Artemis.
“ Yes, yes...that’s right," pagngisi ni Ana, "Serves you right for shouting at my bias,” mala demonyong bulong ni Ana sa kanyang sarili habang naonood sa kabilang gilid ng set.
“Come on Lyric! Forget about girls let’s just drink tonight,” mala anghel na ngumiti si Eion at iniharap niya ang baso niya kay Artemis. “Cheers?” nakangiting tugon ng Binata habang naghihintay ng sagot.
“Okay..” malungkot na saad ni Lyric at kinuha ang baso na nasa tapat ng table niya, “cheers,” at nagtama ang baso ng dalawa.
Sabay na ininom ng dalawa ang alak ,na isang lagok lang, dahil ayon ang instruction sa script.
“Ahh.. strong,” sambit ni Eion habang nakatingin sa hawak niyang baso.
‘'ANO 'TO?! ANAK NG TOKWA! WALANG HIYA! RAMDAM NA RAMDAM KO ANG PAG-INIT NG LABI AT DILA KO, PAGKAINOM KO NG ALAK,’ pagpawawala ni Artemis sa kanyang isip. Tila naiwan na sa bibig ni Artemis ang alak at hindi niya ito magawang malunok dahil sa sobrang anghang. ‘Lunukin mo yan! Lunukin mo Artemis!’ tila naluluha na ang mata ng Dalaga. ‘Kung alam ko lang na ‘ganto pala ang lasa ng alak na ‘to hindi na sana ako pumayag shemay!’
“How was it Lyric?” nakangiting tugon ni Eion habang mamula-mula ang labi nito dahil sa alak.
‘Kailang kong sagutin siya na-- It’s good and let’s drink some more!-‘ sa isip ng dalaga, ‘kaya lang hindi ko malunok ang alak sa sobrang anghang!’ Maluha-luha na ang mata ni Artemis dahil sa pamamaga na nararamdaman niya sa labi niya. Nang pinili ng Dalaga na lunukin ang kaunting maanghang na alak na nasasa bibig niya, ay tila ba mabilis na nagalburuto ang tiyan niya at nakaramdam siya nang pagbaliktad ng sikmura, kaya nabuga niya sa mukha ni Eion ang natitirang alak na nasa bibig niya.
“What the fvck!” untas ni Krista sa bandang likuran dahil sa nangyari.
"Oh no.." Nalaglag ang panga ni Mika sa kanyang nasaksihan.
Kulang na lang ay maestatwa si Nami at mahimatay nang makita niya ang ginawa ni Artemis.
Tila nanlaki ang mata ng Director pati na rin ang mga staff na nasa paligid. Nakita ni Artemis na basang-basa ang mukha ni Eion pati ang mamahaling polo na suot nito.
“C-cut!” nagpa-panic na saad ni Direc. “You! ano pang inaatupag mo dyan!” sigaw ni Direc sa staff sa gilid niya na tila gulat pa rin, “give a towel to Eion! Faster!”
Nanigas na si Artemis sa kanyang kinauupuan habang ramdam niya ang mainit at pamamaga ng kanyang labi. Hindi na maramdaman ni Artemis ang kanyang dila dahil namaga na ito sa sobrang anghang. ‘I can’t breath!’ Napatingin si Artemis sa kanyang braso at nakita ng Dalaga ang maliliit na rashes na nagsisilabasan. ‘Anong nangyayari sa’kin? last time na nagkaganito ako ay noong bata pa ko nang sinugod ako sa ospital dahil nahimatay ako, nang nalaman na lang namin na ang pagiging allergic ko pala sa sili ang dahilan 'nun. Kailan pa 'ko naging allergic sa alak?!’ sa isip ng Dalaga.
“Mr. Eion ito po ang t-t-owel,” sambit ng lalaking staff.
Marahas na kinuha ni Eion ang towel at diring diri na pinunasan ang mukha niya, matapos niyang gamitin iyon ay binato sa sahig ng Binata ang gamit na towel. “Ano bang problema mo ha?!” sigaw ni Eion, na ngayon ay galit na nakatayo sa harap ni Artemis. Napansin ni Eion na hindi man lang siya tiningnan ng sinigawan niya, dahil nakatingin si Lyric sa sariling braso nito na may naglalabasang pamamantal.
Kwinelyuhan ni Eion si Artemis patayo, habang galit na galit ang itsura ng Binata. Tila nagulat ang lahat ng tao sa set dahil sa nangyari.
“Fvck! Mr. Lyric!” sigaw ni Dustin at mabilis silang sumugod lahat papunta sa set ngunit nagulat sila nang harangin sila ng mga armadong lalaki na mayrong malalaking katawan. "Get out of my way!" pagwawala ni Dustin, ngunit pinagtulungan siya ng dalawang malaking lalaki para pigilan.
“Ano ba! Bitawan niyo ko!” pagpupumiglas ni Krista sa matangkad na lalaki na hinawakan siya sa kamay dahil nagpupumilit siya na pumunta sa set.
“You can’t do this to Mr. Parker!” galit na saad ni Nami sa malaking lalaki na nakaharang sa daan niya.
‘I need to stop them.’ nagpapanic na tugon ng director sa kanyang isip. “But I can’t because Eion is the…’
Malalim at mas kumokonti na ang paghinga ni Artemis. Lalong hinigpitan ni Eion ang hawak niya sa kwelyo ni Atemis kaya naman tila nanghihina na ang Dalaga.
“Matapang ka talaga ha!” matalim ang titig ni Eion kay Artemis. “Akala mo palalagpasin ko ‘tong ginawa mo?! Hindi mo ba ‘ko kilala ha? I am the GRANDSON OF THE FOUNDER of TheBrandee. Late ka na nga dumating, may gana ka pang bastusin ako sa gitna ng trabaho!” Umalingawngaw ang sigaw ni Eion sa buong set. Ni walang staff o kahit ang director man ang nagsasalita dahil ayaw nilang mawalan ng trabaho. "Hindi mo 'ko pwedeng banggain basta-basta lang," may halong pagbabanta sa boses nito.
“I-im sorry,” mahinang sambit ni Artemis dahil hirap na siya sa paghinga at nagsisimula nang manikip ang dibdib niya. Ramdan ng Dalaga ang panlalambot ng kanyang tuhod. Nagsisimula na ring umikot ang kanyang paningin. ‘Get yourself together Artemis! You can’t ruin kuya Lyric’s career! You're so worthless.' pagpipigil ng Dalaga sa kanyang isip para hindi mawalan ng malay.
“I don’t need an half ass sorry from you!” ramdam ni Artemis ang higpit ng haawak ni Eion sa kwelyo niya. “You know what? Let’s just forget this damn commercial,” tila ba tagos hanggang buto ang talim ng titig ni Eion sa Dalaga, “because YOU ARE NOW FIRED!”
TO BE CONTINUED