CHAPTER 43 VITORIO Tuwang-tuwa si Angela ng makaapak ang mga paa niya sa Pilipinas. Sa ilang taon namin nanatili sa Amerika, sa wakas nakabalik na rin kami sa Pilipinas. Tumuloy kami sa Tagaytay kung saan naroon ang bahay ni Angela na binili ni Daddy sa kaniya. Surprise gift iyon ni Daddy kay Angela. Ilang oras ang nakalipas nakarating kami so Tagaytay. Pumasok ang sinasakyan namin sa mataas na bakod. Sa magkabilang gilid na dinadaanan namin puro matataas na puno ng kahoy ang makikita. Ilang sandali pa ang lumipas nakarating na kami sa isang malaking bahay. Bumakas ang gate. Bumungad sa amin ang ang swimming pool na nasa gilid ng daanan. Huminto kami sa gilid ng swimming pool. Bumaba kami ni Angela. “Wow, napakaganda naman dito, Kuya,’’ manghang sabi ni Angela sa akin, habang umii

