XXIV

2506 Words
*KYS EUNA POV* ________ Nakatingin lang ako sa mga sumalubong samin ni fenris nakangiti silang lahat samin habang naka luhod. "Maligayang pagdating Lady rudina" Salubong sa akin ng kasama ni papa noong araw na pinuntahan nila ako "Ako nga pala si Botolf ito naman ang kanang kamay ng iyong ama si rieka" Pakilala nya sa babaeng kasama nya tumingin ako tsaka ako ngumiti sa kanya sa mukha palang nya ay halatang malakas na ito. "Nagagalak akong makilala ka lady rudina matagal ka na naming hinihintay" Nakangiti niyang sabi. "Pasensya kana kong pinag hintay ko kayo ng matagal" Sagot ko sa kanya. "Tara na lady rudina kanina pa kayo hinihintay ng iyong ama at ang mga iba nating kasamahan" Tumungo nalang ako tsaka sumunod sa kanya. "Kys binabalaan kita wag kang mag tiwala sa isang kapatid ng iyong ama na si rollin" Seryosong sabi sakin ni fenris kunot noo naman akong na patingin sa kanya. "Bakit? kalaban ba sya?" Tanong ko sa kanya. "Minsan ng nagtaksil si rollin satin kaya kong ano man ang mga tinatanong nya sayo wag mong sasagutin hayaan mo sya" Bilin nya sakin napatango naman ako kong nagtaksil sya bakit nandito pa siya dapat hindi na siya karapat dapat dito. "Lalona't nandito kana gusto nyang siya ang pumalit saiyon ama pero ayaw ng mga kasamahan natin at nagpasya silang ipa hanap ka ulit" Dagdag niyang sabi sakin bago kame pumasok sa isang pintuan. Napatingin ako sa mga nakaupo marami din nakahadang pagkain mga prutas at kung ano ano pa. Tumayo ang aking ama at seryosong sinalubong kame ngumiti ako sa kanya pagkalapit nya sakin ay agad ko syang niyakap. "Mabuti at ligtas kayong nakauwi dito" Bulong nya sakin tumango tango naman ako. "Maari ko bang pabayaan ang anak nyo" Seryosong sabi ni fenris pagkakalas ng yakapan namin ay inakbayan ako ni papa at naglakad palapit sa mga nasa lamesa sumunod nadin si fenris samin at naupo. "Ito ang aking anak ang matagal ko ng hinahanap at sya na ang papalit sa aking pagdating ng araw" Seryosong balita nito sa mga kasamahan nya. "Hindi kapa nakakasiguro na siya ang anak mo filtiarn bakit sya ang ipapalit mo sayong pweto" Seryosong pagtutol ng isa sa mga kasamahan nya tinignan ko sya sa tingin ko sya yung sinasabi ni fenris sakin. "Sino ba dapat rollin ikaw? Wag na tayong mag lolokohan pa hindi mangmang si filtiarn para ibigay sayo ang trono nya" Natatawa naman sagot sa kanya ng isa pang lalaki so sya nga ang sinasabi ni fenris. "Sino ba dapat ranulfo ikaw? Mas maigi pang paslangin na kita ngayon" Malamig nitong pagbabanta nya sa lalaki kaninang nag ngangalan ng ranulfo. "Umiiral na naman yang katraydoran mo rollin" Sita naman sa kanya ni fenris. "Masyado kana talagang uhaw sa trono ko rollin baka nakakalimutan mo ako ang dahilan bakit ka pa nandito oras na ang anak ko na ang nakaupo hahayaan kona syang magdesisyon kong ano ang dapat gawin sayo" Pinakamalamig na sabi sa kanya ng aking ama kita ko ang paglunok nito ng sarili nyang laway tumingin sya sakin ng masam ngumiti lang ako sa kanya. "Nagagalak po akong makilala kayo ayuko po sa lahat ang traydor" Nakangiti kong sabi sakanila tsaka ako tumingin kay rollin ng seryoso. "Kumain na tayo mamaya na tayo mag usap" Sabi ni ranulfo. "Sasabihan ko ang mga pinsan mo mamaya para samahan kang mag libot libot dito" Nakangiti namang sabi ng katabi ni rollin. "Pwede ba akong mag tanong?" Nakangiti kong tanong sa kanila tumango naman sila maliban kay rollin. "Paanong naging traydor si rollin?" Tanong ko sa kanila dahilan para masamid sila na pataas na lang ako ng kilay. "Papaikliin ko nalang kys sya ang pumatay sa iyong ina noong araw na isinilang ka sinugod nila ang bahay kung saan ka ipinanganak kasama ang mga ibang bampira" Seryosong kwento sakin ni papa napatingin naman ako kay rollin isang tingin na nagbibigay babala sa kanya. "Una pa lang talaga gusto muna akong mawala para sa kagustuhan mo kung ikaw ang papaupoin ko ano naman ang maitutulong mo? Tuturuan mo ba ang iba kong paano makipag traydoran?" Matapang kong tanong sakanya hindi maipinta ang mukha nito samantalang ang iba ay tahimik lang habang hinihintay ang sagot nito. "Akala kung sino kang makapag salita hindi pa naman mapapatunayan na ikaw talaga ang anak ni filtiarn" Halatang galit na ito dahil s tono ng boses nya ngumisi ako sa kanya hindi dapat ako maging mahina sa harapan nya dapat maging matapang ako dahil ako nalang mag isa dito walang tutulong sa akin. "Gusto mo bang patunayan ko sayo?" Malamig kong tanong sa kanya. "Tama na yan hindi ito ang tamang oras para sa ganyang bagay nasa harapan tayo ng pagkain!" Sita samin ng aking ama hindi na muli syang sumagot pa tumingin lang sya sakin ng masama. Hindi kita titigilan ngayon pa at nalaman ko na ang totoo ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko naranasan ang magkaroon ng masayang pamilya ikaw ang sumira samin pwes unti-unti kita. Mahigpit ang hawak kong kutsara dahil sa galit na nararamdaman ko nagulat ako ng may humawak sa kamay ko si fenris agad kong inilayo ang kamay ko sa kanya. "Naawa ako sa hawak mong kutsara" Sabi nito sabay tingin sa hawak ko napatingin naman ako don baluktot na ito binitawan ko nalang. "Baka kong si rollin ang hinawakan mo nahati na sya" Natatawang sabi nya tsaka tumingin kay rollin na tahimik na kumakain. "Gusto ko ng magpahinga papa" Paalam ko sa kanya "Bukas nalang po ako maglilibot dito gusto ko rin makilala ang mga pinsan ko" Dagdag kong sabi sa kanila. "Rieka ihatid muna sya sa magiging silid nya" Utos nya dito sa babaeng nakilala ko kanina lumapit naman agad sya sakin tumayo na ako sa pagkakaupo bago ako lumakad palabas sa silid na to ay niyakap ko muna si papa alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam gusto ko lang siyang yakapin. "Sumunod ka sakin lady rudina" Magalang niyang sabi sakin. "Kys ang pangalan ko hindi rudina" Nakangiti kong pagkokoreksyon sa kanya. "Pasensya na" Pahingi nya sakin ng paumanhin. "Masyado ka namang pormal hindi ko sana ay pwede mo akong maging kaibigan total wala pa akong kaibigan dito" Sabi ko sa kanya. "Per----" "Wala ng pero pero simula ngayon kaibigan na kita at bawal mo akong tangihan" Nakangiti kong saad sakanya napangiti naman sya sakin. "Akala ko masungit kayo tulad ng pinsan nyong anak ni rollin" Sabi nito natawa naman ako habang naglalakad kame papunta sa magiging silid ko may mga nakasalubong pa kame ngumingiti nalang ako sa kanila. "Mas masungit ako sa masungit gusto ko syang makilala" Sabi ko sa kanya. "Bukas nandito sila dahil sinabihan sila na darating ka" Sagot nya sakin napatango naman ako. Huminto kame sa isang kulay puting pintuan binuksan nya ito. "Ito ang magiging silid mo" Napatingin naman ako sa loob napakalinis nito may malaking kama at hindi kalalakihang sofa malapit sa terrace at may dalawang upuan naman don at hindi kalalakihang lamesa. "Maraming salamat rieka magkita tayo bukas samahan mo ako sa paglilibot" Nakangiti kong sabi sa kanya. "Makakaasa ka la- kys magpahinga kana" Pagkasabi nya yon ay nag bow na sya sakin at lumakad na paalis isinarado kona ang pintuan ng silid ko siguro kung nakalock ito. Napatingin ako sa isang painting na nakasabit sa pader isang babaeng medyo may edad na din kamukhang kamukha ko ito lumapit ako palapit don hindi ko maiwasan hindi haplosin ito. "Mama?" Tawag ko sa kanya napangiti ako ng mapakla. "Kong hindi kay rollin buhay kapa sana hayaan mo mama ipaghihiganti kita gagawin ko ang lahat mapabaksak lang sya" Seryoso kong sabi sa kanya sabay punas ng luha kong nagbabalak lumabas. ________________ *MAVI POV* Nakatingin lang ako kay rosemary at sue na sweet na sweet sa isat isa habang nag susuboan ng ubas kanina pa ako nag titimpi ng galit dito dahil parang wala lang talaga sa kanya ang pagkawala ni kys ganun na ba ka walang kwenta si kys sa kanya. "Kayong dalawa pwede bang tigil tigilan nyo yang kalandian nyo!" Sita ko sa kanila na patingin naman sila sakin. "Ang luwag luwag ng upuan rosemary bakit kailangang kumando kapa sa kanya baka nakakalimutan nyong nasa harapan nyo ako" Masungit na sita ko sa kanya inirapan nya naman ako. "Pwede ba mavi hindi kame ang mag aadjust para sayo kung naghahanap ka na ng boyfriend mo hindi yon pati kame pinakikialaman mo!" Masungit namang sagot sakin ni sue tinignan ko naman sya ng masama. "Oh bakit pinakikialaman mo ako?" Tanong ko sa kanya tsaka inirapan dahil sa inis ko tumayo nalang ako sa sofa at nag lakad na paakyat ng hagdan. "Rosalva ihanda mo yong swimsuit ko mag swiswimming ako gusto kong mag relax dahil naaalala ko naman si kys!" Sigaw ko tsaka ako tumingin kay sue na nag nagdilim ang paningin hindi kita titigilan sue. "Kong hindi sana pakialamera yong isa syan edi sana kahit papano nadadalaw kopa sya!" Muling sigaw ko bago ako pumasok sa silid ko ngumisi nalang ako umupo ako sa kama ko habang hinihintay si rosalva na pumasok. Nang makapasok na sya sa silid ko ay tinaasan ko sya ng kilay. "Umpisahan muna ang paglalandi kay sue nakikita mo naman ang ginagawa ng rosemary na yon magpapatalo kaba?" Mataray kong tanong sa kanya. "Syempre hindi no alam ko ang kili ni sue don't worry akong bahala sa pag lalandi sa kanya" Nakangiti nyang sagot sakin inirapan ko naman sya. Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama ko nagtungo ako sa mga damitan ko kinuha ko yong swimsuit na diko pa nagagamit at ibinato sa kanya. "Isuot mo yan samahan mo akong mag swimming sa pool mamaya nandito na din sila ayame!" Tumango naman ito bago lumabas ng kwarto ko ako naman pumasok na sa banyo para mapalitan. Paglabas ko ay sakto naman tumutunog yung cellphone ko agad kong sinagot ito. "Bakit? Akala ko ba mag luluksa tayo bakit pina papunta mo kami dyan?" Bungad sa akin ni ayame ni hindi man lang nag hello bwisit nato! "Dito kayo mag drama parang damang dama alam mo bang ang sweet sweet nila ang sakit nila sa mata gusto kong hilain si rosemary kanina paalis sa kandungan ni sue!" Kwento ko sa kanya na may pagkainis tumawa naman ang gaga. "Sus mavi napakabitter mo talaga normal lang yon dahil soon to be wife na sya ni sue" Natatawa nya paring sabi napairap naman ako kahit hindi niya ako nakikita. "Bilisan nyo hihintayin ko kayo dito kapag hindi kayo pumunta ipapasunog ko yang bahay mo" Pag babanta ko sa kanya. "Napaka gaga mo talagang babae ka" Tumatawa nyang sagot sa akin dahil sa naririndi na ako sa tawa nya ay binabaan kona sya dinala ko na yung cellphone ko at lumabas na ng kwarto ko kinatok ko yong kwarto ni rosalva maya maya pa ay bumukas na ito. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa okay may panlaban nadin hindi na ko mag tataka bakit nagustohan sya dati ni bakulaw. "Kumuha ka ng inumin natin sa kusina hintayin kita sa pool" Sabi ko sa kanya sabay kindat ngumiti naman sya lumakad na ako sumunod naman sya sakin. "Bakulaw pinapunta ko sila ayame dito dahil mag iinuman kame wag ka ng umangal pa!" Sabi ko kay sue habang pababa ng hagdan napatingin naman sya samin sumingkit yong mata nya lihim akong napangisi. Kita kong napatingin sya kay rosalva at paglunok nito ng sariling laway bingo tumatawa ang isipan ko dahil sa nakikita ko. Pag baba namin ng hagdan ay lumakad na papunta sa kusina si rosalva bagay na bagay sa kanya ang one piece na binigay ko napatingin ako kay sue sinundan nya ito ng tingin jusko naman mukhang magiging matagumpay ang aking plano. Napatingin ako kay rosemary umimigting ang panga nito dahil sa pagpipigil ng galit mamatay ka sa galit rosemary ilabas muna yan sige ka. "Maraming namamatay sa pagtitimpi ng galit rosemary" Natatawa kong sabi sa kanya bago ako tuluyang nag tungo sa labas ng bahay ni sue kong saan yong swimming pool. Umupo na ako sa gilid ng pool habang ang paa ko nasa tubig tumingin ako sa malayo napa buntong hininga ako. Kamusta na kaya si kys maayus kaya sya don sana nga hindi naman siguro siya pababayaan ni filtiarn anak nya yon at si fenris tingin kung may gusto sya kay kys mga tingin palang nya mas okay don nalang sya kaysa kay sa bakulaw kong pinsan. "Anong atin mavi bakit nagpatawag ka na lang bigla?" Tanong sakin ni kiva habang may dala dalang beer kasama ni ayame at rosalva. "Rosalva nakalimutan kong kunin yong swimsuit sa kwarto ko kunin mo nga" Utos ko sa kanya tumango naman agad siya kumindat ako sa kanya. "Hoy ano yon magkaibigan na kayo?" Tanong ni ayame. "Gaga hindi inumpisahan kona yong alam nyo na alam nyo bang napapa sunod ng tingin si sue" Balita ko sa kanila tsaka ako tumawa ng malakas pero agad ding akong naging seryoso nasa stage pa kame ng pagluluksa thing ayoko na munang maging masaya ng tuluyan baka mahalata na. "Kamusta na kaya sya?" Tanong ni kiva habang nakatingin din sa malayo. "Ano ba kayo maayos na yon ngayon kung nasaan man siya" Sabi naman ni ayame na pilit pinapa sigla ang boses plastic kang babae ka. Binuksan ko yong beer at binigyan si kiva pati din si ayame para damang dama naman ang pagdradrama namin no. Napatingin ako sa pintuan ng wala pang bumabalik na rosalva napakunot na ako ng noo hindi kaya nalandi nya na si sue?. Lalong kumunot ang noo dahil nakita ko si jacob pawisan ito napatayo na ako sa pagkakaupo. "Ms mavi si rosemary at rosalva nag aaway hindi namin maawat!" Sabi nito agad akong tumakbo papasok sa loob sumunod naman sila ayame. "Walangya ka ang landi mong katulong ka nag suot kapa talaga ng ganyan!" Sigaw ni rosemary ng makapasok ako agad akong lumapit sa kanila. Hinila ko sa buhok si rosemary para mapag hiwalay sila syempre sya hihilain ko angalang si rosalva pambato ko yan!. "Ikaw rosemarry kong inggit ka pumikit ka hah!" Madiin kong sabi sakanya habang hawak hawak yong buhok nya. "Anong kaguluhan to?!" Malamig na tanong ni sue na pababa ng hagdan basa pa ang buhok nito mukhang iniligo na lang niya ang init sa katawan nya. "Mahal pinagtutulungan nila ako" Umiiyak na sumbong nya aba biglang umiyak tinulak ko naman sya dahilan para mapasobsob sya sa sahig. "Mavi!" Galit na tawag sakin ni sue tinaasan ko naman sya ng kilay. "Anong pinagtutulungan ina awat lang kita dahil sinugod mo si rosalva!" Inis kong sabi sa impakta nato. Tumingin sakin ng masama si sue bago nya inatayo yong impakta nyang babae. "Isang beses pa mavi mapa palayas na kita!" Pagbabanta nya sakin kita ko ang pagngisi ng impakta ngumisi lang din ako sakaya. "Don't me btch!" Madiin kong sabi sa kanya bago ko hinila si rosalva pabalik sa pool. Konti na lang lumalabas na ang kulay mo rosemarry natutuwa akong unti-unti ko nang na ilalabas ang kulay mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD