Nasa kuwarto kami ngayon ni Jeremy at tinatapalan ko ng ointment ang mga sugat niya sa mukha. This is the second time na nakita ko ang ganitong itsura niya pero mas malala ito kumpara sa una. Natigilan ako sa paglagay ng ointment at nagyuko. Hindi ko na napigilan ang pagluha ko dahil ako ang naging dahilan kung bakit sila nag-away ng daddy niya. Hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama at gusto ng daddy niya na pakasalan si Mint dahil unti-unti nang bumabagsak ang negosyo nila Mint. Malaki rin daw ang utang na loob ng daddy ni Mint sa ama ni Jeremy at bilang kabayaran ay gustong ipakasal siya ng daddy niya kay Mint. “Baby, you don’t have to worry hindi ko naman pakakasalan si Mint.” Nag-angat ako nang tingin at maluha-luha ko siyang tinitigan. “That’s not the point Jeremy. What if wala

