*JEON SUE's POV*
Pagpasok ko palang ng loob ng bahay ay sinalubong na agad ako ni Jacob.
"Welcome home Sir" Bati sa'kin ng mga katulong ko pagkapasok na pagkapasok ko ng mansyon.
Huminga ako ng malalim hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito.
Ito na ang oras para muling bumangon.
"Maligayang pagbabalik sue" Nakangiting bungad sakin ni Jacob ang butler ko tinignan ko lang sya.
Tumingin ako sa paligid wala paring pinagbago itong mansyon ganun parin.
Mukhang kailangan ko ng baguhin ang mga disenyo para akong napag-iwan.
"Gusto ko ulit pumasok sa Parker's Academy" Seryosong sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman siya tinignan ko lang siya ng walang kaemo emosyon sa mata.
"Masusunod sue tatawagan kona ang admin para masabi ko ang tungkol dito" Sagot niya tumango nalang ako.
Naglakad na ako paakyat sa itaas para makapag pahinga kahit saglit lang.
Napagod akong humiga ng ilang taon ngayong bumangon ulit ako para lang sa isa pang pagkakataon.
"Si-sir sue nakahanda na po yong dinner niyo" Naka yukong sabi ng kasambahay sa akin pagkatapak na pagkatapak ko sa hagdan.
"Hindi ako gutom" Malamig ang sagot sa kanya nag patuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa silid ko.
"Lumabas na kayo" Utos ko sa tatlong katulong na nagaayus sa kama ko agad naman silang tumakbo palabas ng kwarto ko.
Napatingin ako sa papel na naka tiklop sa may ibabaw ng misa ko.
Binuksan ko ito napangisi ako listahan ng mga mapapangasawa ko tsk!
"KYS EUNA SEBASTIAN" Ang huling babae sa aking listahan ang babaeng magpapabagsak sa kanila.
Isinilang na kaya ang babaeng to? Baka namatay narin!.
"JACOB!" Sigaw ko hindi nag tagal may kumatok na sa pintuan ng kwarto ko bumukas na ito.
"Yes Sue"
"Hanapin mo itong babaeng to!"
"Sino sue ang huling babaeng mapapangasawa mo? Baka katulad din ng iba yan hindi nagtatagal dahil sa ugali mo" Natatawa niyang sabi tinignan ko siya ng masama.
Hindi nakakatuwa ang sinabi niya nakakainsulto!.
"Siya na ang huli kong hindi pa siya ang mapapangasawa ko wala na akong pakialam"
Malamig ang sagot ko sa kanya.Tsaka ako nag salin ng wine sa baso.
"Pero sue ikaw nalang ang naiiwan sa pamilya nyo" Nagaalala niyang sabi sakin.
"Makakaalis ka na magpapahinga na ako"
Lumabas na sya ng kwarto ko. Nahiga narin ako napaisip naman ako dahil sa sinabi niya tama siha ako nalang ang natitira sa pamilya namin.
Kailangan ko ng babaeng pwedeng magdala ng magiging anak ko.
--------
"SUE!!" Sigaw ni jacob sa tapat ng tinga ko.
Napa bangon ako sa pagkakahiga!! Ano bang problema ng bwisit nato tumingin ako ng masama sa kanya nakatingin siya sa relo nya.
"6 o'clock na sue oras na para mag-almusal na enrolled na kita sa parker's academy" Pagka Sabi niya yun lumabas na siya napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil inaantok pa ako letsi!!
Nag tungo na ako sa banyo para maligo psh!.
Pagkatapos akong maligo at mag-ayus lumabas na ako ng kwarto ko nag tungo ako sa kusina nakahanda na ang break fast ko, Hinila na ni jacob yong upuan ko.
"Enjoy your break fast sue" Sabi nya sabay tayo sa tabi ko umupo na ako.
"Blood?" Tanong ko sa kanya.
Tila biglang tumahimik ang paligid napatingin ako kay jacob.
"Ehem sue wala pa kameng nakukuha" Sagot nya sakin sabay iwas ng tingin.
"Are you kidding me?!, Baka gusto mong yang dugo mo nalang ang laklakin ko!" Galit ko ng sabi sa kanya napakamot naman sya ng batok nya.
"Kahit laklakin mo tong dugo ko wala tal--"
"I NEED BLOOD!!" Sigaw ko lahat sila na pa yuko tumayo na ako sa pagkakaupo na pa kuyom nalang ako ng palad ko control! control sue!.
Napapikit nalang ako habang naglalakad pa labas ng kusina nag tungo na ako palabas ng mansyon.
Nang makalabas na ako lumanghap muna ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko bago ako sumakay na ako sa kotse ko.
Binuhay kona yung makina ng sasakyan ko pinaharorot kona ito palabas ng gate ng bahay ko.
Nakakabwisit unang araw ko dito pero wala manlang silang nakuhang dugo alam naman nilang darating ako mga wala talaga silang kwenta.
-------
*KYS EUNA's POV*
*****
Hayts school days again and again nag-inat inat ako habang nakaupo sa kama ko napatingin ako sa orasan ko nanlaki ang mata ko.
"SEVEN O'CLOCK NA!" Sigaw ko bakit ang bilis dali dali akong bumaba sa kama ko kinuha kona agad yong tuwalya ko tumakbo ba ako palabas ng kwarto ko.
"MAMA BAKIT HINDI MO AKO GINISING!!" Sigaw ko habang papasok sa banyo habang sya nagluluto ng break fast ko.
"GINISING KITA KASO WALA KANG BALAK BUMANGON!" Ganting sigaw nya napanguso nalang ako ganun na ba ako tulog mantika.
Pinakiramdaman ko muna yung tubig kung malamig or hindi.
"Aytss!! MAAAA WALA BANG MAINIT NA TUBIG!"
"Nako Kys dalaga ka na mainit na tubig pa rin hinahanap mo matuto kang maligo ng malamig na tubig!"
"Nagtatanong lang naman ako malay ko bang wala" Pagrereklamo ko.
"Bilis bilisan mo dyan malalate kana!"
"Oo na po" Inalis kona yong salamin ko.
Nag Umpisa na akong maligo napatalon ako dahil sa lamig na tubig hayts naman kys dapat kasi maagang nagising para makapag painit ka ng tubig!.
"Kys iwan na kita papasok na ako sa trabaho" Paalam ni mama mula sa pintuan ng banyo.
"Sige po ma ingat ka po"
"Bilis bilisan mo dyan"
"Oo na po patapos na ako sinusuot ko nalang tong uniform ko"
"Yong baon mo nasa bag muna yong pera mo nasa walet mo na alis na ako bye" Sabi nya ulit hindi kona sya narinig pa ang tanging narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan.
Nang mai suot ko na ang uniform ko lumabas na ako ng banyo nagtungo na agad ako sa lamesa para kumain.
Ang sarap nya talagang mag luto binilisan ko ng kumain ng matapos na ako inilagay kona sa lababo yong pinagkainan ko mamaya kona hugasan tamad na kung tamad tsaka na pag karating ko na lang galing school tumakbo na ako para kunin yong bag at libro ko sa may sofa.
lumakad na ako palabas na bahay nilock ko na yong pintuan.
Habang naglalakad ako papunta sa school napatingin ako sa bahay na malaki lagi ko kasing nadadaanan to ngayon ko lang nakitang may tao siguro may nakatira na.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa nakarating na ako sa school.
"Good morning manong" Bati ko sa guard ngumiti naman ito. Nakaugalian kona kasi siyang batiin tuwing umaga.
"Hindi ka ata maaga ngayon" Sita nya sakin..
"Napa Tanghali po ang gising eh" Nakangiti ko namang sagot tumawa nalang sya.
"Hoy nerd!" Tawag sakin ng isang babaeng hindi ko kilala.
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Bakit andito kapa? Bawal ang mahirap dito!" Mataray niyang sabi.
Sabay hawak sa kamay ko
"Bitawan mo nga ako sino kaba?!" Tanong ko sa kanya sabay wagting ng kamay nya.
"Hindi mo ako kilala ako lang naman ang sikat dito sa school" Napakunot naman ako noo sino daw?
Sikat? Sya? Bakit hindi ko kilala kung sikat sya dito.
"Wala akong oras sayo" Inis kong sagot sa kanya halata naman sa mukha nya yong pagkainis.
Lalakad na sana ako ng hilain nya ako sa braso.
Napapikit ako dahil sasampalin nya ako bakit wala pa ang tagal naman atang dumapo yong kamay nya sa mukha ko na pa mulat ako ng mata ng wala akong maramdaman na dumapong kamay sa mukha ko.
"SIGE SUBUKAN MO SIYANG SAMPALIN, I WILL KILL YOU!!" Ano daw sino naman tong lalaking to. Bakit ang daming epal ngayon.
Tumingin sya sakin na gulat ako sa nakita ko naging pula yong mata niya agad naman nya itong naging itim.
Napalunok ako napaatras ako tumingin ako sa paligid parang wala silang nakita tumalikod na ako sabay takbo.
Va-vampire sya uuuwwaaahh!!! kys kong ano-anong nakikita mo!.
Takbo kys takbo huhuhuhu ayuko pang mamatay!.
Patuloy lang ako pag takbo hanggang sa makarating na ako sa classroom namin nakatingin naman sila sakin habang nasa pintuan na hingal na hingal.
"Miss sebastian for the first time your late" Sita ng teacher ko sakin ngumiti na lang ako habang hingal na hingal.
"Sino nag sabing takbuhan mo ako?" Napatalon ako dahil sa gulat napatingin ako sa likoran ko yong lalaki kanina.
Uuuwwaa nasundan nya parin ako.
"Wa-wag ka-kang lalapit sakin!" Nanginginig ang boses kong sabi sa kanya.
Sabay pasok sa loob ng classroom pumasok naman sya.
"Kkyhaa ang gwapo nya girl"
"Kaya nga ang hot nya"
"Sya na kaya yong bago nating classmate"
"Bakit sila mag ka kilala?"
"May tinatagong kalandi din pala yang nerd na yan"
"Mr Parker welcome back" Nakangiting bati ng teacher namin, Hindi sumagot tong lalaking to.
Tinignan ko lang sya hindi nya ito pinansin hinila nya ako papasok sa loob papunta sa pinakadulong upoan.
"Upo!" Cold nyang utos sakin napalunok nalang ako.
Tumingin ako sa mga kaklase namin nakatingin silang lahat samin.
Wala akong magawa kundi umupo na lang ako, Umupo narin sya sa may tabi ko.
"Ang swerte ni nerd!"
"Nakakainis sya dapat ako ang katabi niya"
Napakunot nalang ako ng noo dahil sa mga pinag sasabi nila.
Kayo na dito dalian nyo ng ubosin nyo yang dugo nyo!.
Nakatingin lang ako sa teacher namin habang nagdidiscuse ito paano ako makakapag focus nasa likuran ako sa harapan upuan eh kainis naman kung lumipat kaya ako.
Napatingin ako sakanya nakasobsob lang yong mukha nya sa desk nya ito na kya this is it tatayo na sana ako sa pagkakaupo ng.
"Walang lilipat!" Napatingin ako sa kanya paano nya alam ibang klase tong lalaking to sino ba sya ni hindi ko nga siya kilala.
Nakayuko lang ito sa may desk nya hindi manlang sitahin ni ma'am bakit ako kapag natutulog sinisigawan nya agad ako!.
Hayts napaka unfair talaga ng mga tao!.
Nag fucos nalang ulit ako sa lesson namin hanggang sa nag bell na nagpaalam na yong prof namin itong lalaking to naman kanina pa nakayuko.
Tumayo na ako inayos ko na yung gamit ko lalakad na sana ako ng hawakan nya ako sa kamay.
Ang lamig ng kamay nya parang ice! Natakot nanaman ako ano bang kailangan nya sakin!.
Hinila ko pabalik yong kamay ko ang lamig huh!.
"Sino nag sabi ng umalis kana?"
"Ako hoy lalaki nagugutom na ako kung wala kang balak kumain wag mo akong idamay!" Inis kong sagot sa kanya.
Pinanlakihan ko pa ng mata tsaka ko inirapan ng masindak sya sakin.
"Tara!" Tipid niyang sabi sabay hila nanaman sakin problema ng lalaking to feeling close!.
Pinagtitinginan na naman kame ng mga estudyante psh! i hate this center of attraction!!.
"Wag mo silang pansinin" Napasimangot na lang ako habang naglalakad na hila hila nya.
Sayo wala pero sakin sobrang big issue to baka hindi na ako makalabas ng school na buhay.
Pagkarating kame sa cafeteria nakatingin na naman sila saamin! Ang sasama ng tingin nila sakin uuuwwaa.
Sino ba kase to nakakainis napaka feeling close naman kase.
Umupo siya sa napili niyang upuan. Nanatili lang akong nakatayo sa may tabi nya.
"Ibili mo ko ng dugo" Utos niya sakin nakatingin ako sa kanya lumayo ako ng konti.
"Anong dugo baliw ka ba? Walang ganun dito!" Sagot ko sa kanya nakakatakot sya.
"Your blood!" Malamig nyang sagot tsaka ngumisi napalunok ako.
"Anemic ako" Sagot ko totoo naman wala syang mapapala sakin.
"What?" Kunot noo nyang tanong sa akin akala ko magalit tsk hangin din pala laman ng utak anemic lang di nya pa alam!.
"Wala akong dugo!" Sabi sa kanya sabay cross arm nawawalan na ako ng gana sa lalaking to hila ng hila.
Tingin niya sakin panali na hihilain na lang kung gustong hilain!.
"Paano ka nabubuhay?" Aba sakin pa talaga tinanong
"Malay ko sayo! Subokan mo sigurong huminga ng mabuhay ka!" Inis ko ng sagot sa kanya kastress na talaga besh!.
"Kiss me!"
Para akong nanigas sa kinakatayuan ko dahil sa sinabi nya anong akala nya sakin katulad ng ibang babae na go lang ng go!.
*PAK*
Dahil sa inis ko sinapak ko sya bwesit!. Manyakis!
"Bastos na to!! dyan kana nga!" Pag ka sabi ko yon lumabas na ako ng cafeteria bakit ko ba pinapansin yon hindi ko naman kilala bahala sya sa buhay nya.
"Ayan na naman si malanding nerd!"
"Kuwari nerd lang ata yan pero malandi talaga sya"
Sige lang ipagsigawan nyo pa bibingo na kayo sakin. Purket hindi ko lang kayo pinapatulan todo lait na kayo sakin!.
Nagtungo ako sa tambayan ko kong saan walang estudyanteng nag pupunta kundi ako lang.
Inilabas kona yong lunch box ko sa may bag ko.
Nag Umpisa na akong kumain ang sarap talaga ng luto ni mama the best talaga. Kaya mas gusto kong mag baon ng mag baon ng luto nya eh kase walang katumbas.
-----
*JEON SUE's Point Of View*
--
Nasan na yong babaeng yon tsk nahanap kona eh tapus mawawala pa sya saan ba nag sosuot yon.
Ang kapal ng mukha nyang sampalin ako sa harapan ng maraming tao!.
"Sue?" Napatingin ako sa tumawag sa'kin.
"Ikaw nga sue kailan kapa bumalik!" Nakangiting sabi ni ford.
"Kahapon lang" Tipid kong sagot sabay tingin tingin sa paligid.
"May hinahanap ka ata?" Tanong nya sakin
"Meron ang nerd na yon tinakbuhan ako" Sagot ko sa kanya
"Hahaha ah si kys mailap sa tao yon" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Kilala mo sya?" Malamig kung tanong
"Classmate ko nong elementary" Nakangiti niyang sagot
"Ahh" Walang ganang sabi ko
"Ano tara sa tambayan andon silang lahat" Pagaaya nya sakin.
"Sige" Naglalakad na kaming dalawa patuloy pa rin ako sa pag tingin tingin sa paligid baka sakaling makita ko sya.
Pero walang nerd sa paligid nasan kana ba wag mo akong inisin!. Hindi na ako natutuwa!.
"Bakit mo sya hinahanap? Kailangan mo ng dugo nya?" Tanong nya sakin
"Hindi dugo ang kailangan ko sa kanya kundi sya" Madiin kong sagot habang patuloy parin ako sa pagmamasid sa paligid.
"May atraso ba yon sayo?" Tanong nya
"Hindi sya ang huling listahan sa mga mapapangasawa ko"
"Sya na ba ang huli paano na kung aayaw siya tulad ng iba" Nag-aalalang sabi nya
"Tsss unang kita ko palang sa kanya alam kong hindi sya agad sumusuko" Nakangisi kung sagot sa kanya.
"I don't think so pre!" Sagot nya sabay iling.
Inirapan ko nalang sya tumahimik na din sya.
"Psh!" Tipid kong sabi .
Ng nakarating na kami sa tambayan agad siyang magsalita.
"Guys sue's here!" Napatingin ang lahat sa'min.
"Sue!!" Masaya nilang tawag sakin Tinignan ko lang sila.
"May ipapahanap ako sa inyo" Seryoso kong sabi sa kanila.
"Guest who? guys" Sabi ko ulit! Nagkatinginan naman silang lahat.
"Who?" Tipid nilang tanong nga uto-uto.
"Kys Euna Sebastian" Sigaw ko nagkatinginan ulit silang lahat.
"Bakit anong kasalanan nya?" Tanong naman ni Steven.
"Mahirap hanapin yon" Nakangusong saad ni Sunny
"Ako ng bahala sa kanya" Madiin na sabi ni ayame
"Humanda sakin yon" Galit na sabi ni Zarahi
"Wag niyo siyang sasaktan!" Sigaw ko "Dahil siya ang huling babaeng nasa listahan ko!" Muling sigaw ko sa kanila.
"Siya ba ang babaeng nasa propesiya?" Tanong ni ayame
"Kong sya edi ibig sabihin dapat natin syang bantayan para hindi siya mapatay ng mga kalaban!" Sabi naman ni Kiva
"Sya ang huling babae sa buhay mo?" -Adelisa
"Ano pang ginagawa nyo dito hanapin nyo na sya!" Sigaw ko agad naman silang nawala sa harapan ko.
Umupo ako sa sofa para hintayin ang pagbabalik nila alam na nila oras na hindi nila nahanap yong babaeng yon lahat sila malilintikan sakin.
Sila ang gagawin kong pananghalian ko ngayon araw na to.
---------------