KABANATA 4.

2093 Words
Huminga ng malalim si Damien bago buksan ang pinto ng driver's seat. Kailangan niya ng mahabang pasensya. Sigurado siya na sa pagbubukas niya ng pinto, ang sigaw ni Shayne ang maririnig niya. Pahabain sana ng Diyos ang pasensya niya dahil baka masakal niya ito. Laking pagsisisi niya na siya pa ang sumundo rito. Hindi kasi siya makapaghintay na makita ito nang personal at mapatunayan na kamukha talaga ito ni Shaina. Kamukha nga ito ng ina nito, ngunit ang pag-uugali ay kabaliktaran ng ina. He closed his eyes, trying to relax. Pagod kasi talaga siya at inaantok na. Halos bente kwatro oras siyang walang tulog, at kapag magwawala ulit itong pusang gala, baka masakal niya ito ng wala sa oras. “Damien, may munting buhay na sa loob ng sinapupunan ko. Gusto ko, paglaki ng batang ito ay makilala mo at maging isa ka sa mga taga-gabay at magmamahal sa kanya.” Bigla ang pag-alingawngaw ng tinig na iyon ni Shaina sa kanyang pandinig. Naimulat niya tuloy ang kanyang paningin saka bumuntong-hininga ng malalim. Hanggang sa huling hininga ni Shaina, sa kanya nito hinabilin ang anak. Pilit na kinalma niya ang sarili. Ilang sandali lamang ay binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan. “Tulong! Tulungan niyo ako! Kinikidnap ako!” Ang malakas na sigaw na iyon ni Shayne ang agad na sumalubong sa kanya. Agad siyang pumasok sa loob ng sasakyan at muling ni-lock iyon. Mas lalong nagwala si Shayne. Pinaghahampas nito ng palad ang pinto at pinagsisipa iyon ng marahas at malakas. “Pakawalan mo ako, hayop ka! Pakawalan mo ako!” baling nito sa kanya. Pinaghahampas siya nito sa kanyang balikat kasabay ng pagtama ng paa nito sa kanyang binti. She boots him damn hard. “Shut the fvck up!” Hindi na niya napigilan ang sarili na sigawan ito pabalik, sabay hinawakan niya ito sa magkabilang pulso at marahas na isinandal sa backrest ng upuan. Itinaas niya ang mga kamay nito sa magkabilang gilid ng ulo nito at saka idiniin ang katawan rito. “Sinasagad mo ang pasensya ko, Shayne! Sobrang sinasagad mo ako!” mariin niyang wika habang nakatitig sa mukha nito. Ang liwanag sa loob ng sasakyan ay malamlam, kasing lamlam ng mga mata ni Shayne. Awang ang mga labi nito habang sinasalubong ang kanyang paningin. Sa sandaling magkalapat ang kanilang mga paningin, tila bola na tinangay ng malamlam na titig ni Shayne ang matinding frustrasyon na kanyang nararamdaman. Ang ingay mula sa pagwawala ni Shayne ay tuluyang nawala. Humalili ang ingay na nagmumula sa kanilang magkalapat na mga dibdib. Napakurap si Shayne. God knows, bawat kurap nito at paglapat ng mahabang pilikmata nito, pasara at pabukas, ay tila nag-e-slow motion iyon sa kanyang paningin. Hindi niya napigilan ang mga mata na baybayin ng paningin ang mukha nito. God, it was Shaina’s face he saw right now. Tila siya'y bumalik sa nakaraang dalawampung taon. Ang pamilyar na malakas na pintig ng puso niya ay muli niyang naramdaman. Only Shaina made his heart beat crazily this fast. Hanggang sa ang kanyang paningin ay napako sa mapula at manipis nitong mga labi. Bigla ay napalunok siya ng mariin. Her lips were undeniably luscious which made him want to ravish it. God. Hindi si Shaina ang babaeng nasa harapan niya. Anak ito ni Shaina. Kamukha lang ito ng babaeng unang minahal at nag-iisang babaeng minahal niya. Ngunit ang kakaibang hatak ni Shayne sa kanya ay hindi maikaila. Her redolent scent, her soft body, maging ang mainit na hininga nitong tumatama sa kanyang mukha ay kakaiba ang dulot sa kanyang sistema. Mabilis at tila napapaso na inilayo niya ang katawan mula kay Shayne. Ngunit sa sandaling binitawan niya ito ay bigla siya nitong hinablot sa kwelyo ng kanyang leather jacket saka hinila. “Ibaba mo a—” Suddenly the world felt like it stopped spinning for a moment. Sa bigla niyang paglingon ay lumapat ang labi niya sa malambot na labi ni Shayne. Magkalapat ang mga labi at kapwa napatanga at nanlaki ang mga mata na napatitig sa isa't-isa. Ang pintig ng kanyang puso ay umaabot sa kanyang pandinig. It was crazy, ngunit sa mga sandaling ito ay muli niyang naramdaman ang mabilis na pagpintig ng puso na minsan niya lamang naramdaman. Ang batang si Damien ay tila muling sumanib sa kanya, at ang mukha ng babaeng nasa harapan niya ay ang mukha ng babaeng minsan na kinababaliwan ng batang siya. Umangat ang kanyang kanan na braso at marahan na dumapo ang kanyang palad sa batok nito, kapagkuwan ay marahan na gumalaw ang kanyang labi. “Subukan mo, malilintikan ka talaga sa akin.” Ang tinig ni Shayne ang nagpatigil sa kanya. Mabilis pa sa kidlat na nailayo niya ang sarili mula rito. Natuliro na umiwas siya ng tingin kay Shayne at umayos ng upo sa driver’s seat. Nahilamos niya sa mukha ang kanan na palad kasabay ng piping mga mura. “Ibaba mo ako, hayop ka! Ibaba mo ako!” Hinampas siya nito sa balikat ng paulit-ulit. Ngunit sa halip na pansinin ang ginawa nito sa kanya ay mas pinili niyang buhayin ang makina ng sasakyan at mabilis na pinaharurot iyon paalis. Mabilis na mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan na halos paliparin niya iyon. “Mama!!!” Malakas na tili ni Shayne. Kumapit ang mga kamay nito sa handle na nasa itaas ng kanan na bahagi ng ulo nito. “tang*na mo, hinay-hinay naman, ayaw ko pang mamatay, Mama!!” Hindi niya alam kung maiinis pa ba o matatawa. Kung kanina ay mala-tigre ito sa pagwawala ngayon ay tila ito bata na humihingi ng saklolo sa magulang. Mabuti na lang at walang traffic at malalim na ang gabi, kung kaya malayang humarurot sa kahabaan ng highway ang sasakyan. Nag-preno lamang siya ng papasok na sa loob ng Villareal condominium compound ang sasakyan. Nilingon niya si Shayne. Putlang-putla ito at sunod-sunod ang paghinga habang ang isa na kamay ay nasa tapat ng dibdib. Kumudlit tuloy ang konsensya sa dibdib niya. Pagdating sa garahe ay agad na pinahinto niya ang sasakyan at pagkatapos ay pinatay niya ang makina saka binalingan si Shayne sa kanyang tabi. Nagulat pa siya ng makitang sa kanya ito nakatingin. Matinding takot ang mabanaag sa mukha nito. “P-parang awa mo na. P-pakawalan mo ako…” mahina nitong sambit. Fvck! She does really think that he will do something bad to her. Marahas siyang bumuga ng hangin saka kinuha sa dove compartment ang isang brown envelope. Naglalaman ang brown envelope ng lumang larawan niya at ni Shaina, nasa loob din ng envelope ang sulat ni Shaina para sa kanya bago ito sumakabilang buhay kung saan hinabilin ito sa kanya ng ina nito. Naiintindihan niya kung bakit ganito ang naging reaksyon ni Shayne. Natakot niya ito sa bigla niyang pagsulpot. Sino ba naman ang hindi matatakot? Isa siyang estranghero para rito. He just wanted to talk to her in private to explain to her everything and to introduce himself properly. Hindi proper na lugar ang club upang ipakilala niya ang sarili at ipaliwanag dito ang lahat. Besides, sobrang pagod siya. Pwede naman sana ipabukas ang lahat. May mga tao naman siya na pwedeng utusan para gawin ang mga bagay na ginawa niya ngayon. ‘Di naman kaya ay utusan na lang si Natalia. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili sa kagustuhan na makita si Shayne. Ngunit ang paghaharap nila ni Shayne ay kasabay ng muling pagbabalik ng mga alaala sa nakalipas. Mga alaala na gusto niya ng kalimutan ngunit hindi niya magawa. “Listen, Shayne.” Panimula niya. “Anong pakikinggan ko? Gusto mong pakinggan ko kung paano mo ako gustong gahasain? Kung paano mo gusto angkinin ang katawan ko hayop ka!” She starts to be hysterical again. Muli siya nitong pinaghahampas sa katawan, tinadyakan at pinagmumura. “Mamatay muna ako demonyo ka bago mo makuha ang pagkababa—” “Will you please stop and listen to me first!” Malakas niyang sigaw rito sabay hinuli ang magkabila nitong pulso. Fvck! Bugbog sarado na siya. Kababae nitong tao ang bigat-bigat ng kamay. Letse! Paano ba pinalaki ni Shaina itong anak nito? He really thinks na isang mabait, masunurin at mahinhin na katulad ni Shaina ang anak nito. But what the heck! Ganda lang ng ina ang nakuha nito. Everything else was simply the opposite of Shaina. Laking kalye ‘ata itong babaeng ‘to ‘e. Sarap busalan ng bibig at itali. Letse! “Do I look like a rapist to you? Sa tingin mo ikaw ang babaeng gusto at tipo kung ikama? Gusto kong malaman mo na ayaw kong makipagtalik sa isang pusakal.” “A-Anong— Anong sabi mo?” Shayne was stunned. Nanlaki ang mga mata nitong napatitig sa kanya. Banaag sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanya. Akma nitong ibuka ang mga labi upang sana magsalita. Ngunit bago pa man lumabas ang isang salita mula sa bibig nito ay kanya ng tinapon sa kandungan nito ang brown envelope. “Basahin mo. tigilan mo ang kakakuda mo. nakakarindi ka na.” Isang matalim na titig ang binigay sa kanya ni Shayne. Banaag ang galit sa mga mata nito. She is truly a wildcat. Isang pusakal na laging handa na manakmal. Isang magandang pusakal na gumugulo sa sistema niya. Isang magandang pusakal na pumakaw sa damdamin niya na gusto na niyang ibaon sa limot. Marahas na binuksan ni Shayne ang envelope. Napunit pa ang seal flap nito. Napailing na lang siya. Bawat galaw nito ay nakasunod ang kanyang paningin. Nakita pa niya ang pagtiim ng perpekto at maganda nitong mga bagang. “Bwisit, kailangan pa talaga akong dalhin sa kung saan para lang sa envelope. Hindi na lang binigay agad… tinakot pa ako.” pabulong na wika nito habang hinuhugot ang laman ng envelope. “Anong mga ‘to? Kayamanan ba? O baka naman utang ito—-” Hindi nito matuloy ang gustong sabihin. Naangat nito ang paningin at napatitig sa kanya. Nagtatanong ang mga titig nito na may halong pagdududa. Nag-over think na naman ang pusakal. “Hindi iyan listahan ng mga utang. Hanep talaga iyang utak mo napaka-advance mag-isip.” inis niyang sabi. “Tingnan mo na ang laman at basahin.” “Siguraduhin mo lang. Kung pagkakautang ito ng mga magulang ko sinasabi ko sayo ngayon pa lang. Wala akong ipambabayad sayo.” Isang larawan ang una nitong binuksan. Larawan iyon ng kanyang ina kasama ng mga batang nasa bahay ampunan. Kasama siya sa larawan na iyon. Nakatayo sila sa ilalim bg malaking puno ng acacia. Nasa likuran na linya siya at nasa gitna katabi si Shaina. “B-Bakit mo ‘to pinapakita sa akin? Nakita ko na ang picture na ‘to sa kumbento.” Mahina nitong tugon. Ngunit ang tinig ay biglang umiba ang ritmo. Garalgal ang tinig at ang mga mata ay paulit-ulit nitong naikurap. “The boy beside your mother was me twenty years ago.” Mahina niyang tugon. Ang kanyang paningin ay direkta na nakatitig sa mukha ni Shayne partikular sa mga mata nito. Mga mata na nagpapaalala sa kanya kay Shaina. And fvck! Shayne's eyes were damn beautiful even if it was misty. Tila iyon may kapangyarihan na humihigop sa kamalayan niya. Tumutunaw sa kahit anuman na hindi kaaya-ayang emosyon na bumabalot sa katauhan niya. He shouldn't feel this way. Hindi si Shaina ang nasa harapan niya. It was Shaina's daughter. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na anong emosyon para sa anak nito. Emosyon na katulad ng nararamdaman niya para sa ina nito. Hindi iyon tama. Naibaba niya tuloy ang mga mata at itinuon iyon sa larawan na hawak nito. Shayne's hand was a bit shaky. Alam niya na sa mga sandaling ito ay muling sumariwa ang sakit na nararamdaman nito dahil sa pagkawala ng ina nito. “Pwede ba diretsahin mo ako. Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin.” May himig na inis na naman sa tinig nito. Kaya bago muling mabuhay ang pusakal sa katauhan nito ay sinunod na niya ang gusto nito. “I am Damien, your mother's best friend. I am here to tell you—” “Huwag mo sabihin sa akin na ikaw ang tatay ko!” Sansala nito sa nanlalaki na mga mata. She looked horrified by the idea that suddenly popped into her mind. “What?” hindi siya makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig nito. Tangina talaga ang pag-iisip ng babaeng ‘to. “Do I look like a father figure to you? Sa mukha kong ‘to?” Hindi makapaniwala niyang sambit sabay turo sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD