EPISODE 32 SARAH’S POINT OF VIEW. “Uuwi na ako dyan bukas, Sarah. Sorry kung na delay ang flight ko, may problema dito sa Texas. Babawi ako sayo pag-uwi ko, okay?” Babawi... Iyan ang palaging sinasabi ni Matthias sa akin kapag may isang pangako siyang hindi niya natutupad kagaya ng pag-uwi niya ngayong araw. Pinaghandaan ko na simula pa kahapon ang pag-uwi ni Matthias sa Pilipinas galing Texas, pero bigla siyang tumawag sa akin ngayon na delayed ang flight niya at bukas pa siya makakabalik. Gusto kong magtampo sa kanya dahil hindi man lang siya gumawa ng paraan para lang mapadali ang pag-uwi niya rito. Pwede siyang sumakay sa isang private jet na pagmamay-ari ng kanyang pamilya—bakit hindi niya ito ginawa? Hindi na lang ako nagsalita at iniintindi ko na lang ang aking asawa. Nakakas

