Tulad ng dati maaga pa lang ay umalis na si Declan para pumasok sa opisina nito. Hindi na niya ako ginising kanina dahil hating gabi na ako nakatulog. Nanood kasi ako ng movie habang abala sa library at opisina niya ang asawa ko kaya ang resulta, napuyat ako at tinanghali ng gising. It's like my daily usual day routine, matapos maligo ay bumaba ako para kumain. Hindi ko inaasahan na may bisita palang naghihintay sa akin sa baba at aabutan kong kumakain ng prutas si Amara, ang babaeng kakambal ni Declan. Hindi ko alam kung bakit narito siya gayong alam naman nito na wala dito ang asawa ko at ako ang naiwan dahil pumasok si Declan sa opisina nito. "Good morning, Amara," nakangiti at kinakabahan na bati ko dito. Medyo ilag ako sa isang ito dahil may pagka-suplada ito ng makaharap ko nang

