Chapter 17 Lander Naupo ako sa sofa nang umalis na si Alvira. Napahilamos ako ng aking mukha dahil sa frustration na nararamdaman. Alam ko masakit sa kaniya ang mga sinasabi kong iyon subalit labag iyon sa aking kalooban. Sinadya kong saktan ang damdamin niya upang kamuhian niya ako at hindi na siya lumapit pa sa akin. Lalo na at dilikado na ang trabaho ko ngayon. Hindi na ako ordinaryong doktor na katulad noon. Isa na akong private doktor ng mga Mariano. Gustuhin ko pa na saktan ang damdamin niya kaysa mapahamak siya nang dahil sa akin. Isa pa ayaw kong gamitin siya na isa sa mga kahinaan ko. Hindi ko lang maintindihan kung ano ang pumasok sa isip niya upang isuko sa akin ang kaniyang sarili. Ako ang lalake na nakuna sa kaniya. Gustuhin ko man panindigan ang nangyari sa amin, subalit

