Chapter 61 VITORIO Hinatid ko si Vida sa kaniyang mansion. Pinapasok niya ako sa loob ngunit sa labas lang ako sa gilid ng kaniyang swimming pool. Ang laki ng bahay niya dito sa Forbes at malawak ang paligid. May malaking swimming pool. “Magkape ka muna, Vitorio.’’ saad ni Vida. May bitbit na tray ang yaya ng anak-anakan niya habanag siya naman bitbit niya ang bata. Nakasuot ng pang-swimming ang bata at may goggles itong suot. “Salamat,’’ tipid kong sabi at kinuha sa tray ang tasa ng kape. “Baka mamaya may lason ito, Vida?’’ pasaring ko kay Vida, habang inilapag niya ang bata sa gililid ng swimming pool. “Kung hindi ka pamangkin ni Lucio, marahil nilason na kita,’’ tipid niyang sagot sa akin. Muntik ko ng mabitawan ang kape ng tumalon ang bata sa swimming pool. Sobrang kinabahan ako

