KABANATA 53 Jennifer Masakit ang bawat tingin ni William sa akin. Kinapalan ko na lang talaga ang mukha ko kahit na sinabi niya kagabi na huwag na ako magpakita kay Lolo Gorio. Kung hindi lang dahil sa matanda hindi na ako pupunta rito. Pero bakit ko ba susundin ang utos niya na huwag ako lumapit kay Lolo Gorio? Hindi ko pa man alam noon na siya ang apo ni Lolo Gorio, naging malapit na kami ni Lolo. Kahit psgod ako sa byahe, ayaw kong paghintayin ang matanda. Hinatid ko si Katrina sa San Fernando, para doon muna siya sa farm nila Aira. At least ligtas siya roon kay Papa. Ang bawat kaluskos ng kutsara sa pinggan ay parang kulog sa tenga ko. Ramdam ko ang titig ni William. Mula pa kanina, hindi na siya umiiwas ng tingin. At kahit anong pilit kong iwasan ang mga mata niyang dati kong kin

