Xander’s POV NAMALAGI na muna sa hotel na pag-aari ko ang pamilya nila Ellie ng ilang araw. Kasama namin sila sa presidential suite total ay malaki naman iyon. Tatlo ang kwarto na may sariling mga kama, may kalakihang sala at dalawa ang bathroom. Kasyang kasya kaming lahat. Magkakasama ang tatlong bata sa isang kwarto na may family size na kama habang si lola ay solo niya ang mas maliit na kwarto. Si Ellie naman at ako ay magkasama sa mas malaking kwarto at may king size na kama. Hindi na kami pinagbawalan pa ni lola na matulog sa iisang kama ni Ellie dahil hindi naman na lingid sa kaalaman niya na may namagitan na sa aming dalawa. Ano pa daw ba ang silbi ng pagbabawal niya kung gagapang pa rin naman daw ang kulot na pagong papunta sa kama ko pagdating ng hating gabi kapag tulog na siya

