------ ***Arabella's POV*** - Gabi na nang makarating kami ni Harold sa aming destinasyon. Kanina, nagtataka pa ako kung bakit kami nagtungo sa isang pantalan, iyon pala ay dahil doon kami susunduin ng bangkang kukuha sa amin para dalhin patungo sa isang isla—ang islang pagmamay-ari mismo ni Harold. Habang nasa bangka kami, ikinuwento niya sa akin na ang isla na pupuntahan namin ay maliit lamang, ngunit pribado at eksklusibong kanya. Wala akong ideya kung ano ang naghihintay sa akin sa islang iyon, ngunit sa tono ng kanyang pagsasalaysay, tila napakaganda at espesyal ng lugar. Dahil madilim na nang marating namin ang isla, hindi ko kaagad nasilayan ang kabuuan ng tanawin sa paligid. Gayunpaman, napansin ko agad ang pino at maputing buhangin na lumiliwanag sa ilalim ng malamlam na ilaw

