*JEON SUE's POV*
--
Nakatingin lang ako sa malayo habang nakatayo dito sa may terrace ng silid ko wala parin akong balita kay kys mukhang nag tago na ito at wala ng balak magpakita pa pero kahit na ganun hindi parin ako titigil sa pagpa pahanap sa kanya.
Babalik ka rin sakin kys oras na kailangan muna ang dugo ko humigpit ang hawak kong bote ng beer dahil kahit anong gawin ko mas nangingibabaw pa rin ang pag aalala ko sa kanya ganun kona ba sya kamahal at importante sakin bakit ganito ang ginawa nya sakin!.
Napatigil ako sa pagmumuni ng may yumakap sakin mulat sa likuran ko walang iba kundi si rosemary hilikan nya ang likod kong hubad wala kameng saplot kahit isa dahil halos katatapos lang naming mag talik.
"Napaka lalim ng iniisip mo mahal ko" Malambing nitong sabi sakin hindi ako sumagot nanatili lang akong tahimik.
"Iniisip mo parin ba ang babaeng yon hayaan mo ako mismo ang hahanap sa kanya para sayo" Mahinahon niyang sabi sakin tumingin ako sa kanya ngumiti siya sakin.
"Hindi ako papayag baka kong ano pang mangyari sayo hayaan mo silang mag hanap kay kys" Sagot ko sakanya kumalas sya sa pagkakayakap sakin at kinuha ang beer na iniinom ko at ininum niya ito.
"Hanggang ngayon wala paring balita hindi kaya tinatago nila sayo si kys?" Seryoso nyang sabi habang nakatingin sa malayo nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Posibleng gawin nila yon mahal ko dahil kita ko kung paano ang reaction nila noong unang nakita nila ako hindi ka ba nagtataka halos dalawang buwan na pero wala pa rin silang sinabi kong nasaan ito" Dagdag nito ngumiti sya sakin at ngumiti.
"Hindi sa pinag overthink kita pero ganun ang nakikita ko parang may tinatago sila sayo" Pag kasabi niya iyon ay lumakad na ito papunta sa banyo naiwan akong iniisip ang sinabi nya hindi kaya tama sya.
Malapit si kys sa kanila hindi kaya tinatago nila ito sakin? Pero sinabi ko na sa kanila ang dahilan bakit kailangan pa nilang itago si kys.
Napakuyom ako ng palad ko oras na malaman kung gina gago nila ako may paglalagyan talaga sila huwag nila akong kinakalaban dahil ayoko sa lahat trina traydor nila ako.
Isinuot kona yong damit ko napatingin ako kay rosemary ng lumabas ito ng banyo.
"Tara sa tambayan kailangan kong makausap sila ford" Aya ko sa kanya tumango naman sya at kumapit sa braso ko lumabas na kame ng silid ko.
Habang pababa kame ng hagdan ay may humintong sasakyan sa labas ng bahay ko sumingkit yung mata ko ng makilala ko kung ka nong sasakyan yon walang iba kundi ang spoiled brat kong pinsan na si mavi.
Pagkababa namin ng hagdan ay sakto naman ang pagpasok nya ngumiti ito samin napatingin ako sa hawak nya lalong sumingkit ang mata ko ng makita kung malaking maleta.
"What are you doing here?" Malamig kong tanong sa kanya napa taas naman sya ng kilay.
"Dito na ako titira dahil pinalayas na ako mom sa bahay!" Mataray nyang sagot sakin.
"What?!" Inis kong sabi sa kanya inirapan niya naman ako.
"Dahil sayo kaya ako napalayas kaya dito ako titira total lagi naman ako wala sa bahay dahil sa paghahanap namin kay kys sabi ni mom dito nalang daw sa ayaw at sa gusto mo kapag hindi mo daw ako pina tira dito malilintikan ka sa kanya oras na may nangyari sakin" Mataray niyang paliwanag nya sakin napa hilot ako ng sentido ko dahil sakit sa ulo tong babaeng to lalo na nag kakainitan pa sila ni rosemary.
"Why? Ayaw mo bang dito ako sasabihin ko kay mom" Sabi nya sakin akmang kukunin nya na yong cellphone nya ng pigilan ko.
"Fine dito kana tumira but make sure na hindi ka gagawa ng sakit sa ulo papalayasin talaga kita" Pagbabanta ko sakanya ni hindi manlang ito nasindak sakin kundi ngumisi pa talaga sya.
"Kong walang babang sakon tahimik ako pero kapag meron hindi ko masasabing tahimik lang ako hindi ba rosemary nice to see you again mukhang gumaganda ka ngayon" Bati nya kay rosemary habang nakataas ang kilay pero ngiting-ngiti.
Ngumiti lang din si rosemary sa kanya.
"Nakalimutan ko may kasama pala ako bagong katulong ko ayoko namang nakikitira na nga lang ako mag uutos pa ako sa mga kasambahay mo" Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya.
"Rosalva bilisan mong hilain yang mga gamit ko!" Mataray nyang sigaw pero what rosalva. Napatingin ako sa pintuan ng may babaeng galit akong tumingin kay mavi.
"What the hell mavi bakit nandito yan?!" Galit kong sita sa kanya.
"She's my maid sue! Bakit hindi kapa ba naka move on sa ex mo gosh may rosemary kana!" Sagot nito sakin inirapan nanaman ako bakit napaka hilig nyang mang irap.
Tsaka nahihibang naba sya alam nyang patay na patah pa sakin tong babaeng to tapus sya pa yong nakuha nyang katulong!.
"Hi sue nice to meet you sya na ba ang bago mo nasaan na si kys ang bilis mo naman atang nagpalit" Nakangiti nyang sabi napatingin ako kay rosemary hindi maipinta ang mukha nya at nagugulohan din sa nangyayari.
"It's none of your business rosalva oras na may ginawa kang hindi ko nagustuhan papalayasin ko kayo ng amo mo!" Pagkasabi ko yon ay hinila kona si rosemary palabas ng bahay ko pumagilid naman silang dalawa.
"Saan ka pupunta sa tambayan? Wala kang maabotan don dahil nag hahanap parin sila" Seryosong sabi ni mavi sakin napa tingin ako sa kanya.
"Sabihan mo silang pumunta don at mag uusap tayo!" Malamig kung sagot sa kanya.
"Nagpapa hanap-hanap ka tapos istorbohin mo rin lang naman" Pagrereklamo nya habang pumipindot sa cellphone nya gagawin nya din naman yong inuutos ko pero nagrereklamo parin sya!.
"Bibigyan ko kayo ng araw kapag hindi nyo pa nahanap si kys malilintikan na kayo sakin! Hanggang ngayon wala pa rin kayong updated!" Galit kong sabi sakanya rinig kong napabuntong hininga naman sya.
"Pwede naman ikaw ang maghanap kong magmamadali ka! Hindi yon inuutos mopa samin!" Sagot nya sakin tinignan ko naman sya ng masama.
"Totoo naman kase mavi hanggang ngayon wala pa rin kayong updated baka naman tinatago nyo siya" Mahinahong sabi ni rosemary napatingin naman si mavi sa kanya tinaasan inya ito ng kilay.
"Bakit ka nakiki sabat? Bakit namin itatago si kys kung sya mismo ang papatay satin sana lang talaga hindi namin mahanap para ikaw ang una niyang papatayin" Malamig nitong sagot kita ko ang galit sa mga mata nito.
"Stop it! Tara na sa tambayan!" Aya ko sa kanilang dalawa.
"Nasa tambayan sila may good news sila sayo! Rosalva ayusin muna mga gamit ko sa magiging silid ko tanungin mo kay jacob babalik ako mamaya!" Bilin nito kay rosalva bago nawala sumunod naman kame ni rosemary.
Pagkarating namin sa tambayan ay nadatnan namin silang nakaupo sa sofa at seryoso ang mukha nila.
"May ibanalita naba kayo sakin? Siguro naman nahanap nyo na si kys dalawang buwan na ang nakakalipas pero wala parin kayong updated sakin" Seryoso kong sabi sa kanila walang umimik sa kanila uminit naman ang ulo ko wala parin ba silang alam kong nasan si kys.
"Wag nyong sabihin na wala parin kayong alam! Mahaba ba ang dalawang buwan para sa paghahanap nyo!" Galit kong sigaw sa kanila nanatili pa rin sila ng tahimik.
"Oh baka naman tinatago nyo sya sakin kaya hindi nyo masabi kung nasaan siya kaya ang tagal nyo sya hanapin!" Muling sigaw ko sa kanila matalim na tumingin sa akin si mavi at ayame.
"Yan ba ang sinasabi ng babaeng yan sayo?" Galit na tanong ni mavi sakin tsaka tumingin kay rosemary.
"Alam mo bakit hindi kami nagsasalita dahil ang sakit samin na mawala si kys!" Umiiyak ng sabi ni ayame niyakap naman sya ni kiva.
"Kaya tinatago nyo sya sakin! Ano to ginagago nyo ako mga bwisit kayo!" Halos pumutok na ang ugat ko sa leeg dahil sa pagkaka sigaw ko sa kanila.
"Hindi namin tinatago si kys sayo sue nahanap na namin sya sana maging masaya ka ayaw namin na magsalita dahil wala namang kwenta ang sasabihin namin sayo dahil mukhang buo na ang desisyon mo" Seryosong sabi ni ford tsaka ito tumayo sa pag kamaupo.
"Nasan sya kong nahanap nyo na?!" Malamig kong sagot.
"Isaksak mo to sa kukuti mo sue oras na pinatay muna si kys wala ka ng maasahan samin!" Pagbabanta sakin ni mavi tsaka sya tumingin kay rosemarry ng masama.
"Ngayon mo sabihing tinatago namin sya wag mo akong umpisahan babaeng ka!" Malamig nitong sabi bago tumayo sa pag kakaupo sinundan ko sya ng tingin nagtungo ito s silid nilang mga babae binuksan niya ang pintuan.
"Lumabas kana dyan kys mukhang sabik ka ng patayin ng asawa mong walang kwenta!" Sigaw niya nakatingin lang ako don nana tiling nakatayo si mavi sa may pintuan.
Mamaya maya pa ay nakita kona syang nakatayo don umiiyak itong nakatingin sakin ang laki na ng pinayat nya.
"Sue" Mahinang tawag nya sakin kasabay ng paghagulgol nya napaiwas ako ng tingin dahil sa nakikita ko napaiyak nadin sila si mavi ay sinuntok ang pader tsaka nakayuko na.
"Totoo ba? Papatayin mo ako?" Tanong nya sakin "Bakit? Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sakin yung sinaktan mo ako lumayo na ako hindi ba? Gusto ko ng tahimik na buhay at mas lalong gusto ko pang mabuhay gusto kong maranasan maging ina lalayo ako ang sarili ko sayo titiyakin kong hindi na ulit mag crocross ang landas natin hayaan mo lang kame mabuhay ng anak mo parang awa muna" Pagmamakaawa nya sakin napayuko hindi kona din mapigilan ang luha ko hinawakan ni rosemarry yung kamay ko humigpit ang hawak ko sa kamay nya.
"S-siya naba? Masaya ako dahil nahanap muna ang totoong nasa propesya" Napatingin ako sakanya ng sabihin nya yon nakatingin siya kay rosemary "Sana mahalin mo sya ng totoo ang mas higit pa sa pagmamahal ko sa kanya lagi mo din syang dalhan ng lunch sa office niya paborito nya ang adobo yong hindi masabaw lagi kang mag dala ng extra rice k-------" Hindi kona sya pinatapus pa nag salita na ako ayoko ng marinig pa lahat ng sasabihin nya.
"Tama na!! Hindi kona paborito yang adobo nayan! Tumahimik kana ayuko ng marinig yan boses mo! Buo na ang desisyon kong patayin ka hindi na mababago yon kahit anong sabihin mo dahil kong hindi ko gagawin yon ako ang mawawala!" Sigaw ko sa kanya lalo siyang naiyak lumakad siya palapit sakin.
Nakatayo na sya sa harapan ko ngayon hahawakan nya na sana ako pero agad syang pinigilan ni rosemarry tumilapon sya.
"Kys!" Tawag nila sa kanya nila pitan nila ito.
"Walangya ka!" Sigaw ni mavi at ayame kay rosemarry pula na ang mata nila at galit na galit na nakatingin samin nanatili lang akong tahimik habang nasa harapan ko si rosemary.
"Yong baby ni kys" Umiiyak na sabi ni kiva napa tingin ako sa kanya may dugong umaagos sa binti nya.
"Ang anak ko ang anak ko" Umiiyak na sigaw nya habang nakahawak sa tiyan niya "Hindi maari wag kumapit ka wag mong iiwan si mama please ikaw nalang ang meron ako hindi ko kayang pati ikaw mawala sakin" Lalong lumakas ang iyak nya.
"Kys magpakatatag ka" Halos pabulong na sabi ni mavi kita ko ang pag kuyom ng palad nya nagulat ako nag biglang tumilapon si rosemarry at nasa harapan kona sya tumingin sya sakin ng masama.
"Wala kang kwenta!" Malamig niyang sabi at lumapit ulit siya kay rosemary na babangon palang sinipa nya ito agad akong lumapit sakanya at hinila sya sabay hagis nilapitan ko agad si rosemarry.
"AAHH!!" Sigaw ni kys kasabay ng mga pag basag ng mga bintana at ilaw napatingin ako saknya pulang pula yong mata nya habang nakatingin samin para itong kidlat kong kumilos lumapit ito kay mavi inalalayan nya ito patayo at isinandal sa pader.
Nilagay ko sa likuran ko si rosemarry ng tumingin siya samin puro dugo na yong binti nya wala na itong pakialam pa.
"Pinatay mo ang anak ko pinatay mo ang kaisa-isang meron ako ang mahalaga sakin!" Malamig nitong sabi samin habang naglalakad palapit kong saan kame nakatayo.
"Kys wag!" Pigil sa kanya ni mavi habang patayo na pero wala itong narinig.
"Gusto mo akong patayin hindi ba? Wala na kameng silbi sayo ng anak mo sariling dugo mo pero mas gugustuhin mo pang patayin sya hindi mo man lang binigyan ng pagkakataong mabuhay sa mundong ito ipinagkait mo yon sa sariling anak mo" Umiiyak niyang sabi sakin nakatingin lang ako sa kanya napa tingin ako sa inilabas nya sa may bulsa nya.
Ang makapangyarihan na balisong hugis ispada ito pero maliit lang oras na isinaksak mo ito sa puso ng kahit sinong immortal ay mamatay.
Nang makalapit sya sakin ay kinuha nya yong kamay ko at binigay sakin ang balisong paano napunta sa kanya to?.
"Kys wag" Pigil nila sa kanya napatingin siya kila ayame ngumiti ito sa kanila.
"Maraming salamat sa inyo hindi ko kayo makakalimutan masaya akong naging parti ng buhay ko" Pagkasabi nya yon ay tumingin sya sakin ngumiti ito yong ngiti niyang ngayon ko lang ulit nakita.
"Magiingat ka palagi mahal kong sue masaya ak---Acckk" Nanlaki ang mata ko kasabay ng pag agos ng luha ko napatingin ako sa kamay kong hawak hawak ni rosemarry kong saan nakasaksak sa dibdib ni kys ang maliit na balisong.
"KYS!!" Sigaw nila muli siyang tumingin sa kanila at ngumiti kita ko ang mga luhang nag uunahan na lumabas sa mga mata nya nakatingin na ulit sya sakin hinaplos nya yong mukha ko nakatulala lang akong nakatingin sa kanya hindi ko magawang mag salita nanatiling nakaawang ang labi ko.
Unti unti na siyang naglalaho nasusunog na ang katawan nito.
"Paalam"