Bagamat nagpaunlak ang estudyante sa kanilang dalawa ni Cassy, inakala nitong ang magiging panayam ay isasagawa sa isang lugar na malapit lamang sa eskuelahan katulad ng isa sa mga coffee shops sa sentro. Nang malaman nito ang plano ng opisyal, ay kaagad itong kinakitaan ng pag aalinlangan. Nawala lamang ang pag aatubili nito matapos bolahin ni Delavega. “Karla, medyo sensitibo kasi mga pag uusapan, mas maige kung sa safehouse natin isagawa ang interview, para din sa kaligtasan niyo pareho ni Cassy. Mayroon kaming malapit na safehouse dito, kung okey lang sa inyo.” Tiniyak din ng opisyal na ihahatid nito pareho ang dalawang estudyante sa kanilang mga tirahan, o "boarding house", kung kaya't tuluyan itong nagpaunlak. ====================================================================

