EPISODE 36 SARAH’S POINT OF VIEW. Nandito ako ngayon sa townhouse na pagmamay-ari ng pinsan ni Adele. Habang hindi ko pa alam kung saan ako mag sa-stay ng matagal ay dito na muna ako kasama ni Adele. Nag-iingat din siya sa pagpunta dito at sa kanyang lahat na galaw dahil baka masundan siya ni Matthias—kung sakaling hinahanap niya ako ngayon. Wala akong binilin na sulat sa bahay, o anumang huling salita na gusto kong sabihin kay Matthias. Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas ng aming bahay ay agad akong lumabas sa kwarto at umalis kasama ni Adele. Alam kong nag-aalala na rin ngayon ang aking mga magulang, kung sakaling pumunta doon si Matthias at hinanap ako kay Mom at Dad. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin ko sa aking mga magulang kung bakit ako lalayo kay Matthias. Alam

