Chapter 68 3rd (POV) Masakit din para kay Alvira ang sumbatan nila ni Lander . Gusto niya man sanang isumbat kay Lander ang tungkol sa nangyayari sa kanya, subalit lalo lang naging buo ang loob niya na ilihim ang tungkol sa anak nilang dalawa. Kung alam sana ni Lander, na si Clyde na tinutukoy niya ay ang anak nilang dalawa. Kinabahan pa si Alvira, nang malaman niyang narinig ng Daddy niya ang pinag-usapan nila ni Lander. Takot siya na baka saktan ng Daddy niya ang ama ng kaniyang anak. Hindi mapakali si Alvira sa higaan niya. Balak niya sanang bumangon at puntahan ang Daddy niya at si Lander sa labas ng kaniyang kuwarto, subalit may nakakabit na dextros sa kaniyang kamay. Ilang sandali pa ang lumipas bumukas ang pintuan at pumasok ang Daddy niya. “Anong ginawa mo sa kanya, Dad?” kina

