Iritableng nagtungo sa bahay nina Dimples si Shun. Galit na galit siya nang malamang ipinagkatiwala ni Apple ang condo unit nito kay Joaquin. Doon ang comfort zone niya, eh! Pero ngayon ay hindi na niya kayang tumagal doon dahil nahahaluan na ng amoy aso ang silid. Wala nang tumatambay sa sala dahil maaga nang nagpapahinga sina Kairo at Dimples pati na ang mga bata. Ang mga katulong ay nagpahinga na rin maliban kay Claire na siyang nagbukas sa kaniya ng pinto. Pumanhik siya at dumiretso sa kwarto na inilaan talaga nina Dimples para sa kanila ni Apple. Doon sila natutulog 'pag bumibisita sila. Soundproof iyon. Sinadya ni Dimples dahil ang ingay raw nila. Dabog niyang hinubad ang kaniyang mga saplot at binuksan ang shower ng banyo roon. Idiniin niya ang mga palad sa dingding habang hi

