“Nanayo mga balahibo ko. Nakakatakot iyang malaking batuta mo!”
Ang tinig ni Shayne ay umaalingawngaw sa pandinig ni Damien. Hindi niya napigilan ang mapangiti, habang sinusuot ang kanyang khaki shorts.
He was smiling ear to ear habang inaalala ang reaksyon ni Shayne kanina nang makita ang umbok niyang simbolo. Walang duda, virgin pa nga ito. Despite working in the nightclub as a strip dancer, napanatili pa rin ni Shayne na buo ang pagkababaé nito.
“What the hell. What the hell-in mo pagmumukha mo! Hindi porke't gwapo ka, sobrang bango at berde iyang mga mata mo ay bibigay na ako sa'yo. Hinding-hindi ko ibibigay sayo ang pagkabirhen ko, gago!”
Hindi niya napigilan ang sarili na magpakawala ng mahinang tawa na sinabayan niya ng pag-iling. Kapagkuwan ay nagpakawala siya ng isang marahas na pagbuga ng hangin.
Para na siyang sira.
Naiinis.
Nagagalit.
Ngayon naman ay tumatawa siya at natuwa. Kung anu-anong emosyon na ang merin siya dahil sa pusang alaga niya. Muli ay hindi niya napigilan ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi.
Pusakal, pusa at minsan ay wildcat. Kung anu-ano na ang tawag niya rito. Isang magandang pusa, nakakabighani at pusang pumukaw sa makamundo niyang pagnanais.
Iniling niya ang ulo. He should do everything it takes to ignore what he feels toward Shayne. Isang malaking pagkakamali ang hayaan ang sarili na makaramdam ng makamundong pagnanasa sa anak ng babaeng minsan niyang minahal.
Ngunit paano ba niya gawin iyon, kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay sobra-sobra na ang epekto nito sa pagkatao niya? Halo-halong emosyon ang pinaramdam nito sa kanya.
And fvck!
For the first time in his life, halos dalawang araw siyang walang tulog. Habang bumibyahe mula Russia patungo rito sa pilipinas ay ang mukha nito ang nakapagkit sa kanyang isip. Iniisip niya kung kamukha ba talaga ito ni Shaina.
Kamukha nga ito ng ina, but unexpectedly ay kabaliktaran ng ugali ni Shaina ang pag-uugali ni Shayne. Muli ay napailing siya ng maalala ang malulutong pagmumura nito.
Damien wore his ashes colored shirt, bumabakat sa katawan niya ang suot na pang-itaas. Pagkatapos ay agad na lumabas siya ng walk-in closet. Darating ngayon si Natalia, kasama nito ang private detective na in-hire niya para imbestigahan ang nangyari sa ama ni Shayne.
Gusto niyang malaman ang bawat detalye sa mga nangyari sa buhay ni Shaybe at Shaina. Gusto niyang protektahan ang anak ni Shaina. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit sa nakikita niyang takot sa mukha ni Shayne noong isakay niya ito sa kanyang sasakyan. He knew deep in him, na may mas malalim na pinag-uugatan ang matinding takot na iyon.
He knew that Shaina's husband died of a gunshot, at hindi alam ang dahilan ng punot dulo ng gunshot na ikinamatay nito. Noong una niyang narinig ang balita sa pagkamatay ng asawa ni Shaina ay wala siyang pakialam. Ngunit ngayon na nasa poder na niya si Shayne, ay kailangan niyang malaman ang lahat. Sa ganun na paraan malaman niya kung paano ito pangalagaan at protektahan.
Nasa bungad na siya ng pintuan ng matigil siya sa paghakbang. Napalingon siya sa kusina. Agad na napako ang kanyang paningin sa babaeng nakatayo sa gilid ng mesa. Nakanguso ang mga labi nito habang binubuksan ang takip ng platter ng sinangag na kanin sa ibabaw ng mesa.
‘Ang ganda lang ng pusakal niya, kahit nakanguso ito. Ang sarap lang pisilin ng mapula at manipis nitong mga labi habang nakanguso. ‘Di naman kaya ay ikulong sa mga palad niya ang mala-anghel nitong mukha at lumukusin ng halik ang labi.’
Oh, fvck!
Heto na naman siya.
“Hindi ka kumain?” untag na tanong ni Shayne sa kanya ng hindi inaangat ang paningin.
Mahina ang tinig nito na tila may himig ng lungkot. Muli ay umangat ang kamay nito at binuksan ang isa pang platter kung saan nakalagay ang scrambled egg at prinito nitong hotdog.
“Hindi ka nga kumain.”
He took a deep breath and then took a step forward. “Kakagising ko lang ng dumating ka, kaya hindi pa ako kumakain. Leave it there. Kakainin ko.”
Shayne turned her gaze to him. Kung gaano ka bilis nitong naangat ang mukha at napatingin sa kanya ay ganun din kabilis na gumuhit sa mga labi nito ang matamis na ngiti. “Sige, iinitin ko lang ‘to ng makakain ka.”
Hindi na siya kumuntra pa. Hinayaan niya lang ito sa gustong gawin. Kinuha nito ang sinangag na kanin at nilagay sa loob ng microwave at nang matapos ay agad na sinunod nito ang hotdog at scrambled egg.
He felt amused while staring at her. Halatang sanay na sanay ito sa gawaing bahay. Mabilis ang bawat galaw nito ngunit bawat kilos ay kaaya-aya tingnan. Nagluto ito kaninang umaga, ngunit sobrang linis ng kusina. Kung hindi pa niya nakita ang mga nakatakip na platter sa ibabaw ng mesa, hindi niya pa malalaman na nagluto ito at nag-agahan na.
“Kumain ka na.” Untag nito sa kanya.
Bahagya pa siyang napapitlag dahil sa bigla nitong pagsasalita. Napakurap siya at lihim na huminga ng malalim bago humakbang tungo sa hapag kainan. Tumayo siya katabi nito saka hinila ang upuan. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa.
Oh dear, God!
Nanuot talaga sa pang-amoy niya ang mabango nitong amoy. Ang sarap lang talaga yakapin ng pusakal niya. Akma siyang umupo ng sumagi sa braso niya ang braso ni Shayne.
Nagkiskisan panandalian ang kanilang mga balat. Nagdulot iyon ng tila kuryente na pakiramdam sa kanyang kaugatan. Nabitin tuloy panandalian sa ere ang paghinga niya.
Nilagyan kasi nito ng tubig mula sa pitchel ang baso na nasa harapan niya. Muli ay lihim na huminga siya ng malalim bago tuluyan na umupo.
“Pwede bang pumasok sa loob ng silid mo?” kapagkuwan ay tanong nito sa kanya.
Tumingala siya rito. Ang ngiti sa labi nito ay nanatiling nakapagkit. Muli ay hindi niya napigilan ang sarili na baybayin ng tingin ang buong mukha nito. Shayne looks so feminine. Ang kilos nito at ang buong katawan.
This is ridiculous!
He should pull his senses together.
Hindi na tama itong nangyayari sa kanya.
“Anong gagawin mo sa kwarto ko?” tanong niya sabay bawi ng tingin at tuon ng paningin sa pagkain na nasa kanyang harapan.
“Kukunin ko lang ang maruming mga damit mo at nang malabhan ko na.”
Muli niyang naangat ang paningin. Nagtama ang kanilang mga mata. Umaabot sa mga mata nito ang ngiti na ngayon ay nanatiling nakapagkit sa mga labi nito.
“Bakit mo gagawin yun?”
Damn him. He asked a stupid question. Alam naman niya ang sagot sa tanong niya. Ginagawa nito iyon upang bayaran ang pagtira nito kasama siya at lahat ng mga ginawa niya na tulad ng pagbabayad sa utang nito sa punerarya at tuition nito sa university, maging ang ilan pa na pagkakautang nito dahil sa pagpapagamot sa ina nito.
Kumunot ang kanyang noo. Ayaw niya ng ideya na iyon. He wants her to feel at ease and safe around him.
“Wala kasi akong ginagawa. Nakaka-bored kasi.” pakamot-kamot sa batok na tugon ni Shayne.
“Maraming libro dyan sa loob ng kwarto mo. Magbasa ka o ‘di naman kaya ay manood ka ng TV, or if you want, go shopping.” kinuha niya ang tinidor at itinuon ang paningin sa pagkain.
Ang hirap lang ng ganitong sitwasyon na malapit ito sa kanya. Her scent penetrated deep into his sense of smell. Ang hirap baliwalain. Maging ang pagtitig niya sa magandang mukha nito ay tila hinihila ang mga kamay niya upang haplusin ito sa pisngi. Maging ang pagbuka-tikom ng labi habang nagsasalita ay tila nag e-e-slow-motion iyon sa kanyang paningin.
Damn his senses!
Damn this wild cat for stirring her whole being. Nagulo bigla ang mundo niya sa pagsulpot nito. Shaina made his world chaotic. Kung sana naging lalaki na lang ang anak nito. Hindi sana nagulo ang sistema niya ngayon.
Marahas na tinusok niya ang tinidor sa longganisa upang kumain na lang. Bweset! Kung saan-saan na dumako ang isip niya.
“Ayaw ko. Shopping? Hindi ko kailangan yun. Marami pa naman akong damit na bago. Sayang lang ang pera.”
Ang akmang pagkagat niya sa hotdog ay nabitin. Napalingon siya rito. Wala na ito sa tabi niya. Nasa bungad na ito ng pintuan ng kanyang silid.
Fvck!
Hindi ito pwedeng pumasok sa silid niya.
Nasa silid niya ang malaking picture frame ni Shaina. Nakasabit iyon sa kanyang pader. Hindi iyon pwedeng makita ni Shayne. Siguradong mag-uugat iyon ng maraming katanungan at siguradong magtataka ito.
Marahas na nabitawan niya ang tinidor sa kanyang pinggan na naglikha ng kalansing na ingay sa paligid. Mabilis na napatayo siya.
“What are you doing?”
“Papasok sa loob ng silid mo. Kukunin ko lang ang maruming damit—”
“No!”
Tila kidlat sa bilis na humakbang siya at tinungo ang pinto ng silid sabay harang ng sarili. Idinipa pa niya ang kanyang mga kamay.
“You don't need to do anything, Shayne. Darating ang caretaker nitong condo mamaya at maglilinis dito at para maglaba na rin.”
“M-May babae ba sa loob kaya ayaw mo ako papasukin? Kaya ka ba tinanghali ng gising?”
“W-What?” Nautal tuloy siya.
Bahagya pa itong sumilip sa loob ng silid. Nakaawang kasi ng bahagya ang pinto.
“Walang babae sa loob. Ikaw lang ang babae sa loob ng bahay na ito.” Now he sounds so defensive.
Bakit parang ayaw niya ang iniisip nito ngayon sa kanya? Ayaw niyang isipin nito na may babae siya. Para saan? He is a bachelor. Kaya natural lang na magkaroon siya ng babae. But the heck! The idea that is running in Shayne's head, a thought of her, him having a woman, made him feel uneasy. Bakit ba kasi niya binibigyan ng halaga ang iisipin nito sa kanya?
“Wala naman pala. Bakit ayaw mo ako papasukin?” May himig na pagtatampo ang tinig nito at muli ay ngumuso ang manipis na mga labi.
“Ayaw kong may ibang gumagalaw ng mga gamit ko!”
What a lie.
“Ayaw mo may ibang gumagalaw ng gamit mo, o sadyang ayaw mo lang na galawin ko. Yung caretaker pwede naman labhan ang damit mo. Bakit ako hindi pwede?”
Sunod-sunod na tanong nito sa kanya ng nakataas ang mga kilay. Hindi niya tuloy alam kung ano ang isasagot niya. He was off guard. Ang hirap magpaliwanag kay Shayne. Tinitigan niya ito sa mga mata. ganun din ito sa kanya. She was playfully staring at her. Hindi ito kumukurap at nanatiling nakataas ang mga kilay.
She was like, measuring his patient.
“I just don’t want you to touch my stuff. Yun lang.”
Shayne shrugged her shoulders then turned back from him. “Okay, sabi mo ‘e.”
Nakahinga siya ng maluwang. Kapagkuwan ay sinara niya ng tuluyan ang pinto saka humakbang pabalik ng dining upang sana ituloy ang kanyang pagkain. Ngunit nakailang hakbang palang siya, ay biglang lumingion si Shayne at biglang takbo ito tungo sa kanyang silid.
Ngunit kung gaano kabilis ang kilos nito ay mas doble ang bilis niya. Nakahawak na ang kamay nito sa seradura ng maabutan niya. He automatically wrapped his arms around Shayne's waist. Pumaikot siya. Isang malakas na tili ang pinakawalan ni Shayne, kasabay ng pag-ikot ng katawan nito sa ere habang buhat niya.
Nakagapos ang katawan nito sa kanyang mga bisig at walang kahirap-hirap na binuhat niya palayo sa pintuan at binuhat tungo sa couch. Pagdating sa couch ay marahas na inihiga niya ito at dinaganan. Lumundo ang couch kasabay ng pagdagan niya ng buong bigat sa ibabaw ni Shayne.
Their bodies pressed against each other. Ang init ng katawan ni Shayne ay humahalo sa kanya, at ang t***k ng kanilang mga puso ay malakas, at magkasabay na tila tambol na umaalingawngaw sa pandinig ni Damien. Kapwa na hinihingal na sinasalubong ng bawat isa ang mga titig. Titig na naghahatid ng init na may kasamang haplos sa kanyang pagkatao.
Hindi nakatakas sa paningin niya ang mariin na paglunok ni Shayne, dahilan upang mas lalong sumidhi ang tensyon na nararamdaman niya.