(Naya's POV) "Naya gising ka na?" Napamulat ako ng mata saka napakunot ang noo ko, sino ba ang tawag ng tawag na yun? "Bakit ba? Tsk!" Napabangon ako sabay kamot ng ulo, kainis naman eh, si Apollo na naman siguro yun. "Umuulan maligo tayo" Umuulan? Napalingon ako sa glass wall na malapit sa kama ko saka ako tumayo at hinawi ang kurtina umuulan nga. Pumasok agad ako ng banyo at nagpalit ng Tshirt at naka-pantulog na pambaba parin naman ako. "Naya bilis na!" Lumabas agad ako ng matapos akong magbihis at nakita kong ngiting ngiti si Apollo na naghihintay sa pinto, hinawakan niya agad ang kamay ko saka niya ako hinila pababa. "Naya? Apollo? Eat first, saan kayo pupunta?" Napalingon kami kay Ate Selene, nasa living room siya kasama sila Eos, Styx, Nyx, Ivan, Romer, Marielle, Fredri

