------ ***Arabella's POV*** - Pagdating ko sa ospital, dumiretso ako sa clinic ng OB-GYN ko, si Dr. Claudia, ngunit agad akong sinalubong ng kanyang secretary na may bahagyang paumanhin sa mukha. "Pasensya na po, Ma’am Bella, pero wala si Dr. Claudia ngayon. Nasa ibang bansa siya kasama ang kanyang pamilya. Kung emergency po, puwede ko kayong i-refer sa ibang OB-GYN na available ngayon." Napabuntong-hininga ako. Hindi ko inaasahan ito, pero wala akong magagawa. Kailangan kong malaman kung ang pagsusuka ko ay epekto ng gamot na iniinom ko para ma-regulate ang menstrual cycle ko. Gusto ko lang ayusin ang katawan ko para kapag dumating ang tamang panahon—kung kailan handa na si Harold—ay mabigyan ko siya ng anak. Pero sa totoo lang, ang unang rason talaga kung bakit ko inihanda ang saril

