Chapter 26 VITORIO Hindi na ako magtataka pa kung ang babaeng katalik ko kagabi ang pumatay sa matanda kanina. Ang ibang babae sa GTH ay mga hired killer. Magaling ang babaeng iyon dahil sa mata mismo niya natamaan ng baril ang matanda. At ayon sa kuwento kanina ni Violet na asawa na ni Sandro, habang nakatutok ang kutsilyo sa kaniyang leeg at ambahan na siya nitong saksakin, pinutok daw ng babaeng iyon ang baril sa matanda at sa mata nga nito pinatama. Nakilala ko siya na siya ang katalik ko kagabi dahil sa marka sa kaniyang leeg na ginawa ko at sa kaniyang hita. "Nasa Florida ang ama ni Violet ngayon, Vitorio. Ngayong tapos na ang kasal ko sa anak niya ikaw na ang bahala sa ama niya at ako na ang bahala kay Violet," saad ni Alessandro sa akin habang narito kami ngayon sa tuktok ng KO

