XXIII

2639 Words
*MAVI's POV* Tahimik lang kameng tatlo nila kiva habang hinihintay ang iba naming kaibigan nandito kami ngayon sa bahay ni ayame seryoso lang akong nakaupo dito sa sofa simula nung nalaman ko ang plano ni rosemarry at rollin ay hindi na ako masyadong nakakatulog hindi ako matahimik hindi rin ako makapag isip ng magandang plano kaya kailangan ko ng sabihin ito sa kanila. "Ayos ka lang ba mavi parang ang laki ng problema mo?" Tanong sakin ni kiva ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang dalawa sakin tumango naman ako. "Sinungaling kanina kapa namin tinatawag pero hindi ka sumasagot" Sigaw naman sakin ni ayame inirapan ko naman siya. "Sabihin mo may gusto ka na ulit na lalaki no umamin ka" Panunukso sakin ni kiva tinignan ko naman siya ng masama. "Pwede ba tigil-tigilan niyo akong dalawa mamaya ko na sasabihin kapag nandito na ang lahat" Mataray kona sabi sa kanilang dalawa tumawa naman sila napailing na lang ako ewan ko na lang mamaya kong makakatawa pa kayo. "Wag mong sabihing mavi buntis kana din? Aba inunahan muna kame ni kiva" Napahilot ako ng sentido ko dahil sa sinabi na nag iisip na ang babaeng to lalong sumasakit ang ulo dahil sakanila. "Hindi tungkol sa akin to okay tungkol ito kay kys" Seryoso kong sabi sa kanila nawala naman ang ngiti nila sa labi naging seryoso na din silang dalawa. "Bakit may problema ba?" Nag aalala na tanong ni kiva. "May nangyaring masama ba sa kanya?" Naiiyak namang tanong ni ayame. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay ni ayame kaya napatingin kame don sila ford buti pumunta ang bugok nato!. "Anong meron mavi at nag patawag ka?" Tanong ni steven sakin bago umupo sa sofa ganun din ang iba naupo na din sa mahabang sofa. "May dapat kayong malaman tungkol ito kay kys at kay sue pati narin kay zarahi" Seryosong sabi ko sa kanila nagkatinginan naman silang lahat. Huminga na muna ako ng malalim bago ulit ako nag salita nanatili naman silang tahimik lang habang nakatingin sakin hinihintay ang sasabihin ko. "Nakita ko si rosemarry noong nakaraang gabi kausap ang kapatid ni filtiarn na si rollin narinig ko ang usapan nilang dalawa hindi lang yon may relasyon silang dalawa at ang masaklap ay buntis si rosemarry kay rollin at ipapaako niya ito kay sue at may pinaplano silang dalawa kailangan makuha ni rosemarry ang trono kay sue at si rollin naman ay ang trono ni filtiarn sinabi na din ni rollin na nahanap ang anak ng kapatid niya pero hindi niya sinabi kay rosemarry kong sino ito at ang balak nya ay patayin si kys tulad ng pag patay nya sa ina nito" Naluluha ako habang nag kwekwento sakanila kita ko naman ang mga reaction nila hindi maipinta ang mga mukha nila. "About zarahi hindi ko nakayanan to pinatay na siya ni rollin wala na si zarahi lahat ng magiging hadlang sa plano nilang dalawa ay pina patay nila at isa na ako don gusto din akong patayin ni rosemarry pati narin si rosalva bago pa mahuli ang lahat gawin natin ang pwede nating magawa protektahan natin si kys malakas ang kutob kong si kys ang nasa propesiya ginulo lang ito ni rosemarry para sa kagustuhan nya" This time hindi kuna mapigilan ang luha ko kahit anong pilit kong pigil ay hindi ko na kaya natatakot ako sa mga pwedeng mangyari hindi lang sakin pati sa mga kasamahan ko. "Saan mo sila nakitang nag usap mavi?" Seryosong tanong sakon no max. "Sa likod ng bahay ni sue sa mga puno doon sila nag usap hindi ko alam kong doon sila nagkikita ni rollin" Sagot ko sa kanya habang pinapakalma ang sarili ko. "Kailangan nating malaman ang bawat kilos ng rosemarry na yan kame ng bahala sa kanya kung kailangan tumira kame sa gubat na yon gagawin namin" Seryoso namang sabi ni ford habang naka kuyom ang palad nito. "How about kys kailangan nyang malaman to pati narin ang pagkawala ni zarahi" Nag aalala na sabi ni kiva. "Kailangan natin siyang makausap para kahit papano alam niya ang mga nangyayari alam nating may mga mag tatangol sa kanya doon pero kailangan nya padin malaman to lalo na buntis siya" Malamig namang sabi ni sunny habang seryoso ang mukha nya. "Ayame kiva kailangan nyong tumira ulit—--" Hindi kuna pinatapus si kiko sa sasabihin nya. "Hindi pwede mahahalata tayo ayos lang ako kaya ko ang sarili ko don oras na may ginawa syang masama sakin mapapasama siya kay sue kaya malabong galawin nya ako" Seryosong sabi ko sa kanya. "Kayo ang dapat mag ingat sa pag mamanman sa kanya wag din kayong mag papakita kay sue at gusto din sabihin sa inyo na malapit ng ikasal ito wag kayong pumunta dahil balak nila rollin na sumugod kasama ang ibang bampirang kasamahan nila" Dagdag kong sabi sakanila. "Bakit hindi na lang natin sabihin kay sue ang tungkol dito?" Suggestion ni Kiko binatukan naman sya ni sunny. "Nag iisip ka ba? Hanggat wala tayong nagpapakita na katibayan kay sue hindi yon maniniwala satin" Seryong sabi nito. "Basta ang plano palang natin ay ang bantayan bawat kilos nila" Malamig kung sabi sa kanila "At kailangan nating makausap si kys gumawa kayo ng paraan para makapasok tayo saka nila" Tumango tango naman sila. "Kame ng bahala na gumawa ng paraan susubukan kong sumulat ipapahatid ko sa alaga kong ibon" Sabi ni kiva samin. "Okay ganun na lang ang plano natin dito na lang tayo mag kita kita kapag may balita kami sa inyo" Sabi ni ford nag si tayuan na silang lahat tumango na lang kaming tatlo mukha ng mga busy na mga bugok na to hindi na sila tulad ng dati na mas gustong nag sstay lang kong nasan sila. "Mauna na kame" Paalam nila tumango naman kame nakatingin lang kami sa kanila habang papalabas ng bahay ni ayame hangang sa nawala na sila. "Kailangan ko na din umalis kailangan kong mag stay sa bahay ni sue para malaman kung anong balak niya sa kasal nilang dalawa" Hindi ko na sila hinintay na magsalita pa agad na akong nawala sa harapan nila. ___________ *JEON SUE's POV* ____ Nakatingin lang ako kay mavi na makapasok dito sa bahay saan naman galing tong babaeng to napatingin siya sakin pero hindi niya ako pinansin tahimik lang siya habang naglalakad na ipinag tataka ko. Umupo siya sa kabilang sofa kinuha nya sa silong yong binabasa niyang magazine. "Bakit para kang binagsakan ng langit at lupa nabasted ka ba ulit ng lalaking gusto mo?" Tanong ko sa kanya napatingin naman siya sakin ng masama. "Mind your own business sue! Imbis na yong mapapangasawa mo ang pinakikialaman mo hindi yong ako" Malamig niyang sagot sa akin sabay balik ang tingin sa binabasa nya. "Bakit ba napakainit ng ulo mo kay rosemarry?" Tanong ko sa kanya tumawa naman siya ng mahina speaking off nasan ba yung babaeng yon. "Marami akong dahilan kaya wag mo akong pilitin na sabihin kong ano yon at baka hindi mo makayanan!" Sagot nya sakin pero ang seryoso ng mukha niya. "Mavi gusto kong ikaw ang mag ayos sa kanya sa araw ng kasal namin" Paki usap ko sakanya tinaasan nya naman ako ng kilay. "Busy ako may mga ginagawa ako maghanap ka nalang ng mag aayos sa kanya ayoko sa makakating babae" Mataray niyang sagot sakin. "What wala ka sa araw ng kasal ko how about tita?" Tanong ko sa kanya. "Hindi din sya pupunta kase ayaw nya sa mapapangasawa mo tama na daw ang isang beses siyang pumunta sa kasal mo" Seryoso paring sagot niya sakin magsasalita na sana ako ng marinig ko ang tawa ni rosemarry mula sa pintuan kasama nya ang isang kasambahay na may dala dala silang paper bag. "Hi mahal" Masiglang bati nya sakin ngumiti naman ako sa kanya. "Bumili ako ng mga damit natin at bumili na din ako ng isusuot mo sa araw ng kasal natin" Masaya nyang sabi sakin lumakad sya palapit sakin inilapag nya sa lamesa yong mga paper bag at tumabi sakin sa pag ka kaupo. "May naririnig ba kayong ingay kagabi ng mga pusa sa ibubong natin? Kapag ganun daw may buntis dito" Seryosong sabi ni mavi kaya na patingin ako sa kanya madilim ang aura nito nakatingin parin sya sa binabasa nya. "Saan mo naman narinig ang sabi-sabi na yan?" Tanong ko sa kanya. "Narinig ko lang kanina doon sa pinuntahan ko may nag uusap kaseng dalawang matanda" Sagot nya sabay tingin kay rosemarry. "May buntis ba sa mga katulong natin?" Muling tanong nya sakin nag kibit balikat naman ako. "Mahal nasabihan muna ba ang mga kaibigan mo about sa kasal?" Tanong ni rosemarry sakin sa sagot na sana ako ng biglang sumabat si mavi. "Wag kang mag alala rosemarry dahil pupunta kami sa kasal nyo ni sue hindi kami pwedeng mawala" Sabi nya sabay ngiti napakunot naman ako ng noo sinabi nya kanina na busy siya pero bakit bigla agad nagbago ang isip nya. "Talaga so payag kang aayusan mo ako?" Masayang tanong ni rosemarry napa taas naman siya ng kilay. "Hindi ako pwedeng mag ayos sayo dahil busy ako hahabol lang ako sa kasal nyong dalawa pero may uutosan ako para ayusan ka don't worry mas magaling sakin yon" Paliwanag nito napatango naman si rosemarry hinawakan ko ang kamay nya dahilan para mapatingin siya sakin. "Kailangan mong pag handaan ng kasal natin tsaka kailangan mo ulit mag sukat ng gown mukhang tumataba kana" Sabi ko sa kanya natawa naman sya. "Ang sarap kasi ng mga niluluto nilang pagkain kaya mapapadami lagi ang kain ko" Sagot nya sakin tsaka muling natawa naubo naman si mavi kaya napatingin kame sa kanya. "Sorry masama lang ang pakiramdam ko" Sabi nito sabay sarado ng binabasa nya at inilapag na sa lamesa. Tumayo na siya sa pagkakaupo at naglakad paakyat sa hagdan. "Sue may dapat tayong pag usapan" Seryosong sabi ni jacob habang papalapit samin. "Mauna kana sa taas ihanda muna din yang sarili mo susunod ako" Sabi ko sa kanya hinampas niya naman ako sa braso tumayo na ako sa at naglakad papunta sa office ko dito sa bahay na kasunod lang sa akin si jacob. "Anong pag uusapan natin jacob?" Tanong ko sa kanya pag kasarado niya ng pintuan nakatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. "Nahanap na ni filtiarn ang kanyang anak na si rudina" Seryoso niyang sabi sakin "Parang wala siyang balak ipaalam satin mukhang nakalimutan na—" Hindi ko na siya pinatapus pa. "Nahuli na siya jacob nahanap kona si rosemarry at alam kung alam na ni filtiarn ang tungkol dito kaya naiintindihan ko kung bakit hindi nya na ipinaalam pa hayaan na natin silang mamuhay ng tahimik ayuko na din ng gulo ang pag tuonan mo ngayon ng pansin ay ang kasal namin ni rosemarry" Seryoso kong sabi sa kanya. "Pero sue may dapat ka pang malaman marami pa akong nalaman" Seryosong sabi nito sakin. "Tsaka muna sabihin sakin yan jacob kapag tapos na ang kasal namin ayoko na muna ng problema ngayon" Malamig kong sagot sa kanya napayuko naman siya. "Sige aayusin ko na ang kasal niyong dalawa" Pag kasabi niya iyon ay lumabas na sya ng office ko bago niya tuloyang isara yong pintuan ay umiling iling muna ito kunot noo naman akong nakatingin sa kanya. Napatingin ako sa picture frame na nasa lamesa ko picture namin ni kys noong ikinasal kaming dalawa lihim na kuha lang ito ni jacob at ito ang regalo niya sakin. "Nasan kana ngayon alam kong tahimik at wala ka ng problema ngayon patawarin mo ako sa mga naging kasalanan ko sayo sa inyo ng anak natin kung sakali mang mag kita ulit tayo sana hindi na sa ganitong sitwasyon sana sa bagong buhay natin ikaw at ako na ang nararapat para sa isat-isa masaya ako dahil naging parti ka ng buhay binago mo ang tunay na ako patawarin mo ako kys patawad" Mahinang sabi ko kasabay ng pag tulo ng luha ko hindi ko mapigilan. "Patawarin mo ako hindi ko ginusto to patawarin mo ako mahal ko" Muling sabi napa hagulgol na ako wala akong pakialam kahit mag mukha akong tanga dito pinipilit ko lang maging masigla sa harapan nila ayukong nakikita nilang pinagsisisihan ko ang ginawa ko sa kanya. "Bigyan mo ako ng sign kung itutuloy ko ba ang pagpapakasal sa kanya bigyan mo ako kys tulungan mo akong maging tagumpay para sa katahimikan naming lahat bigyan mo ako ng sign" Pagmamakaawa ko sa kanya habang nakatingin sa larawan naming dalawa. "Ano ang iniiyak-iyak mo dyan sue? Hindi ba gusto mong mamatay siya?" Malamig na tanong ni mavi mula sa pintuan ng office ko napa tingin ako sa kanya seryoso siyang nakatingin sakin habang nakasandal sa pader. "Anong ginawa mo dito hindi ka ba talaga marunong kumatok" Masungit kong sita sa kanya ngumisi lang siya sakin. "Bakit kung bibigyan ka ba ng sign ni kys hindi mo papakasalan si rosemarry?" Taas kilay nyang tanong sakin hindi ako sumagot. "Sana nga multohin ka nya at bangungutin ka yong hindi ka na magising deserved mo yon" Malamig niyang sabi ulit sakin. "Umayos ka na dyan kakain na tayo ang magiging asawa mo patay gutom talo pa buntis kong kumain" Pag ka sabi nya yon ay lumakad na sya paalis nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad palayo sa office ko. Paglabas ko ng office ko ay nakita kong nag uusap si mavi at jacob seryoso ang mukha nilang dalawa nang makita na nila akong palapit ay nag paalam na si mavi lumakad na siya papasok sa dining area. "May problema ba jacob?" Tanong ko sa kanya. "Si ms mavi na daw po ang magsasabi sayo" Sagot nya sakin bago nya ako talikoran kaya naglakad na din ako papasok sa dining nadatnan ko na silang kumakain ng tahimik. "Anong problema mavi?" Tanong ko sa kanya pag upo ko napatingin naman siya sakin. "Mamaya ko na sasabihin sayo kapag tayong dalawa lang" Malamig niyang sagot sa akin. "Sabihin muna kung ano yon nakita ko kayong seryosong nag uusap ni jacob" Inirapan nya lang ako tsaka sumubo ulit. "Gaano ba ka importante yan at ayaw mong sabihin sa–" Hindi niya ako pinatapus nag salita agad siya. "Hindi pa ba halata wala akong tiwala sa magiging asawa mo kaya hindi ko sasabihin hanggat nandito siya" Mataray nyang sagot sakin. "Okay lang mahal naiintindihan ko uubusin ko lang to aakyat na ako sa taas" Nakangiting sabi ni rosemarry sakin tumango naman ako. Tahimik na kaming kumain tangging tunog ng mga kubyertos na lang ang naririnig maya maya pa ay tumayo na si rosemarry. "Hihintayin nalang kita sa kwarto" Nakangiti niyang sabi tumango lang ako sa kanya lumakad na sya palabas ng dining. "Sue para sayo adobo" Alok sakin ni rosalva tsaka nya inilapag sa lamesa yong mangkok nyang dala tinignan ko naman ito naalala ko nanaman si kys. "Totoo bang isini walang bahala mo ang sinabi ni jacob na nahanap ni filtiarn ang anak nya hindi bat yon dapat ang papakasalan mo hindi ang babaeng yan?" Malamig nyang sabi sakin. "Wala akong pakialam kahit sino man sa kanila mavi ang importante sa akin ay ang magiging anak ko at magiging tagapag mana!" Ngumisi naman sya sa akin. "Ang laki mong tanga sue nabwi bwisit ako sayo ngayon" Malamig niyang sagot sa akin tumayo na ito sa pag ka kaupo tinignan niya muna ako ng masama bago tuluyang umalis. "Jacob kailangan kong makausap si filtiarn" Seryosong sabi ko. "Hindi muna nagpapasok si filtiarn sa kaharian nila dahil may masamang nangyari doon" Agad nyang sagot sa akin ano naman kayang nangyari. "Sige kapag wala ng problema sabihin mo gusto ko syang makausap" Tumango naman agad sya gusto kong maayus ulit ang ugnayan naming dalawa dahil kailangan naming pag samahin ang lahi nila at kameng mga bampira. Sana maayos ang mapagkasunduan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD