*KYS EUNA's POV*
*******
Nakayuko lang ako habang naglalakad papunta sa classroom ko paano pinagtitinginan nanaman ako ng mga kapwa ko studyante nakakainis langs!.
Yong mga titig nilang nakakapaso at nakakalunod parang may ginawa akong masama sakanila ayuko na sa earth.
Napaangat ako ng ulo ng may makita akong mga paa sa may harapan ko.
Ngumiti silang lahat sakin ningitian ko din sila.
Ano nanaman kaya problema nila nakalinis na kaya tong mga to at pagala gala na nako lang kapag nakita kong madumi yong tambayan paglilinisin ko ulit sila.
"Sumama ka samin" Nakangiting sabi ni ayame bakit naman ako sasama sakanila.
"May pasok na ako" Matamlay kong sagot naantok pa kasi ako hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang ingay nila sa bahay ni mokong.
"Wag ka ng pumasok please" Nakapout na sabi ni mavi.
Ang sarap tirisin yong pisngi niya pero hindi ko pwedeng gawin yon mahal ko pa ang buhay ko.
"Dali na kys para naman maging masigla ka ulit para ka ng lantang gulay eh" Pagrereklamo ni kiva tinaasan ko naman siya ng kilay.
Sinong hindi magmumukhang lantang gulay diba napaingay nila hindi manlang nila inisip na may taong natutulog.
Pagkatapus nilang maglinis kagabi ayon nag si ingayan na.
"Kinakawawa kaba ni sue tuwing gabi?" Tanong ni mavi sakin napakunot naman ako ng noo pinag sasabi nito.
"Sorry guys wala talaga ako sa mood" Matamlay kong sagot sakanila lumakad na ako pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang ng mag salita si mavi.
"SANDALI! ANG AYAW NAMIN SA LAHAT TINATANGIHANA KAME!" Sigaw niya napahinto ako sa paglalakad tumingin ako sakanila nakatingin na silang apat sakin na pula na yong mga mata nila.
Medyo kinabahan naman ako mukhang seryoso sila sa lagay nato.
"SASAMA KA O MAMAMATAY KA?!" Sabay sabay nilang tanong.
Napalunok naman ako ng sarili kung laway seryoso ba sila? papatayin na ba talaga nila ako!!.
Jusko sue nasan ka papatayin na ata ako ng mga kasama mo!!.
Mabilis silang nakalapit sakin hinawakan ako sa braso napapikit ako dahil sa sobrang higpit ng hawak ni mavi sakin.
Katapusan kona ba? Lord kayo napong bahala sakin.
"Andito na tayo" Masiglang sabi ni ayame
Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya.
"Wait nasan tayo?" Tanong ko sakanila ngumiti sila sakin
"Nasa bahay ko!" Nakangiting sabi ni adelina.
Ano naman ang gagawin namin dito akala ko na mag mall kame nilipat naba dito yong mall?.
"Akala ko ba mag mamall tayo? Nilipat naba dito?" Tanong ko nagkatingin sila bigla naman akong kinabahan.
Dito ba nila ako tatapusin? Para ano walang makakita sakin?.
"Nasan na si bakla ng maayusan kana" Sabi naman ni mavi tsaka parang may hinahanap.
"Hah anong bakla ? Bakit ako aayusan?" Sunod-sunod na tanong ko sakanila.
Napagtritripan ata ako ng mga to ah.
"Ano kaba girl its your day" Nakangiting sabi ni ayame "Your wedding day" Dagdag nya.
Hah kasal ko huh kanino wala namang nagpropropose sakin ahh kanino ako ikakasal.
"HAHAHAHAHAHAHA Adik ba kayo? Ni wala nga akong boyfriend" Sabi ko sakanila tsaka tumawa ng tumawa.
"Oo nga kasal mo ngayon seryoso kame"
"Hah kanino?" Pagtatakang tanong ko tsaka ako tumingin sakanila.
"Kay sue" Nakangiting sagot ni kiva.
"Hah?" Sabi ko dahil parang nabingi ata ako ng marinig ko yong sinabi ni kiva
"Kailangang maganda ka para mainlove sayo si sue" Nakangiting sabi ni ayame.
"Seryoso ba to? Sakanya ako ikakasal? Pero teka lang hindi pa ako ready" Angal ko pero parang wala silang marinig.
"Hoy bakla bilisan mo dyan wag kang babagal bagal" Sigaw ni mavi pumasok na yong baklang sinasabi nila.
"Ito na madam aayusan kona sya"
"Kys isuot muna to"
"Ayuko hindi pa ako handang magpakasal sa kanya"
Naging pula nanaman yong mata nila pati yong bakla pula yong mata nya.
"Kong ayaw mo din lang pakasalan ang pinuno namin mas mabuti pang mawala ka nalang"-Mavi
"Kahit anong gawin nyo sakin ayuko pang pakasalan sya"
"Kahit na patayin ka namin ngayon?"
"Edi patayin nyo ko"
"Hindi ganito ang gusto kong buhay gusto ko ng normal na buhay hindi niyo ako katulad" Seryoso kung sabi sakanila.
"Kailangan ka namin kys ikaw ang susi sa aming lahi" -Ayame
"Alam naming mahirap tangapin ang lahat ng ito pero kailangan mo tong gawin" -Kiva
"Bakit ako? Marami namang iba dyan tsaka dahil sa mga kagaya niyo namatay ang mama ko baka sa susunod ako na ang mamatay"
"Kong gusto mong ipaghiganti ang mama mo pumayag kang magpakasal kay sue"-Mavi
"Tama hindi ba gusto mong makaganti kay venizia? Ito na yong pagkakataon mo kys sasayangin mo pa ba?"-Ayame.
"Handa ka naming tulungan basta pakasalan mo lang si sue wala na kameng oras kys" - Seryosong sabi ng bakla.
May point sila paano pala ako makakapag higanti kung hindi ako magiging kabilan nila kailanga kung maipaghiganti si mama.
"Akin na yong pesting gown magpapalit ako" Malamig kong sabi sakanila.
Napangiti naman sila pero nanatiling pula ang mga nila kaya medyo kinakabahan parin ako.
Inilabas na ni adelisa yong gown color black napangiwi naman ako.
"Oh diba ang bunga ng gown mo" Manghang na sabi ni adelisa.
"Bakit itim?" Tanong ko akala ko ba puti yon ang nakikita ko sa simbahan
"Ayaw mo ba alam mo ba ganyan na ganyang ang suot ng mommy ni sue nong ikinasal sya" Masayang pagmamayabang ni mavi.
"Para namang may patay kapag ganyan samin puti"
"Oh isuot mo ng maayusan kana ni bakla" Utos ni adelisa sakin
Kinuha kona yong gown nagtungo ako sa may banyo para makapag palit na.
Nang maisuot kona ito lumabas na ako ng banyo.
Napanguso nalang ako dahil hapit na hapit sakin yong damit medyo naiilang din ako.
"Wow kys bagay na bagay sayo"-Kiva
"Para kang si Jean" Sabi naman ni mavi habang nakatingin sakin.
"Sinong jean?" Tanong ko naman.
"Yong mommy ni sue"-Mavi
"Halika na aayusan na kita" Sabi ng bakla lumapit na ako sa kanya umupo na ako sa upoan pinaharap nya ako sakanya.
"Mamaya ka humarap sa salamin" Nakangisi nyang sabi nagumpisa na nya akong ayusan.
"Pagandahin mo ako ah baka mamaya lalo naman akong pumangit" Sabi ko sa nag-aayus sakin.
"Don't worry ikaw ang pinakamagandang ikakasal mahal ko pa ang buhay ko kaya gagawin kitang dyosa" Natatawa niyang sagot sakin.
"Dyosa ng ano? Kanerdyhan ganurn?" Tumawa naman siya napanguso ako.
"Alam mo kys hindi naman importante kay sue kung panget ka ang mahalaga ikaw ang papakasalan niya" Singit naman si kiva.
"Grabe kayo sakin kapag ako talaga yumaman kakabugin ko kayo" Nakanguso kong sagoy sakanya.
"Alam kung madaldal ka pero mamaya kana dumaldal ms kys hindi kita maayus ng mabuti" Nakangising sabi ni bakla inirapan ko naman siya.
Habang yong apat nakatingin lang sakin ito na ang simula ng panibagong buhay ko humanda silang lahat uubosin ko ang lahi ng venezia nayon!.
----
*VENEZIA's POV*
*******
Pula ang buwan mamayang gabi ito na ang araw kong kailan gaganapin ang pagiisang dibdib nilang dalawa.
Ito narin ang araw na magiging isang bampira sya kailangan kong maunahan si sue hindi ako makakapayag sa gusto nyang mangyari.
Kung sa akala niya mag-wawagi na siya pwes nagkakamali siya.
Yong babaeng 'yon dapat syang mamatay sya ang hadlang sa mga magiging plano ko.
Dahil sa kanya mawawala kameng lahat at hindi ko hahayaang mang-yari yon.
"Tawagin mo ang lahat" Utos ko sa mga kasamahan ko.
Kailangan namin pag-handaan ang pag sugod namin sa kasal ni sue.
Bakit pa kase kailangan niya pang mabuhay ulit sana hindi na kung kailan maayus na ang lahat.
"Masusunod po" Agad na silang umalis.
Habang hinihintay ko sila hindi ako mapakali lakad ako ng lakad nag-iisip kong anong gagawin namin.
Siguroda ako naghahanda na silang lahat ngayon dahil alam nilang susugod kame.
Papabagsakin ulit kita sue tulad ng pag-papabagsak mo saakin noon pero ngayon sisiguradohin kong hindi kana ulit makakbangon.
"Mahal na reyna" Tawag nila sakin andito na silang lahat.
Seryosong tumingin ako sakanila marami na kame ngayon sapat na ito para mapatalo sila.
Mga dapat sakanila ay nawawala na sa mundong ito!.
"MAKINIG! MAY DAPAT TAYONG PAG-HANDA PARA MAMAYANG GABI MAY DAPAT TAYONG GAWIN ORAS NA NAGING PULA ANG BUWAN MAMAYANG GABI SUGORIN NATIN ANG KASALANG NAGAGANAP SA MANSYON NI SUE ITO ANG ARAW NG PAG-IISANG DIBDIB NILA NG BABAENG NASA PROPISIYA PATAYIN SILANG LAHAT WALA TAYONG ITITIRA NA KAHIT NA ISA SAKANILA HINDI NATIN MAISASAGAWA ANG MATAGAL NATING PLANO NA SAKUPIN ANG MUNDO NG MGA TAO HANGAT NABUBUHAY SILANG LAHAT!" Seryosong sabi ko sakanila nagkakatinginan naman sila
"ITO NA ANG ORAS PARA TULUYAN NATING MAPABAGSAK SI SUE KAILANGAN TAYO DAPAT ANG MAG-HARI DITO!"
"PATAYIN SILANG LAHAT"
"PATAYIN SILANG LAHAT"
"PATAYIN SILANG LAHAT"
"PATAYIN SILANG LAHAT"
Sigaw nilang lahat ininaas ko ang kamay ko sinyas para tumahimik sila.
"GAGAWIN NATIN ANG LAHAT PARA MANALO SA LABANANG ITO! IBIGAY NATIN ANG BUONG LAKAS NATIN PARA SA ATING GRUPO!PARA SA ATING INAASAM NA KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN"
Muling sigaw ko sakanila naging maingay na ulit sila tumingin ako sa paligid madilim na.
"MUKHANG ITO NA ANG ORAS PARA SA PABAGSAKIN SILANG LAHAT KAILANGAN NA NATIN MAPAGHANDAAN ANG PAG-ATAKI"
"SOGOD!!"
Sigaw ko kasabay ng aming pagkawala.
HUMANDA KAYONG LAHAT!.
HUMANDA KAYO PARA SA IKAKABAGSAK NYONG LAHAT!.
--
*JEON SUE's POV*
*******
Andito ako sa meeting room hinihintay ang pagbabalik ng mga kasama kong kumuha ng mga tao upang maging kauri namin.
"Andito na silang lahat" Napatingin ako sa likoran ko.
Marami sila hindi ko alam kung saan nakuha ng mga bugok na to ang mga ito.
"Sila na ba ang mga taong handang maging bampira?" Tanong sakanya
"Sila na nga sue"
"Umpisahan nyo na wala na tayong oras" Utos ko saka nila.
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng meeting room.
Kailangan ko munang icheck lahat ayukong maging palpak ngayon ito na ang huli at ayuko ng mangyari ulit ang kinakatakotan ko.
"Naayus na ang lahat" Nakangiting sabi ni jacob tumango lamang ako.
Dumidilim na sigurado akong naghahanda na ang grupo ni venezia hindi ako makakapayag sa gusto nyang mangyari.
"Jacob tawagin mo ang lahat at sabihing mag-handa na" Utos ko sakanya.
"Masusunod sue"
Bumaba ako papunta sa venue ng kasal namin naayus na ang lahat.
Yong ibang kasamahan ko inutosan ko ng pumunta sa mga pwesto nila tanging mga bisita lang ang pwedeng nasa loob wala ng iba.
"Sue inutosan ko na lahat na pumunta sa mga pwesto nila"
"Good, May iuutos pa ako sundoin mo na sila"
Tumingin ito sa langit tulad niya tumingin din ako at biglang kinabahan.
"Pumupula na ang buwan"
"Wala na tayong oras pa"
Kailangang mapakasalan ko sya ngayon kundi maghihintay pa ako ng limang taon bago ulit mag pulang buwan.
"Sue andito na ang mga bisita" Nakangiting sabi sakin ni ford hinayupak na to may gana pang ngumiti.
"Paupoin muna sila don kailangan pa bang sabihin ko yon" Masungit kong sagot sakanya.
"Sige ito naman napakasungit kasal mo ngayon maging mabait ka naman" Sita niya sakin tinignan ko naman siya ng masama.
"Ford ayus na ba ang lahat?" Pagiiba ko ng usapan.
"Oo wag kang mag-alala maikakasal ka kay ms kys"
Tumango tango nalang ako at tumingin ako sa relo ko seven o'clock na.
Pumasok na ako sa venue andito narin yong magkakasal samin.
Nanatili akong nakatayo malapit sa may altar habang hinihintay ang pag dating nya.
Dumadating narin ang iba pang mga bisita lahat sila nakaitim wala kang makikitang ibang kulay kundi itim lang.
"Sue nag text sakin ni mavi paalis na sila" Seryosong sabi sakin ni jacod na nasa likoran ko.
"May mga sumundo ba sakanila jacob?" Tanong ko.
"May lima akong inutosan sue na sundoin sila at may iba pa akong inutosan na mag-manman sa paligid" Sagot nito sakin medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit papano ay safe silang makakarating dito.
Sana nga ligtas silang makarating sana walang mga kalaban sa daan sana tahimik ang kasalanang mangyayari.
Umayos ang lahat ng lumiwanag na ang venue.
Ibig sabihin andito na sya walang nangyaring masama sakanila.
Ligtas silang nakarating dito napaayus ako ng tayo inayos ko ang suot kong neck tie.
Nag umpisa na ding umingay ang lahat na kanina lang ay tahimik.
Napatingin ako sa pintuan dahil hindi pa siya lumalabas bumalik yong kaba ko kanina.
Nakita kong bumaba si mavi at kiva parang nag tatalo pa silang dalawa kahit kailan talaga tong dalawang to.
"Sue nakahanda na ang lahat nasa paligid sila vezeria" Seryosong sabi niya.
"Wag niyong hahayaan makapasok sila dito!" Madiin kong utos.
Hindi sa ngayon vezeria wag mo akong subukan.
—-----------