------ ***Arabella's POV*** - Ang sakit ng mga narinig ko kanina. Sa sobrang tindi ng sakit, pakiramdam ko ay parang may matalim na kutsilyong humati sa puso ko sa gitna. Hindi ko lubos maisip na may kaugnayan pala si Harold sa ina ko—na may napakalaking kasalanan pala ang ina ko sa kanya. At ngayon, balak niyang gamitin ako upang ipaghiganti ang sarili niya sa nagawa ng ina ko noon. Sa lahat ng lihim na aking natuklasan, ito na marahil ang pinakamasakit sa lahat. Mahal ko si Harold. Mahal na mahal ko siya. Kaya naman ang katotohanang ang ina ko pala ang dahilan kung bakit muntik nang masira ang buhay niya—at ang mas masakit pa, ang lahat ng nangyari sa aming dalawa ay bahagi lamang ng kanyang paghihiganti—ay parang matatalas na tinik na unti-unting bumabaon sa aking puso. Parang mga k

