Maaga akong gumising, tulog pa si Seth. Wala akong choice kundi ang lisanin ang lugar na ito. Masakit para sa akin ang lumayo pero kailangan kung isalba ang sarili. Pride na lang ang meron ako. At wala akong choice kundi ang puntahan ang lugar kung saan ako ipinanganak. Sa Cebu. Nakatitig ako sa kwintas na hawak ko. Para hindi malaman ng mga taong nais akong patayin. Hindi ko muna isusuot 'yon. I need to be in disguise. For my safety. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas ng naturang lugar. "Mag-iingat ka, ma'am." "Salamat, Manang." "Sana magkita tayong muli," saad nito sa akin. "Kung ipapahintulot po ng Panginoon, Manang. Sana nga po. Sa ngayon, kailangan ko pong iligtas ang natirang pride ko bilang babae. Iyon na lang po ang meron ako. Kung

